Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga karumal-dumal na detalye ng masaker sa Camp Bagong Diwa

 Read this article in English

Sa kabila ng pagtatangkang ilingid sa publiko ang tunay na mga nangyari sa likod ng masaker sa Camp Bagong Diwa noong Marso 15, unti-unti ay lumalabas ang mga karumal-dumal na detalye nito. Nalalantad na ang masaker ay planado at tuwirang iniutos at pinangunahan ni Gen. Angelo Reyes. Kinukumpirma ng mga ito na layunin ng masaker ang lipulin ang pangunahing mga lider ng bandidong grupong Abu Sayyaf na kilalang kasabwat ng mga lider militar sa mga gawaing kriminal at terorista.

Ang mga detalyeng ito ay inilalabas mismo ng mga bilanggo sa Camp Bagong Diwa na nakaligtas sa masaker, ng ilan sa mga pulis na kalahok sa pagsalakay at ng mga reporter na kinordon ng pulis.

Marami sa mga naroon sa lugar nang maganap ang masaker ang nagsasabing ang mga putok na narinig ay pawang nagmumula lamang sa panig ng mga lumusob na tropa ng gubyerno. Di hamak na mas maliit ang bilang ng armas na nakuha sa mga bilanggo kumpara sa bilang ng mga napatay. Inosenteng detenido at mga walang kinalaman sa tangkang pagtakas ang karamihan sa mga pinaslang.

Upang bigyang-katwiran ang labis na pwersang ginamit sa pagsalakay, nagtanim ng mga baril ang mga upisyal ng pulis, kabilang ang iniulat na makintab na kalibre .45 baril na ipinatong sa katawan ni Ghalib Andang alyas Kumander Robot, na kabilang sa mga minasaker. Unang iniulat na tatlong pistola ang napasakamay ng mga nag-aklas na bilanggo.

Ayon naman sa salaysay ng mga nakaligtas na bilanggo sa mga organisasyong nagsagawa ng misyong medikal sa bilangguan upang gamutin ang mga sugatan, walang patumanggang pinagbabaril ng mga operatiba ng Special Action Force (SAF) ang mga bilanggo kahit sila ay nakadapa na. Nagsisisigaw pa ang mga elemento ng SAF ng "pare-pareho kayong mga Muslim!" Ayon sa Moro-Christian People's Alliance (MCPA), mahigit 100 bilanggo ang nasugatan at kinailangang gamutin.

Sinabi ng isang nakaligtas na bilanggo sa kanyang asawa na inipon ng lumusob na mga elemento ng SAF ang mga kilalang lider ng Abu Sayyaf, inihilera sa isang tabi at pinagbabaril. Patunay ito na hindi isang palitan ng putok ang naganap kundi ekstra-hudisyal na pagpatay at masaker.

Matapos ang pagsalakay sa mga bilanggo, pinagsusuntok, pinagsisipa at pinagmumura ng mga myembro ng SAF ang mga nakaligtas, ipinarada nang walang saplot kundi brief at ibinilad sa araw nang halos dalawang oras. Tinortyur ang mga bilanggo upang paamining kalahok sila sa tangkang pagtakas. Binantaan ding papatayin ang mga bilanggong hindi napaamin.

Ang masaker sa Camp Bagong Diwa ay tuwirang pinamunuan ni Gen. Angelo Reyes, kasalukuyang kalihim ng Department of the Interior and Local Government, at pinaniniwalaang kasabwat ng Abu Sayyaf sa teroristang mga pambobomba sa Mindanao at iba pang lugar. Si Reyes ang namuno sa pakikipagnegosasyon sa mga nag-aklas na bilanggo at mismong nag-utos sa pagsalakay.

Sinamantala ni Reyes ang isinagawang pag-aalsa ng mga bilanggong Moro sa Camp Bagong Diwa upang ipatupad ang likidasyon sa mga lider ng bandidong Abu Sayyaf.

Matagal nang gigil na gigil si Reyes at iba pang matataas na upisyal ng militar, pulisya at mga upisyal ng gubyerno na tuluyang mapatahimik ang mga nakapiit na lider ng bandidong grupong Abu Sayyaf. Habang sila'y nakapiit, nangangamba sina Reyes at mga kasapakat niya sa posibilidad na isiwalat ng mga pinunong bandido ang pakikipagsabwatan sa kanila ng matataas na upisyal ng militar, pulisya, ng burukrasyang sibil at maging ng mga ahente ng militar ng US. Ito ay sa mga gawaing kriminal tulad ng mga teroristang pambobomba, kidnap-for-ransom at iba pa.

Ang sabwatang ito ay paulit-ulit na inilalantad ng iba't ibang personahe o organisasyon. Nariyan na ang isinagawang pagbubunyag ni Gracia Burnham, dating bihag ng Abu Sayyaf, na AFP ang nagsusuplay ng mga armas, bala, gamot, bigas at iba pang pagkain sa bandidong grupo.

Ang mga nakakulong na lider ng Abu Sayyaf ay pilit na binubusalan ng militar. Kaya't laking galit ng militar nang magawang isiwalat ni Ghalib Andang ang pakikipagkutsaba ng ilang upisyal ng gubyerno at militar sa Central Intelligence Agency (CIA) sa pagsasagawa ng mga teroristang aktibidad sa Mindanao. Ayon kay Andang, palabas lamang ang kanilang pag-kidnap kay Jeffrey Schilling noong 2000. Aniya, tauhan ng CIA si Schilling at ipinadala siya roon bilang tagasanay ng mga myembro ng Abu Sayyaf.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Abril 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Naghuhukay ng sariling libingan ang rehimeng US-Arroyo

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Lumalawak ang paglaban sa mga pasistang krimen ng rehimeng US-Arroyo

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Pagpaslang kay Esperat, iimbestigahan ng BHB

Mga karumal-dumal na detalye ng masaker sa Camp Bagong Diwa
Inosente ang karamihan
Paul Wolfowitz, alagad ng neo-konserbatismo sa World Bank
Pakikialam ng US sa Kyrgyzstan
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.