Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Rehimeng Bush, di na maitanggi na walang WMD sa Iraq

 Read this article in English

Sa kauna-unahang pagkakataon, napilitan ang rehimeng Bush nitong Enero 30 na aminin na wala itong anumang ebidensya na mayroong imbak ng weapons of mass destruction (WMD) ang Iraq bago ito lusubin ng US noong Marso 2003. Tusong isinangkalan ng US ang kasinungalingan tungkol sa umano'y banta ng WMD ng Iraq sa kapayapaan ng daigdig. Bago ito, nagbitiw noong Enero 24 si David Kay, punong konsultant ng Iraq Survey Group (ISG), isang 1,200-kataong grupo na binuo ng gubyernong Bush sa ngalan ng "Coalition of the Willing" noong Hulyo para pilitin sanang makatuklas pa rin ng anumang ebidensya ng pagkakaroon ng malaking bolyum ng mga WMD sa Iraq. Binuo ang ISG matapos ipirmi ng UN Weapons Inspection Team at ng marami pang iba na walang signipikanteng palantandaan ng WMD sa Iraq.

Bago siya gawing Chief Consultant ng ISG, si Kay ay naging Vice President ng Science Applications International Corporation (SAIC), isang pribadong korporasyong sangkot sa mga "kontra-teroristang" gera ng US sa ibang bansa. May $650 milyong kontrata ito para sa pagseserbisyo at pagsuporta sa US Army sa Iraq at may mga kontrata rin sa paggawa ng mga kagamitan ng US na tipong-WMD, tulad ng mobile biological vans.

Ayon kay Kay, ang tanging nakita nila sa Iraq ay mga labi ng mga dating WMD na kusang dinistrungka ng Iraq at di na muling binuhay pagkatapos ng unang pag-atake ng US doon noong 1991. Mayroon ding nakitang ilang maliitan at di signipikanteng laboratoryo na maaaring ginamit noon sa pananaliksik sa biological weapons (mga sandatang gumagamit ng mikrobyo para maghasik ng nakamamatay o lubhang nakapipinsalang sakit sa kaaway).

Kasabay nito, inamin ng ilang matataas na upisyal ng US Army at ng Central Intelligence Agency na bago ang pagsalakay ng US sa Iraq, matagal na nilang alam na wala namang maramihang WMD roon. Ibinulgar din ni Paul O'Neill, dating Secretary of Treasury ni Bush, na ang planong pagsalakay sa Iraq ay binuo ng rehimeng Bush bago pa man ang mga atake sa US noong Setyembre 11, 2001. Aniya, kailanman ay hindi napag-usapan kaugnay niyon ang mga WMD. Si O'Neill, na dating malapit na kaibigan ng pamilyang Bush, ay isa na ngayon sa pangunahing nagsisiwalat sa baho, kababawan ng pag-iisip at lansakang pagsisinungaling ng rehimeng Bush.

Nalantad sa mga pangyayaring ito ang kahungkagan ng doktrinang Bush na "preemptive strike" laban sa mga bansang gustong palabasin ng imperyalismong US na banta sa pambansang seguridad ng US.

Pinatingkad ng mga usaping ito ang walang hangganang agresyon ng imperyalismong US sa ilalim ng neokonserbatibong (sukdulang kanan) pamumuno ni Bush. Gagawin niya ang lahat at maghahabi siya ng pinakagarapal at pinakatusong kasinungalingan para bigyang-matwid ang mga mapanalakay, sakim at mapang-aping pagpapalawak at pagsusuhay sa superpower na kapangyarihan nito.

Samantala, walang tigil ang mga pagtutol at labanan sa Iraq at Afghanistan. Sa pamamagitan man ng "pasipikasyong" militar, pagtatayo ng papet na gubyerno at hukbo, pampulitikang panlilinlang o iba't ibang anyo ng panunuhol, kabilang na ang pagpapangako ng soberanyang inilalako ng US, hindi mapahupa ang paglaban ng mamamayan sa mga mananakop.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Pebrero 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Militarisasyon sa Mindoro, militanteng nilalabanan

Pagtindi ng militarisasyon at mga paglabag sa karapatang-tao
Mga pagbati sa ika-35 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas
Matatagumpay na Taktikal na Opensiba
Sa iba�t ibang dako ng bansa...

Patuloy na kumukulo ang disgusto sa loob ng AFP
Philippine Revolution Web Central
Internet: Bagong larangan ng propaganda

Rehimeng Bush, di na maitanggi na walang WMD sa Iraq
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.