![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Catanduanes. Apat na pulis ang napatay at pito ang nasugatan sa dalawang magkahiwalay na taktikal na opensiba nitong Pebrero 14 sa Virac, Catanduanes. Ang opensiba ay isinagawa ng mga mandirigma sa ilalim ng Nerissa San Juan Command ng BHB. Bandang alas-7 ng umaga nang salakayin ng BHB ang tsekpoynt ng PNP Aviation Security Command (AVSECOM) sa Virac Airport sa Barangay San Isidro, Virac, Catanduanes. Nasamsam nila sa dalawang napatay na tropa ng AVSECOM ang isang M16 at isang pistolang 9 mm. Dalawang pulis pa ang napatay at pito ang nasugatan nang maganap ang pangalawang labanan bandang 7:30 ng umaga sa Barangay Pumiton. Tinambangan ng BHB ang mga pulis na sasaklolo sana sa mga tropa ng AVSECOM. Malubhang nasugatan si Sr. Supt. Gorgonio Rosero, hepe ng PNP sa Catanduanes, na siyang nanguna sa pwersang reimporsment. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|