Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matinding korapsyon sa AFP

 Read this article in English

Talamak ang korapsyon at kriminalidad sa buong establisimyentong militar. Sangkot dito ang pinakamatataas na upisyal ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Department of Defense. Bukod sa pagtanggap ng sarisaring suhol sa pagbili ng mga gamit-militar at iba pang suplay, pinamumunuan nila ang pinakamasasahol na kriminal na sindikato.

Matapos dramatikong ibunyag at kundenahin ng mga nakabababang upisyal ng AFP ang talamak na korapsyon at panunupil ng nakatataas na upisyal ng AFP at rehimeng Arroyo noong Hunyo 27, hindi na mapigilan ng rehimen ang pagkakaungkat ng mga kaso ng korapsyon at anomalya sa AFP. Nitong Agosto 18, nabunyag ang anomalya sa Government Arsenal (GA). Ayon sa Commission on Audit, mayroong P77 milyong nawawala sa pagitan ng imbentaryo at aktwal na ginastos. Ang GA ang nakatalagang tagagawa ng mga batayang armas, bala at iba pang gamit ng pulis at militar. Nakapailalim ito sa DND.

Maraming pamamaraan ang militar upang mahuthot ang pondo ng AFP. Isa na rito ang pagpapalobo ng presyo ng mga pangangailangan ng militar. Naibulgar, halimbawa, na sa pagpapaayos noong 1998 ng mga tangkeng Scorpion ng militar na may badyet na P200 milyon, ang pyesang contact point na P1,852.50 lamang ay ginawang P30,000. Ang P99,750 orihinal na presyo naman ng gear box assembly ng tangke ay naging P12,900,000.

May tinatawag ding sistemang �recycled delivery supplies.� Sa iskemang ito, ang mga suplay na inoorder ay sadyang hindi dinedeliber sa kampo nang minsanan upang yaong nauna nang dumating na bats ay palalabasin din siyang susunod na bats.

Masahol pa ang �ghost delivery� kung saan walang suplay na dumarating sa AFP at sa halip pinaghahatian na lamang ng matataas na upisyal at ng kumpanya ang pondo para sa mga inorder na pangangailangan ng militar.

Mababa ang kalidad ng mga suplay na binibili upang makamura at maibulsa ang matitira sa pondo. Noong Pebrero 2001, isiniwalat ni Commodore Guillermo Wong, noo�y hepe ng Philippine Navy, ang anomalya sa pagbili ng kevlar helmets kung saan hindi gawa sa kevlar ang aktwal na nakarating. Sangkapat din lamang ng niresibuhan ang aktwal na dumating�500 sa halip na 2,000 piraso. Sangkot sa anomalyang ito ang hepe noon ng Philippine Marines.

Isa sa sinasabing pinakamalalalang anyo ng korapsyon sa militar ang conversion. Sa iskemang ito, ginagawang cash ang budget na nakalaan para sa mga pangangailangan ng militar. Pabawas nang pabawas ang pera habang palipat-lipat sa mga kamay ng mga upisyal. Sinasabing 25% ang karaniwang ibinabawas ng mga tagapag-apruba at taga-awdit sa badyet na ginagawang pera. Siyam hanggang 16% na lamang ng badyet ang aktwal na ginagastos para sa pangangailangan ng militar.

Hindi lamang nangungurakot ang matataas na upisyal-militar. Walang takot nilang ipinangangalandakan ang kanilang mga dinambong sa pamamagitan ng kanilang marangyang pamumuhay. Karamihan sa kanila ay mga milyonaryo. Katunayan, ang lahat ng 37 heneral na kinumpirma ng Commission of Appointments kamakailan ay umaming mga milyonaryo batay sa kanilang mga isinumiteng statement of assets and liabilities (SAL). Ang �pinakamahirap� sa kanila ay may kita at ari-ariang nagkakahalaga ng P1 milyon habang ang pinakamayaman ay nagtala ng P13.4 milyon.

