Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

10 hakbangin sa pagbubuwis ng rehimeng Arroyo

 Read this article in English

Sa desperasyong makalikom ng P126.66 bilyong karagdagang kita para mabawasan ang napakalaking depisit sa badyet, matustusan ang malaking gastos at mabayaran ang dambuhalang mga utang ng gubyerno, balak ng rehimeng Arroyo na magsagawa ng iba't ibang karagdagang hakbangin sa pagbubuwis na pawang magpapalala sa hirap na kalagayan ng mamamayang Pilipino. Sumusunod ang ilan sa mga ito:

  1. Pagtataas ng VAT (value-added tax o buwis sa mga naidaragdag na halaga sa mga produkto) mula sa kasalukuyang 10% tungong 12% sa 2006 at 14% sa 2007. Inaasahang malilikom na buwis: P19.9 bilyon.

  2. Pagpapataw ng 3% franchise tax (buwis sa karapatang magnegosyo) sa mga kumpanya sa telekomunikasyon. Ang pasanin dito ay ipapasa ng mga kumpanya sa mga gumagamit ng cellphone. Inaasahang malilikom mula rito: P6 bilyon.

  3. Pagbaling sa gross income taxation (o pagbubuwis sa kabuuang kita sa halip na sa netong kita) sa mga korporasyon at mga indibidwal na self-employed o nagtatrabaho para sa sarili. Maaaring tumubo sa gayon nang sobra-sobra ang mga korporasyon nang walang anumang buwis sa kanilang tutubuin pagkatapos maisaayos ang babayaran nilang gross income tax. Samantala, ang gross income tax na kung tutuusin ay halos sales tax o buwis sa pagbebenta ay mas madaling maipapasa sa mga konsyumer sa pamamagitan ng simpleng pagtataas lamang ng presyo ng mga produkto o serbisyo ng korporasyon. Inaasahang malilikom mula rito: P16.76 bilyon.

  4. Pagpapaliit ng fiscal incentives (o mga insentibo sa mga kumpanya sa anyo ng pagbabawas o pag-aalis ng buwis, pagbibigay ng mga subsidyo at iba pa) para higit na umayon sa mga regulasyon ng World Trade Organization. Inaasahang dagdag na kikitain mula rito: P5 bilyon.

    ...balak ng rehimeng Arroyo na magsagawa ng mga karagdagang hakbangin sa pagbubuwis na pawang magpapalala sa hirap na kalagayan ng mamamayang Pilipino.

  5. Pagpataw ng index reclassification tax (buwis sa pamamagitan ng simpleng pagbabago ng kategorya ng mga produkto) sa mga "bisyo," tulad ng mga inumin at sigarilyo na kinokonsumo ng karamihan ng mamamayan. Inaasahang malilikom mula rito: P14 bilyon.

  6. Pagbibigay ng general tax amnesty (pangkalahatang amnestiya sa babayarang buwis). Sa pamamagitan ng pagbabayad na lang ng mas maliit na halaga, ganap na ililibre na sa mas malalaking pananagutan nila sa nakaraan ang malalaking korporasyon at mayayamang indibidwal na nakaiwas sa pagbabayad ng buwis sa maanomalyang mga paraan. Inaasahang malilikom mula rito: P25 bilyon.

  7. Pagtataas ng taripa sa pag-aangkat ng mga produktong petrolyo. Inaasahang malilikom mula rito: P4.6 bilyon.

  8. Pagtataas ng excise tax sa mga produktong petrolyo. Inaasahang malilikom mula rito: P29.7 bilyon.

  9. Pagtataas ng mga singilin ng iba't ibang ahensya ng gubyerno. Inaasahang malilikom mula rito: P5.7 bilyon.

  10. Pagpaparami pa ng mga pwedeng buwisan ng mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng gubyerno, tulad ng Public Estates Authority (PEA) at Philippine Gaming and Amusement Corporation (PAGCOR).

 


Previous articleBack to topNext article

07 Agosto 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Dagdag na mga pahirap sa bayan

Korapsyon, pagwawaldas at maling mga prayoridad ang tunay na nasa likod ng dambuhalang depisit sa pambansang badyet ng gubyerno
Karagdagang buwis sa langis, ipapapasan sa mamamayan
Alyansa laban sa pagtataas ng buwis, binuo sa kongreso
10 hakbangin sa pagbubuwis ng rehimeng Arroyo
Mga ulat koresponsal:
Panibagong lakas ng armadong pakikibaka sa Negros

Bigong pagsalakay sa kampo ng BHB
CPLA at AFP, magkakumpitensya sa iligal na pagtotroso sa Apayao
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.