Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Madugong pananalakay at pananakop sa Iraq

 Read this article in English

Sa ikatlong linggo ng pambobomba at panganganyon, pwersahang napasok na ng mga talibang pwersa ng militar ng US ang syudad ng Baghdad, ang kabisera ng Iraq. Gayunman, hindi pa rin lubusang nagtatagumpay ang pananalakay at pananakop ng mga pwersang US at United Kingdom sa Iraq. Bagamat malaki ang disbentahe sa kagamitang pandigma, magiting na nakipaglaban ang mga sundalong Iraqi at nagpahirap sa kampanya ng pananalakay at pananakop ng US.

PAGTARGET SA MGA SIBILYAN

Sadyang tinarget ng mga pwersang US at British ang mga sibilyan at mga sibilyang pasilidad upang paluhurin ang mamamayang Iraqi sa kapangyarihan ng US. Matapos nang 20 araw, libu-libo ng mga sibilyang ang napatay at nasugatan.

Sa Baghdad, na siyang sentro ng pambobomba ng US, umaabot na 100 sibilyan ang oras-oras na naiuulat na biktima ng araw at gabing pambobomba. Kasabay ng kanilang "pag-agaw" sa internasyunal na paliparan na nasa labas ng Baghdad, winasak nila ang pangunahing plantang nagsusuplay ng kuryente sa buong syudad. Apektado nito ang mga pasilidad na nagsusuplay ng maiinom na tubig at ang normal na operasyon ng mga ospital.

Sa Basra, timog ng Iraq, pinasabog ng mga tropang British ang isang malaking bodega na puno ng pagkain na nakalaan para sa ilang linggong suplay ng syudad. Binomba rin nila ang pasilidad na nagsusuplay ng maiinom na tubig sa 1.5 milyong Iraqi sa katimugang Iraq at ang pangunahing plantang nagsusuplay ng kuryente sa buong Basra.

Sa Hillah, isang maliit na bayan sa sentral na bahagi ng Iraq, mahigit 60 ang agad na namatay nang pinasabugan ito ng US at UK noong Abril 3. Marami sa namatay ay mga bata na tinamaan ng mapanirang cluster bomb (bombang naglalaman ng daan-daang maliliit na bomba na ikinakalat at pinasasabog sa isang malawak na saklaw). Daan-daan pa ang sugatan. Mas marami ang nabaon na lamang sa kani-kanilang mga bahay at hindi na naitala.

Ilang araw bago nito, walang kaabug-abog na pinagkakanyon ng mga tangkeng Amerikano ang isang bus na puno ng sibilyan sa Hillah. Kasabay nito, pinaulanan ng US ng mga missile at bomba ang Radwaniyeh, isang maliit na komunidad sa laylayan ng Baghdad, kasabay ng "pagagaw" ng mga pwersang Amerikano sa paliparan sa Baghdad. Pinaghihinalaan ng US na base ng mga regular na pwersang Iraqi ang komunidad. Labingwalong sibilyan ang agad na namatay, 12 rito ay mga bata.

Sa Nasiriyah, isang palengke ang pinasabugan ng cluster bomb noong Marso 29. Umabot sa 250 ang agad na namatay sa loob ng kani-kanilang mga bahay nang tamaan ng maliliit na bomba.

Sa Najaf, minasaker ng mga sundalong Amerikano ang pitong kababaihan at mga bata nang hindi agad huminto ang kanilang sasakyan sa harap ng isang tsekpoynt doon. Ilang oras matapos ang masaker, binaril naman ng isang Amerikano ang isang sibilyang Iraqi sa takot na may dala itong bomba.

Sa malapit na rehiyon ng Haidariya, 15 myembro ng isang pamilya ang namasaker nang pinasabugan ng isang helikopter na Apache ang kanilang sinasakyang trak. Nagpaulan din ng mga bomba ang US sa Shuale, isang distrito sa laylayan ng Baghdad.

LABANAN SA BAGHDAD

Gamit ang mga tangkeng suportado ng mga eroplanong pandigma, pwersahan nilang pinasok at inokupa ang ilang susing gusali ng gubyernong Iraq. Winasak ang mga pasilidad sa kuryente pati na ang mga istasyon ng telebisyon at radyo.

