Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa Ibayong Dagat:
Ang makasaysayang Labanan sa Dien Bien Phu

 Read this article in English

Ginunita ng mamamayang Vietnamese noong Mayo 7 ang ika-50 anibersaryo ng Labanan sa Dien Bien Phu. Ang labanang ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan kung saan lubos na ginapi ng isang maliit na kolonya ang isang malaking kolonyalistang kapangyarihan. Sa paglalagom noong dekada 1960 ni Ho Chi Minh, pinuno ng partido komunista at unang pangulo ng Vietnam, ang nakamit sa Labanan sa Dien Bien Phu ay �isang dakilang tagumpay ng mamamayang Vietnamese, gayundin ng mga pwersa ng kapayapaan, demokrasya at sosyalismo sa daigdig.�

Sa labanang ito, dinurog ng Vietnam People�s Army (VNPA) sa loob ng 55 araw ang mas malaki at mas modernong hukbo ng imperyalistang France. Nalipol at nabihag ang 16,000 kaaway na napalibutan sa Dien Bien Phu. Nag-alay doon ng kanilang buhay ang 10,000 patriyotikong Vietnamese.

Nayanig ang buong Europe sa ipinamalas na kagitingan ng mamamayang Vietnamese sa Labanan sa Dien Bien Phu. Dahil dito, napilitan ang France na tapusin na ang halos isandaang taong pananakop nito sa Vietnam at iba pang bansa sa Indochina. Sa talumpati niya sa paggunita sa labanan, sinabi ni Gen. Vo Nguyen Giap, noo�y Punong Kumander ng VNPA at kagawad ng Kawanihang Pampulitika ng Komite Sentral ng Partido, ang tagumpay sa Dien Bien Phu ay patunay na kayang talunin ng isang determinadong bansa ang dayuhang mananakop gaano man kalaki ang kapangyarihan nito.

Bago pa man naganap ang labanan sa Dien Bien Phu, kabilang ang rebolusyonaryong kilusan ng mamamayang Vietnamese sa panibagong daluyong ng matatagumpay na rebolusyonaryong pakikibaka sa iba�t ibang bahagi ng mundo makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasimulan ang pagtatatag ng mga sosyalistang rehimen sa Eastern Europe noong 1948 at nagtagumpay naman ang bagong demokratikong rebolusyon sa China noong Oktubre 1949. Noong Enero 1950, kinilala ng Soviet Union, China at iba pang republikang bayan ang bagong tatag na Democratic Republic of Vietnam (DRVN).

Subalit tinangkang baligtarin ng mga pwersang imperyalista ang mga tagumpay na nakamit ng mamamayang Vietnamese at pigilin ang pagkalat pa ng rebolusyonaryong agos sa ibang bayan ng Indochina at Asia. Sa basbas ng imperyalismong US, binalangkas noong kalagitnaan ng 1953 ni Gen. Henri Navarre, punong kumander ng mga ekspedisyunaryong tropa sa Indochina, ang tinaguriang �Navarre Plan.� Naglalayon itong bawiin mula sa mga Vietnamese sa loob ng 18 buwan ang estratehikong inisyatiba at muling patatagin ang imperyalistang dominasyon sa buong Indochina. Mahigpit itong nilabanan ng mamamayang Vietnamese.

Lalong tumatag ang diwang mapanlaban at humigpit ang pagkakaisa ng Partido, hukbong bayan at mamamayang Vietnamese na ipagtanggol ang kanilang natamong mga tagumpay nang ilunsad ng Partido ang serye ng limang kampanya sa reporma sa lupa sa mga pinalayang purok mula Abril 1953 hanggang Hulyo 1954. Kasabay nito, inilunsad ang kampanya para iwasto ang ilang pagkukulang sa gawaing masa.

Pagsapit ng Disyembre 1953, matapos ang mahigpit na mga pagtatalo at palitan ng pananaw, pinagpasyahan ng Komite Sentral ng Partido ang paglulunsad ng isang mapangahas na digmang may estratehikong katangian upang biguin ang �planong Navarre.� Ang pinakatarget ng kampanya: pabagsakin ang Dien Bien Phu, ang sentro ng poder militar ng France sa hilagang kanlurang Vietnam.

