Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Campaign Plan Balangai:
Patuloy na pasistang pananalakay sa Timog Katagalugan

 Read this article in English

Patuloy ang mga pagtatangkang durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan, taliwas sa pahayag ni Gloria Macapagal-Arroyo na itatakwil niya ang patakarang total war ni Estrada. Wala pang isinasagawang direktang kautusan si Macapagal-Arroyo upang wakasan ang kontra-rebolusyonaryong pakana na binalangkas ng gubyernong Estrada � ang Campaign Plan Balangai.

Nitong Enero 28, isang sibilyan ang namatay nang sumalakay ang pwersa ng Scout Rangers sa ilalim ng Task Force Banahaw sa Sityo Talipan, Barangay Magsaysay, Siniloan, Laguna. Apat na mandirigma ng BHB ang napatay sa naganap na labanan, na pawang sa likod ang tama, samantalang isa ang nasugatan. Apat pang sibilyan ang dinampot ng mga tropa noong araw ding iyon sa Barangay Kapatalan, Siniloan at pinaratangang mga mandirigma ng BHB.

Nilalayon ng Campaign Plan Balangai na pigilin ang patuloy at mabilis na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon. Sa ilalim nito ay ipinagpapatuloy at pinag-iibayo ang mga kampanya�t operasyon ng kaaway sa mga baryo at bayan ng Timog Katagalugan na itinuturing nitong matatatag na base ng rebolusyon.

Alinsunod rito, patuloy ang pagsasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ng imbestigasyon ng mga prayoridad na barangay upang tukuyin ang mga baryong nagsisilbing sentro-de-grabidad ng mga larangang gerilya at wasakin ang baseng masa ng rebolusyon dito. Pinasisinsin din ang gawaing paniktik, pinalalakas ang paramilitar na CAFGU at pinaiigting ang mga operasyong sikolohikal. Sa kabila ng pagkokonsentra ng umaabot sa 60% ng pwersa ng AFP at PNP sa kampanyang anti-Moro sa Mindanao, pinanatili ng rehimen ang mga panagupang pwersa ng militar at pulisya sa mga pangunahing larangang gerilya sa rehiyon.

Layunin din ng militar at pulisya na pangalagaan ang interes ng malalaking dayuhang mamumuhunang may mga proyekto sa rehiyon at supilin ang nagngangalit na kilusang masa laban sa mga kontra-mamamayang proyektong ito. Sa Mindoro, halimbawa, binabantayan ng 3rd Battalion ng Special Action Force ng PNP ang CREW Mineral Mining Corp. na may operasyong nakabase sa Victoria, Oriental Mindoro. Binabantayan naman ng 23rd Special Forces Coy ng Philippine Army sa Palawan, ng PNP Regional Mobile Group sa Mindoro at ng 35th Special Forces Coy ng Philippine Army sa Batangas ang paglalatag ng Malampaya Gas Pipe Line na tatagos mula hilagang Palawan, Mindoro at Ilijan, Batangas.

Sa kasalukuyan, nakapakat sa rehiyon ang 201st Bde ng 2nd ID ng Philippine Army na nakabase sa Rizal Ilaya, Calauag, Quezon at sumasaklaw sa kalakhang bahagi ng Quezon, hangganang Quezon-Bikol at isla ng Marinduque. Nakapakat din ang Task Force Banahaw na sumasaklaw sa 4th Special Forces Battalion at 2nd Scout Ranger Battalion. Nakakonsentra ang pananalakay ng Task Force Banahaw sa buong Laguna, Rizal, Batangas, Cavite at bahagi ng Quezon. Mayroon ding isang kumpanya ng Philippine Air Force na sumasaklaw sa katimugang bahagi ng Palawan. Ang hilagang bahagi ng Palawan ay sinasaklawan naman ng 23rd Special Forces Coy na nagmula pa sa Cebu.

Samantala, mga pwersang panagupa ng Philippine National Police ang nakatutok sa mga islang prubinsya ng Timog Katagalugan. Ang 4th PNP Regional Mobile Group ang sumasaklaw sa Occidental Mindoro samantalang may isang batalyon ng PNP Special Action Force (SAF) na nakatutok sa Oriental na nakatutok sa Oriental Mindoro. May bago ring batalyon ng PNP SAF na nakatalaga sa Victoria, Oriental Mindoro.

Sa kabila ng panibagong pagatake ng kaaway sa rehiyon, patuloy na nasustine ang bwelo ng lahatang-panig na pagsulong ng kabuuang rebolusyonaryong gawain sa Timog Katagalugan noong taong 2000 habang patuloy na nagkokonsolida.

Iba�t ibang yunit paniktik ng militar tulad ng MIG-4, MIG-14, 79-MICO at MITU ang nakapakat din sa rehiyon at sumasanib sa iba�t ibang panagupang yunit ng militar. Ang mga yunit na ito ang nagrerekluta ng mga dating mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) upang gawing impormer at elemento ng CAFGU at gamitin sa mga kontra-rebolusyonaryong operasyon at propaganda.

Sa rehiyon, sa kasalukuyan, may dalawang magkasabay na atake ang ginagawa ng kaaway sa sandatahang pwersa ng rebolusyonaryong kilusan � una, ang pananalakay sa mga armadong yunit ng BHB at pangalawa, ang malaganap na tangkang paghihiwalay ng BHB sa mamamayan sa pamamagitan ng kontrarebolusyonaryong aktibidad ng mga special operations team nito.

