![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang rehimeng Macapagal-Arroyo ang pangunahing responsable sa laganap na pandaraya at karahasan sa Mindanao kaugnay ng katatapos na eleksyon. Ayon kay Jorge "Ka Oris" Madlos, tagapagsalita ng
Pinakamatingkad ang tatlong kaso ng pamamaslang sa Compostela Valley: ang pagpatay sa tatlong myembro ng Bayan Muna (BM) sa Laac; kay Rodolfo Gogo, tagasuporta ng BM mula sa Monkayo; at kay Boy Galang, tserman ng Mt. Diwata Alliance. Sunud-sunod ring pinatay ang apat na kapitan ng barangay sa ikalawang distrito ng Zamboanga del Sur. Lahat din ng maisipang paraan ng pandaraya ay ginamit di lamang laban sa mga karibal na kandidato ng administrasyong Arroyo kundi sa mga progresibong partido. Kabilang dito ang pagkakalat ng itim na propaganda at pagbabanta; pagmamaniobra para hindi makatuloy sa presinto ang mga botante; pamimili ng boto at pagsama ng mga patay sa listahan ng mga botante; sadyang pagpapatagal ng bilangan sa mga kampong militar laluna sa mga komunidad ng mga Moro; pagpapalit sa mga certificate of canvass o "dagdag-bawas"; panunuhol sa mga upisyal ng COMELEC; paggamit sa pondo, tauhan at pasilidad ng gubyerno at iba pa. Kapansin-pansin na wala ni isang insidenteng naganap kaugnay ng grupong Jemaah Islamiyah, taliwas sa pananakot ng rehimen bago mag-eleksyon. Kapansin-pansin din na iilang kaso ang naibintang sa Bagong Hukbong Bayan (BHB), taliwas muli sa propaganda ng rehimen na ang pangunahing banta ng karahasan sa eleksyon ay nagmumula sa BHB. Ayon kay Ka Oris, karamihan sa mga insidenteng iniuugnay sa BHB ay may kinalaman sa pagpapatupad ng rebolusyonaryong hustisya o pagbira sa mga lehitimong target-militar at walang kaugnayan sa eleksyon. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|