Ipinagkatiwala kay Gen. Giap ang tuwirang kumand sa kampanyang ito. Gamit ang iilang kasangkapan pa lamang na hawak nila, agad sinimulan ng mga bagong buong yunit ng artilerya at impantri ng mamamayang Vietnamese ang konstruksyon ng daan-daang kilometro ng lansangang tagus-tagusan sa mga gubat at bundok tungo sa larangan ng labanan. Ang sistema ng mga lansangan at trinserang ito ang dinaluyan ng mga tropa, kagamitang militar, suplay at komunikasyon mula sa mga pinalayang purok sa hilagang Vietnam tungo sa Dien Bien Phu. Sa mga krusyal na lugar din dito ipinwesto ang mabibigat na sandata tulad ng mga kanyon. Pinasan ng mga tropang Vietnamese ang mga kanyon sa matataas na bundok at mga lambak kahit tuluy-tuloy na pinauulanan ng bala ng kaaway ang mga tropang Vietnamese.

Patunay sa masiglang pagtugon ng masang Vietnamese sa islogang �lahat para sa larangan, lahat para sa tagumpay,� nagbuhos ang 200,000 boluntir ng mahigit 3,000,000 araw-paggawa para maipagtagumpay ang opensiba sa Dien Bien Phu. Magiting na nagbukas ng mga bagong lansangan ang ilampung libong kabataan na kasapi ng mga shock brigade. Kasama ang mga engineering unit, pinangahasan din nila ang pagpapawalambisa sa mga bombang delayed-action na itinanim ng kaaway sa mga linya ng komunikasyon. Naghakot sila ng bigas, pagkain at amunisyon para sa larangan, gamit ang lahat ng maaaring moda ng transportasyon gaya ng bisikleta, kareta, bangka at iba pa. Kamangha-mangha ang kagitingan at sakripisyong ipinamalas noon ng milyun-milyong Vietnamese.

Noong buwan ding iyon, sinimulan ng mga tropang VNPA ang paglulunsad ng mga atake sa hilagang-kanluran. Malalaking bilang ng kaaway ang nalipol ng mga tropang Vietnamese sa pagpapatuloy ng opensiba, at malalaking tipak ng mga teritoryong dating hawak ng mga Pranses ang napalaya. Samantala, naglunsad rin ng opensiba ang mga pwersang Pathet Lao (rebolusyonaryong kilusan sa Laos) at mga Boluntir ng Mamamayang Vietnamese sa Gitnang Laos upang ilihis ang atensyon ng kaaway sa Dien Bien Phu habang pinagtutulungan ang pagsusulong din ng digmang bayan sa Laos. Kaalinsabay, pinaigting nang husto ang pakikidigmang gerilya sa mga teritoryong hawak pa ng kaaway sa Hilaga at Gitnang Vietnam.

Sa mahigpit na pagkakaisa at koordinasyon ng mamamayan at ng hukbong bayan, nagawang bingi at bulag ang kaaway. Napaniwala ng VPNA ang mga pwersa ng France na tapos na ang opensiba ng mga Vietnamese. At noong Marso 13, inilunsad ng 50,000-kataong tropa ng VPNA ang isa sa pinakamalalaking opensiba laban sa lito at kalat-kalat na pwersa ng France. Kinubkob ng mga Vietnamese ang malaking pwersa ng kaaway sa lubhang nakahiwalay na moog ng Dien Bien Phu. Ang labanang ito ay naitala sa kasaysayan ng syensa militar bilang isa sa pinakamagigiting na labanan sa ika-20 siglo.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Mayo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Malawakan ang karahasan at pandaraya sa nagdaang eleksyon

Reaksyunaryong Eleksyon:
Panununog sa Isabela, kinundena ng BHB

Reaksyunaryong Eleksyon:
AFP ang may kagagawan ng karahasan, pandaraya sa eleksyon �- NDF-Eastern Visayas

Reaksyunaryong Eleksyon:
Karahasan sa eleksyon, itinala ng NDF-Mindanao

Reaksyunaryong Eleksyon:
Militar, RPA nangampanya laban sa mga progresibong partido

Gubyerno at mamamayan ng Pilipinas, baon sa utang
Walang katapusang pangungutang
World Bank, palabigasan ng pinakamalalaking imperyalistang korporasyon
Mga Ulat Koresponsal:
Ka Boyet, mahusay na rebolusyonaryong kadre at kumander

Sa Ibayong Dagat:
Ang makasaysayang Labanan sa Dien Bien Phu
Sa Ibayong Dagat:
Cuba, naghahanda sa pagsalakay ng US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.