Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Labanan at biguin ang panunupil
sa ligal na demokratikong kilusan

 Read this article in English


Isang hakbanging ala-Marcos ang kautusan ni Pres. Gloria Arroyo na supilin ang diumano�y mga �ligal na prenteng organisasyon ng Partido Komunista.� At tulad ng pagpapataw ni Marcos ng batas militar noong 1972, hindi lamang mabibigo ang kautusang ito na pigilin ang tuluy-tuloy na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan. Lalo pa nitong itutulak ang mamamayang Pilipino na sumuporta at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) at lumahok sa armadong rebolusyonaryong kilusan.

Ang kautusang ito ay isang desperadong hakbangin sa harap ng sunud-sunod na matatagumpay at madadagundong na taktikal na opensiba ng BHB. Sa kabiguang pigilin ang pagsulong ng armadong rebolusyon sa kabila ng �todong digmang kontra-terorismo� ng rehimeng Arroyo, ibayong pinagdidiskitahan nito ngayon ang mga ligal na organisasyong patriyotiko at demokratiko na malisyosong pinagpapareho sa PKP at BHB upang mabigyang-katwiran ang paggamit ng dahas ng estado laban sa mga ito.

Katulad ng mga nagdaang rehimen, militarismo at pasistang terorismo ang sagot ng rehimeng Arroyo� sa udyok ng amo nitong imperyalismong US�sa lumalawak at lumalakas na pagtutol at paglaban ng masang labis na pinahihirapan ng krisis ng reaksyunaryong naghaharing sistema. Ang napakatinding diskuntento at pagkaligalig ng malawak na mamamayan ay ibinubunsod ng papabilis na pagbulusok ng ekonomya at ng kanilang kabuhayan, at ng kawalang kakayahan ng naghaharing uri na makatugon kahit sa mga pinakabatayang pangangailangan ng nakararaming mamamayan at pagtindi ng pang-aapi at panggigipit sa kanila.

Hindi lamang bigo ang imperyalismong US at mga lokal na reaksyunaryong naghaharing uri sa paglutas sa napakalalim na krisis sa ekonomya at pulitika ng bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal. Lalo pa nitong pinalala ang krisis sa nakaraang dekada nang hangal na isinuong ng sunud-sunod na mga papet na rehimen ang bansa sa todong pananalasa ng imperyalistang globalisasyon at patakarang neoliberal na ipinataw ng imperyalismong US sa pamamagitan ng IMF-WB. Nagdudulot ito ng ibayong paghihiwalay ng rehimen at pag-igting ng mga bangayan sa hanay ng mga reaksyunaryo.

Kahit bumagsak ang pasistang rehimeng Marcos, nanatili sa sentro ng kapangyarihan ng anumang reaksyunaryong pangkatin ang pasistang makinaryang burukratiko-militar, gayundin ang mga mapanupil na batas at kautusan ng diktadura laban sa mga demokratiko at progresibong pagkilos at pakikibaka ng masa ng sambayanan.

Walang habas ang pananalakay at pang-aatake ng rehimeng Arroyo sa ligal at demokratikong kilusan. Laganap ang garapal na pamamaslang sa mga lider at aktibistang tumututol at lumalaban sa malawakang militarisasyon at pasistang terorismo ng reaksyunaryong estado sa kanayunan at kalunsuran. Tampok na halimbawa ang pagatake sa mga lider ng CAGUIMUNGAN sa Baggao, Cagayan nitong Hulyo (tingnan ang kaugnay na balita sa pahina 3) at ang pagpaslang sa mga aktibistang sina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy sa Timog Katagalugan noong Abril.

Matindi ang pasistang pananakot, panggigipit at pananalakay sa mga ligal na organisasyon ng mga magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan at iba pang organisasyong nakikipaglaban para sa demokratikong interes at karapatan ng mga pinaka-inaapi at pinaka-pinagsasamantalahang mga sektor ng lipunan.

Malawakan ang panunupil sa mga welga ng mga manggagawa at pambubuwag ng kanilang mga unyon at samahan. Nitong huli, hinihiling pa ng mga dayuhang monopolyong kapitalista at malalaking kumprador kapitalista, na ipatupad ng papet na gubyerno ang 10 taong moratoryum sa pagbabago ng mga Collective Bargaining Agreement at kaakibat nito ang pagbabawal sa welga.

Sa harap ng mga ito, napakahalagang patuloy na magpunyagi sa pagpapalawak at pagpapalakas ng ligal na kilusang demokratiko. Kailangang lalong palawakin at paigtingin ang mga protesta at pakikibakang masa para labanan ang pasistang terorismo at patuloy na ipagtanggol at igiit ang mga karapatang pampulitika at pang-ekonomya ng mamamayan. Kailangang militanteng manindigan at huwag pasisindak sa pasistang pananakot ang mamamayan at mga demokratiko at progresibong pwersa.

Mabibigo at mabibigo ang mga pasistang tangka at pananalakay kung magpupunyagi ang mamamayan at kilusan sa paglaban sa mga ito, tuluy-tuloy na hihimukin ang pinakamalawak na hanay ng mamamayan at alyansa ng mga pwersa laban dito at gagamitin ang kumbinasyon ng iba�t ibang paraan ng organisasyon at paglaban. Kaakibat nito, marapat ding palawakin at palalimin ang rebolusyonaryong kilusang lihim para makapagpursigi at manatiling epektibo sa paglaban kahit bumaling sa pinakamasahol na hakbangin�sa tahasang pasistang teroristang panunupil�ang mga lokal na reaksyunaryong naghaharing uri.

Sa harap ng tumitinding pasistang terorismo, lalong krusyal sa lahatang-panig na pagsusulong ng mga pakikibakang bayan ang ibayong pagpapalakas ng hukbong bayan at puspusang pagsusulong ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Kailangang patuloy na paigtingin ang mga taktikal na opensiba ng BHB batay sa kakayahan ng hukbo at baseng masa. Kailangang ubos-kayang higit na palawakin at palakasin ang mga larangang gerilya sa lahat ng estratehikong bahagi ng kapuluan.

Pagbayarin natin nang mahal ang mga imperyalista at reaksyunaryo sa walang habas nilang pagpapasahol sa panghuhuthot at pasistang pandarahas laban sa masa ng sambayanan.

 


 Back to topNext article

21 Hulyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan at biguin ang panunupil
sa ligal na demokratikong kilusan
Karahasan at pandaraya sa eleksyon
sa Isabela

Mga lider-magsasaka sa Cagayan,
tinangkang patayin ng 41stIB

Tumitindi ang giriang Cojuangco-Arroyo
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Mga Ulat Koresponsal:
Pagbubuo ng balangay ng MAKIBAKA sa isang baryo sa Bikol

Mga Ulat Koresponsal:
Paglaban sa iligal na droga
sa Eastern Visayas

Mga Ulat Koresponsal:
Ang AFP at PNP ang pinakamalalaking sindikato sa droga sa bansa

Mga Ulat Koresponsal:
3 elemento ng RHB, nilitis
sa hukumang Bayan

Obispo ng Mahihirap
Mabababang upisyal at karaniwang kawal ng AFP, ligalig
Sa ibayong dagat:
Papalalang kundisyon ng ekonomya
ng US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.