![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nais naming ituwid ang ilang maling impormasyon na nilaman ng balita tungkol sa welga sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) na lumabas sa p. 19 ng isyung Enero 2003 ng AB.
Nagpupuna rin ang patnugutan ng AB sa pagsipi sa sinabi ni Pete Pinlac, pinuno ng MKP, na animo�y awtoridad at kinatawan ng mga manggagawa ng PLDT. Katulad ng nalalaman ng mga manggagawa ng PLDT, si Pinlac ay isang dilawan na kinakasangkapan ng maneydsment upang lalong apihin ang mga manggagawa. Katunayan, pinahintulutan ni Pinlac na isingit sa CBA noong taong 2000 ang probisyong pabor sa "out-sourcing" at "out-jobbing" o ang pagpapatrabaho ng PLDT sa di nito regular na mga manggagawa. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng kanyang agaw-eksenang hunger strike na dumiskaril sa sama-sama at militanteng pagkilos noon ng mga kasapi ng MKP. Ang welga noong Disyembre ay hindi matatag na pinaghandaan ni Pinlac at ng grupo niyang kaalyado ng KPD, BMP at AGLO. Bumuntot si Pinlac sa welga; subalit sa halip na tumulong sa pagpapalakas nito, pinahina niya ito sa pamamagitan ng paninira sa mga progresibong kasapi ng unyon at pagsagka sa kanilang mga pagsisikap na itaguyod ang laban ng mga manggagawa ng PLDT. Nabigo ang welga na sagkaan ang planong tanggalan ng mga manggagawa sa PLDT, ngunit kahanga-hanga ang ipinamalas na pagpupunyagi, militansya at diwa ng pagkakaisa ng mga manggagawa na lumaban sa kabila ng mga pagsagkang ginagawa ng dilawang lider na si Pinlac. Ang mapanlabang diwang ito ang puhunan upang lalong palakasin ang mga darating pang pakikibaka laban kay Pinlac at sa mga kontra-manggagawang pakana ng PLDT. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|