Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Kontra-rebolusyonaryong karahasan laban sa mga bata sa kanayunan

 Read this article in English

Hindi binibigyang-tangi, at katunaya�y itinuturing ng reaksyunaryong tropang militar na tuwirang target ng malupit na pasistang pananalakay at pang-aabuso ang milyun-milyong bata.

Biktima ang maraming bata ng walang patumanggang pagpatay, pambobomba, istraping, panunununog at pwersahang pagpapalikas ng mga sundalo. Marami sa kanila ang tuwirang tinatakot, binubugbog at inaabuso upang umaming mga tagasuporta o di kaya�y mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Pinasasaksi sa kanila ang pagpatay sa kanilang mga magulang. Sa mga sentro ng ebakwasyon kung saan itinatapon at pinababayaan ang mga sapilitang pinalilikas, labis silang pinahihirapan ng gutom, sakit at matinding kasalatan na humahantong sa maraming pagkamatay ng mga murang katawan. Mas masahol pa, mayroong mga batang pinupwersang maging mga giya at/o umaktong espiya sa mga operasyong militar.

Ang pasistang kalupitang dinaranas ng mga bata ay hindi lamang pumipinsala sa kanilang pangangatawan kundi maging sa kanilang kalagayang emosyunal at sikolohikal. Karaniwan ang mga anak ng mga magsasaka na nanginginig sa takot makakita lamang ng nakaunipormeng sundalo at sumusuksok sa pagtatago makarinig lamang ng ugong ng helikopter.

Ang sumusunod ay iilan lamang sa mga kaso ng tuwirang paglabag sa mga karapatan ng mga bata sa ilalim ng maka-imperyalista, papet at pasistang rehimeng US-Estrada.

Noong Agosto 15, nasugatan sa paa ang limang-taong gulang na anak ni Patricia Quirante nang paulanan ng bala ng mga pwersa ng 303rd Infantry Brigade ang kanilang bahay sa Guihulngan, Negros Oriental. Reaksyon ito ng naturang mga sundalo matapos mamatayan ng anim na tropa sa isang engkwentro sa pagitan nila at ng BHB.

Noong Hulyo 30 at 31, ginulo at niligalig ng limang armadong sundalo ang isang therapy session ng mga batang biktima ng karahasan sa mga militarisadong sityo ng Carupian, Bunugan, Taguing at Bagunot sa Baggao, Cagayan. Tinakot ng mga sundalo ang nangangasiwa sa aktibidad at inagawan pa ng notbuk ang isang batang babae. Ang mga bata ay nasa sesyong naglalayong ibalik ang kanilang kapanatagan ng loob at tulungan silang magpahayag ng kanilang mga naiisip kaugnay ng karahasang naranasan sa kamay ng mga pasistang sundalo.

Noong Hulyo 18, si Ritchie Dalaquit, apat na taong gulang, ay itinulak ng pinagsamang pwersa ng Securicor Agency at Philippine Marines sa kubong sinunog ng mga berdugo sa Tungkong Mangga, San Jose Del Monte, Bulacan. Nakatakas pa si Ritchie subalit magpahanggang ngayon ay dala-dala ang troma di lamang sa ginawa sa kanya kundi pati ng pagpatay sa kanyang amang si Benedicto Dalaquit at sa tatlo pang magsasakang myembro ng samahan ng mga magbubukid sa Tungkong Mangga.

Noong Abril 23, sa Basud, Camarines Norte, pinaguumpog sa pader ng isang sundalo ang sugatang ulo ng batang si John-John Benza. Ang salarin ay mga tropa ng 1st IB na pinamumunuan ni Tin. Benjamin Pajarito Jr. Minaltrato nila ang 13-anyos na si John -John sapagkat nasaksihan nito ang makahayup na pagpatay ng naturang tropa sa apat na kagawad ng BHB kahit pa sumusuko na ang mga ito. Namaga nang maraming linggo ang ulo ni John-John. Masahol pa, natroma ang bata sa karahasang kapwa nasaksihan at naranasan niya.

Apat na bata ang nawalan ng tirahan nang marahas na palayasin ng mga pwersa ng 202nd Infantry Brigade ang kanilang pamilya noong Marso 6 sa Camalig, Albay.

Sa Dinarangan, Pinggot, Ilog, Negros Occidental, naglalakad si Rodrigo Asanan Jr., isang 14 anyos na bata, kasama ang kanyang mga magulang na sina Rodrigo Sr. at Leonida Asanan nang pagbababarilin ng mga sundalo ng 61st IB noong Marso 29. Namatay ang kanyang ama at malubhang nasugatan ang kanyang ina.

Sa Barangay Mahan-ub, Baganga, Davao Oriental, dalawang bata, kasama ang kanilang ama, ang pinagbabaril at pinagpapatay ng mga tropa ng Special Forces Company nitong taon ding ito.

