Balita
Muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan, sinasagkaan ng GRP�NDF
tinuligsa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagsagka ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP), partikular ni Gloria Arroyo, sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.
Sa isang pahayag nitong Abril 2, sinabi ni Ruth de Leon, executive director ng NDFP International Information Office na nilabag ng GRP ang probisyon ng The Hague Joint Declaration hinggil sa pagrespeto sa pambansang soberanya nang makipagkutsaba ito sa US para ibilang ang PKP, BHB at kay Ka Jose Maria Sison, punong konsultant ng NDFP, sa talaan ng umano'y mga terorista.
Pinag-iibayo rin ng GRP ang paglabag sa mga karapatang-tao ng mga pinaghihinalaang rebolusyonaryo, mga ligal na personalidad at organisasyon at ng malawak na masa ng sambayanan. Mas masahol pa, nilabag din ng GRP ang karapatang-tao ng mga personaheng awtorisadong lumahok sa usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kasong kriminal at iligal na pagbibilanggo sa kanila. Tinukoy ng NDF ang tangkang pagpatay kina Ka Joma at Atty. Romeo Capulong, punong abugado ng NDFP.
Binatikos din ng NDFP ang GRP sa pagbubuo nito ng huwad na panel na walang inatupag kundi igiit ang pagsuko ng NDFP at ang deklarasyon ng walang taning na tigil-putukan.
Walden Bello, napahiya sa Canada
Labis na kahihiyan ang inabot ni Walden Bello, nagkukunwang progresibo at aktibistang kontra-globalisasyon, nang magpumilit siyang magsalita sa isang porum laban sa imperyalistang gera sa Vancouver, Canada noong Marso 19. Nalantad nang husto ang kanyang pagpopostura nang magrali ang mga kabataang Pilipino-Canadian na nauna na niyang kinutya bilang "hungkag na mga grupong nagkukunwaring kumakatawan sa komunidad ng mga Pilipino" sa Canada.
Ibinunyag ng naturang mga grupo sa madla ang kontra-mamamayang mga paninindigan ni Bello, laluna kaugnay ng pinakahuli niyang mga tirada laban sa mga demokratikong organisasyon sa Pilipinas bilang mga "prente ng Partido Komunista ng Pilipinas" at ng kanyang patuloy na paninira sa PKP, NDFP at kay Kasamang Jose Ma. Sison. Binatikos din ang katahimikan nina Bello laban sa sunud-sunod na pamamaslang sa mga lider at myembro ng mga demokratikong grupo nitong nakaraang tatlong buwan.
Ayon sa mga grupo sa Canada, harap-harapan ding nagsinungaling si Bello nang sabihin niyang sinusuportahan niya ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas at NDFP nang tanungin siya tungkol dito. Hindi niya nababanggit na aktibong itinutulak ng kanyang partidong Akbayan ang kapitulasyon ng NDFP. Isa ang Akbayan sa kinakatuwang ng militaristang rehimeng Arroyo sa kampanya nito laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|