Gayunman, hindi na kayang magawa ng kaaway ang dating dalas, tindi, laki at lawak ng saklaw na kayang abutin tulad sa nakaraan. Ito�y dahil sa pangkalahatan, nabawasan nang malaki ang mga batalyon ng kaaway na nakapakat sa Timog Katagalugan simula nang ilunsad ng rehimeng US-Estrada ang gerang anti-Moro. Ang resulta nito ay ang lubhang pagkabanat ng tropang militar at pulisya. Ang kakulangan ng tauhan para magkaroon ng absolutong superyoridad sa lahat ng panahon ay binabawi ng kaaway sa mga kontragerilyang operasyon ng maliliit at pleksibleng yunit na may mataas na kasanayang pangkombat tulad ng Special Forces at Scout Rangers ng Philippine Army.

Nakakalat sila ngayon sa mga laking platun at iskwad. Itinutulak ang ganitong manipis na kalat ng pwersang militar ng kagustuhang saklawin ang malawak na bahagi ng mga larangang gerilya at harapin ang mga rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon sa maraming lugar para sagkaan ang mabilis na pagsulong dito ng rebolusyon.

Sa kabila ng panibagong pag-atake ng kaaway sa rehiyon, patuloy na nasustine ang bwelo ng lahatang-panig na pagsulong ng kabuuang rebolusyonaryong gawain sa Timog Katagalugan noong taong 2000 habang patuloy na nagkokonsolida. Hindi naging balakid ang matitinding pananalakay ng pasistang tropa ng rehimeng US-Estrada upang kamtin ang pasulong na tunguhin ng lahat ng mga mayor na linya ng gawain.

Sa larangan ng armadong pakikibaka, napadugo ang maraming bahagi ng katawan ng halimaw at madalas na binigwasan ang kanyang lumalaking ulo. Kahit bago pa ang Abril 2000 sa ilalim ng planong NMO (New Millennium Offensive) ng BHB sa Timog Katagalugan ay nakapaglunsad ng malalaking taktikal na opensibang nakatuon ang talas ng sibat sa mga pinakapusakal na yunit ng AFP at PNP. Halimbawa nito ang:

  • Matatagumpay na operasyon, tulad ng ambus sa kauna-unahang pagkakataon sa yunit ng 9th Scout Ranger Coy ng Philippine Army sa Mabitac at reyd na walang putok sa Sta. Maria, parehong sa Laguna.
  • Magkasabay na reyd sa detatsment ng nangongotong na yunit ng Provincial Mobile Group, Land Transportation Office at Department of Environment and Natural Resources sa Calauag; reyd na walang putok sa Maritime Police sa Burdeos; reyd sa isang detatsment ng 74th IB sa Mulanay; at isang ambus sa Unisan � pawang sa Quezon.
  • Ambus sa tatlong sasakyan ng Special Action Force-PNP sa Victoria, Oriental Mindoro.
  • Ambus sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Kabilang dito ang dalawang malalaking pamamarusa sa mga lumalabag at di tumutupad sa patakaran ng rebolusyonaryong kilusan sa pagbubuwis sa kaaway sa uri.

Samantala, nagpapatuloy ang maliliit na operasyon na nakapagpapalitaw ng armas at namamarusa sa mga impormer at masasamang elemento. Sa 10 malalaking operasyon ay nakakumpiska ng higit sa 40 malalakas na armas at higit sa 20 pistola, mga bala at iba pang kagamitan; napatay ang isang laking seksyon ng kaaway; higit na malaki ang dami ng mga kaaway na tropang sumuko sa mga labanang ito; at nawasak ang mahahalagang kagamitan sa transportasyon at komunikasyon ng kaaway.

Ang papadalas at matitinding operasyon ay naglalarawan ng inabot na lapad at lalim ng suportang ibinibigay ng baseng masa, tulad ng aktibong pagpapaabot ng impormasyon hinggil sa pakat at kilos ng kaaway sa mga sona at larangang gerilya.

Sa gabay ng sentral na tungkulin ng Partido sa rehiyon na "magpaigting ng pakikidigmang gerilya at mga pakikibakang masa habang nagpapalakas at nagpapalawak at magpalakas kasabay ng pagpapaigting ng pakikidigmang gerilya at mga pakikibakang masa!", tiyak na magpapatuloy ang pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan at mabibigo ang Campaign Plan Balangai.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Anihin ang mga tagumpay ng pakikibaka sa pagbabagsak sa rehimeng US-Estrada!
Patuloy na palakasin at paigtingin ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo!

Parusahan si Estrada!
Bagong gubyernong Macapagal-Arroyo:
Nanunumbalik ang rehimeng US-Ramos

Paksyon-paksyon sa pulisya at militar
Ang papel ni Eduardo "Danding" Cojuangco sa huling mga buwan ni Estrada sa Malakanyang
Ang mga dambuhala, militante at mapayapang aksyong masa na nagpatalsik kay Estrada
Campaign Plan Balangai:
Patuloy na pasistang pananalakay sa Timog Katagalugan
Mga Pahayag:
Hinggil sa mga bihag ng digmang nasa pangangalaga ng BHB

Mga Pahayag:
Hinggil sa pambobomba sa Metro Manila

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.