Noong Nobyembre 14, 1998, pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan si Rodolfo Coliano Jr., limang taong gulang, at ang kanyang mga magulang, sa Barangay Kagawasan, San Miguel, Bohol. Nasawi ang ama ni Rodolfo samantalang nasugatan ang kanyang ina.

Si Gerry Selenta, 15 anyos, ang kapatid niyang si Mary, 5 anyos, at si Heny Cortes, isang sanggol, ay naging biktima ng walang habas na pamamaril ng pinagsanib na pwersa ng 60th IB, SCAA-SF at Paper Industries Corp. (PICOP) Infantry Battalion noong Nobyembre 8, 1998 sa Barangay Pangyan, Trento, Agusan del Sur. Tinadtad ng bala ng mga armadong berdugo ang tahanan ng mga Selenta na nagbunga ng malubhang pagkasugat ng kanilang mga magulang, gayundin ni Gerry na tinamaan sa tiyan. Namatay si Gerry makalipas ang dalawang araw dahil sa lubha ng tama at dahil hindi siya nasalinan ng dugo dala ng kawalan ng panggastos. Kinailangang putulin naman ang kalingkingan sa kanang kamay ni Mary. Namatay pagkalipas ng limang araw si Heny Cortes, anak ng kapitbahay ng mga Selenta, matapos siyang masugatan at madaganan ng kanyang ina na umiwas sa putukan.

Ang anim-na-taong gulang na si Jonalyn Baste, anak ni Nilo Baste, isang unyonista at welgista sa PICOP, ay isa pang naging biktima ng kamay na bakal ng mga pasistang protektor ng PICOP. Noong Mayo 27, 1998, ang welga ay sinalakay at binuwag ng 90th PNP Composite Team, sa pamumuno ni Insp. Edgardo Maduro at Officer Empredo Curada. Idinamay ng mga pasista ang mag-inang Norma at Jonalyn na noo�y bumibisita lamang. Kasama si Jonalyn ng 42 iba pa na dinakip nang walang warrant of arrest. Kabilang din ang musmos sa mga kinasuhan ng grave coercion. Apat na buwan siyang ikinulong, kasama ang kapatid niyang dalawang taong gulang at walo pang batang gaya nila. Sa bilangguan, ang mga bata ay hindi binigyan ng hiwalay na rasyon ng pagkain. Nakikisalo lamang sila sa kaunting rasyon ng kani-kanilang magulang.

Dalawang bata naman ang tinamaan nang pagbabarilin ng mga sundalo ng 74th IB, sa pamumuno ni Tin. Jun Picot, ang isang bahay kahit batid nilang mga magsasaka at bata ang nasa loob nito. Ginawa ng militar ang pamamaril noong Oktubre 15, 1998 sa tangkang likidahin ang isang yunit ng BHB sa Sityo Mangga, Barangay Binay, San Narciso, Quezon. Tinamaan ng bala ng M16 sa kanang binti ang noo�y maysakit na si Ponciana Dondriano, 12 anyos. Winasak naman ng bala ng M60 ang tuhod ni Genito Francisco, 10 anyos. Dagdag na takot ang inihasik ng mga sundalo sa komunidad nang kagyat pang magtayo rito ng detatsment.

Walang patumanggang pamamaril din ang lumumpo sa dalawang-taong gulang na si Cristina Boncalos nang tamaan siya sa alak-alakan noong Hulyo 3, 1998 sa Barangay Oras, Tabaco, Albay. Dahil pinaghihinalaang kasapi ng BHB ang ama ni Cristina, pinagbabaril ng pwersa ng 22nd IB ang kanilang tahanan. Agad nasawi ang ama ni Cristina, samantalang ang balang tumama sa tuhod ng ina ni Cristina ay tumagos at humagip din sa paslit na kalung-kalong ng ina.

Gayundin, praktika na ng reaksyunaryong hukbo ang pagpatay ng mga menor de edad at pagkatapos ay palabasing sila�y mga mandirigma ng BHB. Maraming mga bata ang dinudukot, tinutortyur, iligal na inaaresto, ibinibilanggo nang walang taning at tinatrato sa malupit at mapanghamak na paraan. Sistematiko silang ginagamit ng kaaway sa propaganda na diumano�y malawakang nagrerekrut ng mga bata ang BHB.

Noong Agosto, sa San Fernando, Camarines Sur, pinatay ng AFP ang isang nagngangalang Nelson, 15, sa isang sagupaan sa pagitan ng BHB at militar. Sariwa pa rin ang kahayupang ginawa ng 54th at 70th IB na pinamumunuan ni Tin. Raymundo Aguada sa apat na menor de edad sa Barangay Dikapanikian, Dingalan, Aurora noong Hunyo 1998. Dinakip ng mga sundalo ang apat na kabataan, ginahasa ang dalawang batang babae, at pinagpapatay.