Gayunman, tuluy-tuloy ang pakikipagpalitan ng putok ng mga sundalong Iraqi. Nakapakat at nakakubli sila sa mga piling estratehikong ruta sa buong syudad. Maya't maya'y napapaatras nila ang mga tropang Amerikano. Upang gapiin ang mga pwersang Iraqi, tatlong batalyon ng US Air Force sa Nasiriyah at Najaf ang kinuha upang sumaklolo sa kanilang mga tropa sa Baghdad.

Bagamat naokupa na ang ilang gusali, hindi pa rin nila lubusang nakokontrol ang Baghdad. Kahit ang paliparang unang "inagaw" nila sa katimugang bahagi ng Baghdad ay di pa rin lubusang nagagamit.

Maraming mga sundalong Amerikano ang ngayo'y nasusukol sa loob ng syudad, putol sa kanilang suplay, walang tropang reimporsment at napapalibutan ng mga di regular na pwersang Iraqi. Pangunahin silang nakaasa sa suportang panghimpapawid ang kanilang pag-atras o pag-abante.

MGA KASWALTI SA MGA MANANALAKAY

Hindi na maiwasan ng US na ilantad ang kanilang mga tropa sa ganting-salakay ng mga Iraqi. Papataas ang bilang ng kanilang mga kaswalti. Ayon sa mga independyenteng ulat nitong Abril 6, umaabot na sa 255 ang napatay na Amerikanong sundalo, 92 ang missing, 785 ang sugatan at 15 ang nabibihag ng mga sundalong Iraqi.

Lumalaban ang mga sundalong Iraqi gamit ang kanilang pagkakapusisyon at kaalaman sa lugar upang pana-panahong paatrasin at/o ilihis ang mga mananakop. Pinagbabayaran nila ng mataas ang bawat operasyong nailalantad nila ang kanilang mga tropa at kagamitan. Sa panig ng mga sundalong Iraqi, 1460 na ang napapatay dulot ng mga pamboboma, 800 ang sugatan at 985 ang nabibihag sa digma.

KONTROL SA MIDYA AT PROPAGANDA

Upang kontrolin ang impormasyong dumadaloy mula sa Iraq, ipinakat ng US at UK ang mahigit 600 mamamahayag sa kanilang mga yunit militar. Oras-oras, inilalabas nito ang mga pahayag ng sentrong kumand ng US. Katulad ng kanilang mga katrabaho sa loob ng Iraq, mahigpit na minamanmanan ng mga tropang militar ang kanilang mga binobrodkas. Idinidikta ng mga tropa kung ano ang laman at kailan lamang sila maaaring magbrodkas. Ang mga sumusuway sa kanilang mga utos nila ay agad na "tinitiwalag" at sinisipa sa pwesto. Binabalaan at tinatakot ng US ang lahat ng iba pang mamamahayag na hindi nagpailalim sa kanilang kumand. AB

Noong Abril 5...

130,000 tropang Amerikano at British ang aktwal na sumalakay sa mga syudad ng Iraq, bahagi ng 250,000 kabuuang pwersa na nasa Gulpo. Nakapagpalipad na ang US at UK ng 725 Tomahawk cruise missiles, nakapaglunsad ng 18,000 air missions, nagpasabog ng 50 cluster bombs at nagpakawala ng 12,000 "precision-guided missiles." Magpahanggang sa kasalukuyan, 0 o walang sandata para sa maramihang pamiminsala ang natutuklasan. 1,500,000 mamamayan sa katimugan ng Iraq ang walang maiinom na tubig. 200,000 bata sa katimugan ng Iraq ang nanganganib mamatay dahil sa pagtatae. 17,000,000 mamamayang Iraqi ang umaasa sa ayudang pagkain, na ngayon ay nakatigil dahil sa gera. 600 oil wells at ripeneriya ang nakapailalim na sa kontrol ng mga British at Amerikano. 80 bilyong dolyar ang inilaan ng kongreso ng US upang punan ang lumalaking gastusin sa digma.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Abril 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Mga mananakop sa Iraq, layas!

Madugong pananalakay at pananakop sa Iraq
Mga patriyotikong grupo, tuluy-tuloy na nagprotesta
Mga pambobomba sa Davao
Ulat Koresponsal:
Nandito na naman ba si Michael Meiring?

Ulat Koresponsal:
Presyo ng saging, napataas

Ulat Koresponsal:
Isang tagumpay sa propaganda at edukasyon

Ulat Koresponsal:
Cassava Plantation Project:
Higit pang pahirap at pagsasamantala sa mga magsasaka

Matatagumpay na opensiba ng BHB
Pasada sa mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.