Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Paano binawi ni Mang Ador ang kanyang lupa

 Read this article in English

Isa sa pinakamalulupit na paraan ng pagsasamantala sa masang magsasaka sa mga niyugan sa Davao Oriental ang prenda arendo. Sa gayong sistema, kapalit ng halagang inutang sa kanya ay ilang taong hahawakan ng panginoong maylupa ang lupa ng magsasaka at ang anumang kikitain mula rito. Kung kukwentahin ay daan-daang porsyento ang patong sa halagang inutang ng magsasaka. Kadalasan, ang kawawang magsasaka ay nagsisilbing manggagawang bukid na lamang sa kanyang lupa.

Subalit sa mga sonang gerilya sa Davao Oriental, unti-unting napapawi ang malupit na sistema ng prenda arendo. Sumusunod ang isa sa mga unang kaso ng pagbawi ng lupa, na iniulat sa Pasa Bilis, ang pahayagang masa sa Timog Mindanao. Ang mga unang tagumpay tulad nito ang nagbigay ng kumpyansa sa mga organisadong magsasaka na ibayo pang isulong ang kampanya para pawiin ang prenda arendo.

Nagsimula ang kampanyang pagbawi sa lupang nakapailalim sa prenda arendo noong unang bahagi ng 1999 sa isang baryo sa kanayunan ng Davao Oriental. Dito�y pitong panginoong maylupa ang kinumpronta upang mabawi ng mga magsasaka ang kanilang lupang isinanla. Ang kampanya ay pinamunuan ng Komiteng Pang-organisa sa baryo at ng lokal na sangay ng Partido.

Noong 1999, idinulog ni Mang Ador, isang organisadong magsasaka, ang kanyang problema sa lupa sa lokal na sangay ng Partido. Ayon kay Mang Ador, umutang siya ng P12,000 kay Konsehala Nida, isang kagawad ng barangay at maliit na panginoong maylupa, para ipanggastos sa pagpapalibing ng kanyang ina. Kapalit ng utang, anim na taong hahawakan ni Konsehala Nida ang lupa ni Mang Ador. Dalawampu�t apat na anihan ang pakikinabangan ni Konsehala Nida bago niya ibalik ang lupa.

Pinag-aralan ng sangay ang kaso. Nakita na sa presyong P14 bawat kilo ng kopra na umiiral noon, at sa mahigit 600 kilong koprang nagagawa sa bawat anihan, halos bawi na ng panginoong maylupa ang P12,000 ipinautang niya kay Mang Ador sa unang dalawang anihan pa lamang pagkatapos awasin ang gastos sa produksyon. Gayunpaman, dahil sa mapagsamantalang sistema ng prenda arendo, patuloy na pakikinabangan ng panginoong maylupa ang lupa sa susunod na 22 anihan.

Nang idulog ni Mang Ador sa sangay ang kanyang problema, apat na taon nang hawak ni Konsehala Nida ang kanyang niyugan. Sa abereyds na P13 bawat kilo ng kopra sa panahong ito, P117,000 na ang kabuuang kinita ni Konsehala Nida mula sa niyugan ni Mang Ador. Lumabas na 875% ang patong na interes sa orihinal na P12,000 utang!

Nagpasya ang mga magsasaka na kumprontahin ang panginoong maylupa. Dalawampung magsasaka ang tumungo sa bahay ni Konsehala Nida, isang umaga noong Nobyembre 1999. Lima sa kanila ay myembro ng Komiteng Pang-organisa sa baryo at ang isa ay kasapi ng lokal na sangay ng Partido.

Iginiit ng mga magsasaka na ibalik na ang lupa kay Mang Ador. Harap-harapang kinwenta kay Konsehala Nida ang laki ng kinita niya sa panahong nakaprenda sa kanya ang lupa. Napaupo sa sopa ang panginoong maylupa, hawak-hawak ang kanyang dibdib, at kunwa�y hinimatay.

Subalit hindi natinag ang mga magsasaka dahil kabisado na nilang mahilig "mag-artista" itong si Konsehala Nida. Nang "magkamalay-tao" ito, naroon pa rin ang mga magsasakang naghihintay ng kanyang tugon.

Wala na siyang magawa kundi pumayag na ibalik ang lupa ni Mang Ador. Subalit hiniling niyang magkopra nang isang beses pa bago ito ibalik sa magsasaka. Isang linggo na lamang ay magkokopra nang muli.

Pinahintulutan ito ni Mang Ador, sa kundisyong linisin muna ng panginoong maylupa ang niyugan bago ito ibalik sa kanya. Agad naman itong sinang-ayunan ng asawa ni Konsehala Nida, na siyang nangongopra sa niyugan.

Tagumpay ang kumprontasyon. Mula noon, dumalas na ang paglulunsad ng kilusang masa para bawiin ang mga lupang nakapailalim sa prenda arendo. Kalaunan ay kusang-loob nang ibinabalik ng mga panginoong maylupa ang mga lupang nakasanla sa kanila, kahit hindi pa sila kinukumpronta ng mga magsasaka.

 


Previous articleBack to topNext article

Pebrero 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal: Para sa pagsuporta nito sa pang-uupat ng gera sa Iraq
Pagbayarin ang rehimeng Macapagal-Arroyo!

Malawak ang pandaigdigang pagtutol sa pananalakay sa Iraq
Mga tampok na kilos protesta
Mga kilos-protesta sa Pilipinas laban sa bantang gera ng US sa Iraq, lumalawak
Ang kriminal at kontra-rebolusyonaryong si Romulo Kintanar, pinarusahan
Macapagal-Arroyo, hayagan nang pumabor sa cha-cha
Pandaraya sa mga estadistikang pang-ekonomya, nabunyag
Ang krisis na ikinukubli ng pandirigma ni Bush
Mga Ulat Koresponsal:
Pakikibakang agraryo sa Cagayan at Isabela:
Kampanya sa pagpapataas ng presyo ng mais, tagumpay

Mga Ulat Koresponsal:
Lupang inagaw, binawi ng mga magsasaka sa Isabela

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanyang magsasaka sa Ilocos Region, lumalawak

Mga Ulat Koresponsal:
Paano binawi ni Mang Ador ang kanyang lupa
Dekada '70: Pelikulang may panlipunang kabuluhan
Balita
Bilang pagtutuwid
Mensahe sa mga manggagawa ng PLDT

Pagtutuwid
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.