Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Tumitindi ang giriang Cojuangco-Arroyo

 Read this article in English

Nitong Hulyo, idineklara ng Sandiganbayan na pampubliko ang katangian ng pondong coco levy na kalakha�y nakalagak sa United Coconut Planters Bank (UCPB). Ito ang ginamit ni Eduardo �Danding� Cojuangco para mahawakan ang 27% ng sapi ng UCPB sa San Miguel Corporation (SMC) at malamang ay ginamit din niya para bilhin ang 20% pang sapi sa SMC na direktang nasa pangalan niya. Batay sa hatol ng korte, iligal ang batayan ng paghawak ngayon ni Cojuangco ng mga sapi ng UCPB, na siyang pinakamalaki sa SMC.

Kung masusunod lamang ang naturang desisyon, mga kinatawan na ng gubyernong Arroyo ang papalit sa mga kinatawan ni Cojuangco sa Board of Directors ng SMC. Magkakaroon na rin ng karapatan ang gubyerno na magluklok ng bagong tagapangulo ng SMC at kampo na ni Arroyo ang kokontrol sa isa sa pinakamalalaki at pinakamalalakas kumitang empresa sa Pilipinas.

Ngunit mananatili pa rin ang pagiging tagapangulo at mapagpasyang kontrol ni Cojuangco sa SMC hanggang sa Pebrero 2004 batay sa isang �pansamantalang kasunduan� sa pagitan nito at ng Presidential Commission on Good Government (PCGG). Dahil dito, masasalang ang kanyang kontrol sa SMC at iba pang mga kumpanyang binili gamit ang pondong coco levy sa darating na eleksyong presidensyal. Ang mga ito ang magiging pangunahing premyo, kasama ang pondong coco levy at iba pang dambong na kayamanan ni Cojuangco, sa sinumang mananalo sa 2004. Tiyak na magiging marahas at batbat ng pandaraya ang darating na eleksyon dahil dito. Ngayon pa lamang, nagbanta na si Cojuangco na todo-todo niyang lalabanan ang anumang pagtatangkang agawin sa kanya ang kontrol sa SMC at iba pang dambong na kayamanan.

Ang maagang pagkakabulgar ng sabwatan, pag-ani ng matitinding batikos at malakas na pagtutol dito ng mga militanteng pwersa, ng iba pang mga kritiko at ng mamamayan ay humantong sa pagbagsak ng serye ng mga negosasyon sa pagitan nina Arroyo at Cojuangco kaugnay ng coco levy. Sunud-sunod na nabigo ang kanilang sikreto sanang mga kaayusan upang manatiling pribado ang pondong coco levy at magsabwatan sa hatian ng UCPB, SMC at iba pang kakabit nitong malalaking negosyo.

Malaki ang iniaasa ni Arroyo sa pakikipagkoalisyon at suportang pinansyal ni Cojuangco at sa hindi pagtakbo o pagsuporta ni Cojuangco sa ibang kandidato . Ang pagkabiyak ng kanilang oportunistang koalisyon ay magreresulta sa lalong paghina ng makinaryang pang-eleksyon at lalong pagkitid ng maliit na ngang tsansang manalo ni Arroyo sa darating na eleksyon.

Maaasahang gagawa si Cojuangco ng mga hakbang upang pag-isahin at palakasin ang oposisyon para suportahan ang pagkandidato niya o ng sinumang pipiliin niyang suportahan sa darating na halalan. Gustung-gusto ni Cojuangco na si Arroyo ang siya pa ring maging kandidato ng namumunong paksyon dahil pinakamadali itong matatalo ng sinumang patatakbuhin ng oposisyon. Sa harap nito, itutulak ng mga pangyayaring ito na gumawa si Arroyo ng lalong desperadong mga hakbangin bunsod ng pursigidong ambisyon niyang makapanatili pa sa poder.

Ang pag-igting ng labanan hinggil sa coco levy ay rurok ng ilang taon nang pag-aagawan ng mga nangungunang burukrata kapitalista sa pondong hindi nila pag-aari. Sa dinami-dami ng liku�t ikot ng labanang ito, ni minsan ay hindi naging pangunahin sa adyenda ng mga ganid na burukratang naglalaway sa coco levy ang interes at kagalingan ng sektor na siyang tunay na may karapatan sa pondo�ang milyong mga magniniyog na mahigit 17 taong sapilitang pinatawan ng buwis na ito.

Isinasalarawan nito ang ibayo pang pagkabulok ng mga reaksyunaryong naghaharing uri. Pinatitingkad nito ang burukratiko-kapitalistang katangian ng pinakamalalaking kayamanan at pinanggalingan ng malalaking pag-aaring kumprador sa Pilipinas. Litaw na litaw ang napakakrusyal na papel ng pagkontrol sa burukrasya at malakihang kurakot sa kaban ng bayan para sa higit na pagpapayaman at pagpapalakas ng negosyo ng anumang naghaharing pangkatin ng naghaharing uri. Matindi ang sabwatan at bangayan ng malalaking burukrata-kapitalista para kopohin ang burukrasya at kaban ng bayan, hayok na mag-agawan, at higit sa lahat, agawan at pagkaitan ang bayang lubos na naghihirap at nangangailangan ng kabuhayan at mga serbisyong panlipunan.

Lalo pang umiigting ang hayok na pag-aagawan ng mga naghaharing paksyon sa kalagayang pakitid na nang pakitid ang kayamanang maaaring paghatian ng iba't ibang paksyon.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hulyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan at biguin ang panunupil
sa ligal na demokratikong kilusan

Karahasan at pandaraya sa eleksyon
sa Isabela

Mga lider-magsasaka sa Cagayan,
tinangkang patayin ng 41stIB

Tumitindi ang giriang Cojuangco-Arroyo
Matatagumpay na opensiba ng BHB
Mga Ulat Koresponsal:
Pagbubuo ng balangay ng MAKIBAKA sa isang baryo sa Bikol

Mga Ulat Koresponsal:
Paglaban sa iligal na droga
sa Eastern Visayas

Mga Ulat Koresponsal:
Ang AFP at PNP ang pinakamalalaking sindikato sa droga sa bansa

Mga Ulat Koresponsal:
3 elemento ng RHB, nilitis
sa hukumang Bayan

Obispo ng Mahihirap
Mabababang upisyal at karaniwang kawal ng AFP, ligalig
Sa ibayong dagat:
Papalalang kundisyon ng ekonomya
ng US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.