Ang tambalan ni Tabara at ng reaksyunaryong rehimen
Si Tabara ang tagapangulo ng kontra-komunistang RPMP-RPA. Itinatag niya ito makaraan siyang itiwalag sa Partido noong 1992 dahil sa kanyang mga kriminal na pananagutan laban sa Partido at rebolusyonaryong kilusan.
Noong 1997, nagsanib sila ng pwersa ng ABB ni Nilo dela Cruz (alyas Sergio Romero) sa layuning labanan ang BHB at para sa pagpapatuloy ng kanilang kriminal na gawain.
Tuwiran itong sinusuportahan at pinopondohan ng rehimeng Arroyo at inaarmasan ng AFP. Nagsisilbi itong private army ni Eduardo "Danding" Cojuangco at iba pang malalaking asendero sa Negros. Nakipagkasundo ito noong Disyembre 2000 sa rehimeng Estrada at sa rehimeng Arroyo noong Pebrero 2001.
Ang tambalang Tabara-dela Cruz, suportado ng kriminal na sindikato ni Panfilo Lacson, dating hepe ng Philippine National Police, ang nasa likod ng pagpatay kay Filemon "Popoy" Lagman noong Pebrero 2001. Pinag-awayan nila ang P400 milyong suhol kay Lagman ng Public Estates Authority (PEA)-Amari para sa pagpapalayas sa libu-libong pamilyang maralita mula sa Freedom Island sa Para�aque.
Noong Pebrero 2001, sa pinirmahang "clarification document" nina Tabara at ng rehimeng Arroyo, tinurang "espesyal na milisya" ang RPA-ABB at nakipagkoordina ito sa AFP sa mga operasyon laban sa BHB. Para rito, pumayag ang rehimeng Arroyo na mag-isyu ng malalakas na armas sa RPA-ABB. Kalaunan, nakilala na ito bilang "CAFGU-RPA" sa ilalim ng 3rd Infantry Division ng AFP.
Bunga ng sabwatang ito, aktibo ang papel ng RPA-ABB sa pagpaslang sa mga kadre at kasapi ng Partido at BHB at sa malawakang dislokasyon at kahirapan ng masang magsasaka bunga ng mga operasyong militar na inilulunsad ng mga pinagsanib na pwersa ng RPA-ABB at AFP.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|