Gayunman, hindi pa nito sinasalamin ang tunay na halaga ng yaman ng mga heneral. Halimbawa na rito si Defense Sec. Angelo Reyes na umamin lamang sa yamang P3.5 milyon gayong aabot na sa P14 milyon ang halaga ng dalawa pa lamang sa kanyang mga ari-arian. Isa sa mga ari-arian na ito ang kanyang lupain sa Fort Bonifacio na itinala niyang nagkakahalaga ng P115,000 gayong ang halaga nito sa pamilihan ay P4 milyon. Sa lupaing ito kasalukuyang itinatayo ni Reyes ang malapalasyong tahanan na nagkakahalaga ng mahigit P10 milyon. Dagdag pa dito, karaniwang gawi na para sa mga upisyal ng gubyerno ang di pagsali ng kanilang pinakakapaki-pakinabang na mga ari-arian sa kanilang mga SAL.

Matatagpuan sa AFP Officers� Village Association, Inc. (AFPOVAI) at sa nakareserbang lugar para sa Joint U.S. Military Advisory Group (JUSMAG) sa Fort Bonifacio ang mga mansyon at nakaparadang magagarang sasakyan ng mga heneral ng AFP.

Sa kabilang banda, ang pinakamaraming bilang ng mga ordinaryong sundalo ay nakatira sa mga barung-barong na nakatirik sa mga lupaing ipinagkakait sa kanila ng gubyerno. Halimbawa nito ang isang komunidad ng mahigit 100 pamilya ng mga retirado at aktibong ordinaryong sundalo sa Sityo Kaunlaran, Western Bicutan na nasasakop ng Fort Bonifacio. Ilang beses nang giniba ang mga bahay sa lugar. Ayon sa AFP, nakatakdang ibigay ang mga pwesto rito sa mga upisyal ng militar.

Tinipid ng sunud-sunod na rehimen ang pagpapagawa ng mga tirahan ng mga ordinaryong sundalo. Kadalasan ay napakaliit ng espasyo para sa isang pamilya. Halimbawa nito ang pabahay sa Centennial Village sa Fort Bonifacio na ginawa sa panahon ng rehimeng Ramos. Gawa sa murang materyales ang mga gusali na may peligrong bumagsak kapag nagkaroon ng malakas na lindol dahil bitak-bitak na ang semento.

Hanggang ngayon, hindi pa rin napaparusahan ang malawakang pangungurakot ng mga heneral at upisyal ng AFP sa Armed Forces of the Philippines-Retirement and Separation Benefits System (AFP-RSBS). Nabunyag noong panahon ng rehimeng Estrada na ibinulsa ni Gen. Jose Ramiscal Jr., kasabwat ang iba pang upisyal, ang mahigit P250 milyon mula sa pondong pangpensyon at pangretiro ng mga ordinaryong sundalo. Kasabwat nila ang noo�y Chief of Staff ng AFP na si Lisandro Abadia. Sa halip na maparusahan, marami sa mga inimbestigahang upisyal ang inilipat lamang ng trabaho at may mga tinaasan pa ng ranggo. Sa halip na gamitin ang pondo para sa mga sundalo, ipinasok ng mga upisyal ng AFP ang pera sa di-istableng iskema at korporasyon para mabilisan itong kumita at lubos na pakinabangan ng mga upisyal-militar, kabilang si dating Defense Sec. Orlando Mercado.

Ibinubulsa ng matataas na upisyal ang nakukuhang ganansya sa mga negosyong pinatatakbo ng mga ito. Halimbawa nito ang pangungupit nila ng milyun-milyong pisong kita kada buwan mula sa mga golf course sa Camp Aguinaldo at Fort Bonifacio. Napakadaling maitayo ang mga negosyo sa ngalan ng AFP dahil hindi na ito hinahanapan ng mga building permit at business permit at libre rin ito sa pagbabayad ng buwis. Hindi iniuulat o inaawdit ang mga negosyong ito bilang mga negosyo ng gubyerno. Pinatatakbo ang mga ito bilang mga pribadong negosyo ng matataas na upisyal.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Agosto 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Tinatahak ng AFP ang landas ng kabiguan

Matinding korapsyon sa AFP
Ang garapal na pagpatay kay Jessica Chavez
Mga Ulat Koresponsal:
Pananaig ng rebolusyonaryong kilusan sa Southern Tagalog

Pagpapaigting ng pampulitikang interbensyon ng US sa bansa:
Paggamit sa prosesong pangkapayapaan

Tumitinding pakikibakang unyon sa SMC
Ka Bert Olalia�dakilang bayani ng uring manggagawa
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.