Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Paglabag sa mga karapatang pangmanggagawa

 Read this article in English

Dumami ang mga paglabag sa karapatang mag-unyon at iba pang karapatang pangmanggagawa sa loob ng halos tatlong taong panunungkulan ni Gloria Arroyo. Ayon sa Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), may naitalang 91 kaso ng pang-aatake sa mga manggagawa sa mga piketlayn mula Enero hanggang Nobyembre nitong taon. Bumiktima ito ng 1,857 manggagawa.

Karamihan sa mga kaso ay pag-aresto at pagbilanggo, pag-atake sa mga piketlayn, paniniktik sa mga lider-manggagawa, malubhang pananakot, sexual harassment at pagpatay.

Batay sa parsyal na talaan ng CTUHR, may 28 kaso ng pag-atake sa mga piketlayn na may 1,621 biktima. May 394 biktima sa siyam na insidente ng pananakot sa mga nagwewelga at pagsubaybay sa mga kilos ng mga lider-obrero. Nasaktan ang 203 manggagawa sa tatlong insidente ng pambubugbog at pamamalo habang binubuwag ang piketlayn.

May sampung kaso ng arbitraryong pag-aresto sa 50 manggagawa. Samantala, 35 katao naman ang biktima ng pitong kaso ng iligal na detensyon.

Hindi rin nakaligtas sa sexual harassment ang mga manggagawang babae. May naitala namang isang kaso ng pagpatay.

Nangyari ang pandarahas sa mga piketlayn ng mga manggagawa sa Light Rail Transit (LRT), La Tonde�a, Lepanto Mining Corporation, Nestl� Philippines, NE Poultry Processing Plant, Rustan's, Sackline Industrial Corporation, San Miguel Corporation, Sulpicio Lines, Yusung ADVENTURE, Martex, Kosiphil, GOP, Reino's Chicken, PASVIL/Pascual Liner at Ren Transport. Dinemolis ang isang komunidad ng mga manggagawa sa Parola, Tondo sa Maynila.

Bukod sa paggamit sa mga gwardya, eskirol at goons, nakipagsabwatan ang maneydsment sa nasyunal at lokal na gubyerno laban sa mga manggagawa. Ginagamit nito ang mga pwersa ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang Regional Special Action Force, Regional Mobile Group, Special Warfare Team (SWAT) at mga pulis ng PEZA. Kalahok din ang mga ahente ng National Bureau of Investigation, mga sheriff at kahit mga barangay tanod.

May malaking pananagutan ang kasalukuyang gubyerno sa papalaking bilang ng mga paglabag sa mga karapatang pangmanggagawa. Sa pagtatangka ni Arroyo na ipagbawal ang welga, malupit nitong sinusupil at dinadahas ang mga manggagawa. Walang pakundangang sinusupil ang mga karapatan ng mga manggagawa upang patunayan lamang ang pagsuporta ni Arroyo sa kanyang mga among kapitalista.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Disyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Bagong programang amnestiya ng rehimeng Arroyo

Isa na namang pagtraydor sa mamamayan

Usapang NDFP-GRP
Wala pa ring kaisahan

Paglabag sa mga karapatang pangmanggagawa
General Agreement on Trade in Services
Ibayong pagsasamantala, ibayong pahirap

Operasyong militar sa panahon ng tigil putukan:
230 pamilyang Aeta nagsilikas

Mga Ulat Koresponsal
Christians for National Liberation

Lumalakas, sumusulong

Mga Ulat Koresponsal
Radyo Gil-ayab sa Cagayan

Dagdag na armas sa gawaing edukasyon, propaganda at kultura

Pagtatanghal ng kambal-dula
Pagsasabuhay sa makauring kultura at sa diwa ni Gat Amado

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.