Nitong Disyembre 2, isang 13 anyos na batang lalaki ang dinakip ng mga sundalo ng 34th IB sa Quezon, San Jorge, Samar at pinaratangang mandirigma ng BHB. Noong Mayo, hinuli ng AFP ang isang pinalayawang �Cheche� nang kubkubin nila ang isang yunit ng BHB sa Laac, Compostela Valley at pinalabas na mandirigma siya ng BHB. Gayundin, marami pang batang katulad nina �Brian� ng Davao Oriental, �Tony� at �Emer� ng Surigao del Norte, �Mariel� ng Bohol at �Cheche� ng Surigao ang hinuhuli ng AFP sa mga armadong sagupaan, pinalalabas na mga kombatant ng BHB at pinupwersang magsilbi sa reaksyunaryong hukbo bilang mga espiya, giya sa operasyon at iba pang gawaing direktang kaugnay sa kanilang mga kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan. Marami sa kanila ang tinatakot at kinukundisyon upang ipahamak hindi lamang ang mandirigma ng BHB kundi pati ang mga rebolusyonaryong mamamayan sa kani-kanilang baryo at maging mahusay na kasangkapan sa kontra-rebolusyonaryong digma ng reaksyunaryong estado.

Noong Pebrero, binihag ng mga tropang militar si Jelyn Dayong sa Alegria, Surigao del Norte sa isang sagupaan sa pagitan ng BHB at mga sundalo. Iniwan siyang sugatan at nang dinala sa ospital ng taumbaryo ay ikinulong nang walang taning bilang �youth offender� kasama ng ibang batang kriminal sa tanggapan ng Department of Social Work and Development sa pagkukunwaring iniingatan ang kanyang mga karapatan bilang bata. Ipinagkait sa kanya ang kanyang karapatan na makita at makasama ang kanyang pamilya, abugado at mga grupong nangangalaga sa mga karapatang-tao, taliwas sa kanyang kagustuhan.

Gayundin, nahuli ang may karamdamang si Mylene Francisco, 14, noong Nobyembre 1998 nang kubkubin ng isang seksyon ng 5th Scout Rangers Company ang isang yunit ng BHB sa Kalangatan, San Teodoro, Oriental Mindoro. Taliwas sa palabas ng reaksyunaryong estado na itinataguyod nito ang mga karapatan ng bata, ginamit ng AFP si Mylene bilang giya sa kanilang mga operasyong militar laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Sa desperasyong supilin ang lumalawak at lumalakas na paglaban ng mamamayan, animo�y asong ulol ang mga pasistang tropa sa panunupil sa mamamayan at pananalakay sa mga rebolusyonaryong pwersa. Sa kontra-rebolusyonaryong Oplan Makabayan, ang AFP, PNP at CAFGU ay binubuhusan ng mas malaki pang pondo ng reaksyunaryo at pasistang rehimeng US-Estrada para maghasik ng mas matindi pang lagim sa kanayunan at kalunsuran. Para sa mga bata, wala itong ibang kahulugan kundi ang pagsahol pang lalo ng pasistang pang-aabuso at pandarahas sa kanila at kanilang mga magulang. Gayunman, ang labis-labis na pang-aapi ay lalo lamang nagpapaalab sa galit at determinasyong lumaban ng papalaki nang papalaking bilang ng mamamayan. Ang mga pasistang pananakot at pang-aabuso, sa halip na magtaboy ng masa palayo sa BHB, ay lalo lamang nagpapatibay sa kanilang pagkakabigkis sa iisang rebolusyonaryong adhikain at paglaban.

 


Previous articleBack to topNext article

12 Nobyembre 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Samantalahin ang krisis sa paghahari ng reaksyunaryong rehimeng Estrada

Editoryal:
Batiin ang ika-21 siglo at ang bagong milenyo nang may kapasyahang paigtingin ang rebolusyon

Hinggil sa mga batayan at espesyal na taktikal na opensiba
Ang unos ng paglaban sa globalisasyon
Ang lumalawak na imperyo ni Lucio Tan
Sa pag-upo ni Lacson bilang hepe ng PNP:
Paghasa sa pasistang pangil ng rehimeng US-Estrada

Tumitinding pasismo ng rehimeng US-Estrada
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Tungkol sa diumano�y malawakang pagrerekrut ng BHB ng mga mandirigmang bata

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ilang mahahalagang impormasyon

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Memorandum hinggil sa minimum na rekisitong edad para sa mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Pag-oorganisa ng mga bata sa kanayunan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang miserableng kalagayan ng mga manggagawang bata sa Pilipinas

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Kontra-rebolusyonaryong karahasan laban sa mga bata sa kanayunan
Hinggil sa usapin ng nasyunalidad at karapatan sa pagpapasya sa sarili
Malawakang pagkilos para sa karapatang-tao, idinaos
Ang moro-morong negosasyon sa pagitan ng rehimeng US-Estrada at pangkating Tabara-dela Cruz
Di makataong pagtrato kay Ka Parago, kinundena
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.