|
|
Ang pahayag na ito ni Armando Liwanag, Tagapangulo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas, para sa ika-32 na anibersaryo ng Partido ay inilabas ng Ang Bayan sa espesyal na isyung may petsang Disyembre 26, 2000. Maaaring i-download ang bersyong Pilipino, Bisaya, Hiligaynon at Ingles sa http://angbayan.cjb.net. �Sa pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng muling-tatag na Partido Komunista ng Pilipinas sa ilalim ng teoretikal na gabay ng Marxismo-Leninismo- Maoismo, buong tatag nating pakilusin ang malawak na masa ng mamamayan upang igawad ang pamatay na �Ang rehimeng Estrada ay kapwa produkto at paglala ng nagpapatuloy na krisis ng bulok na naghaharing sistema. Isang nagdudumilat na katibayan ng bulok at naaagnas na katangian ng sistema na ang isang katulad ni Estrada ay naging pangulo ng neokolonyal na republika. Pinagsasanib niya ang kasakiman ng mga imperyalista, ang pinakamasahol sa mga lokal na reaksyunaryo at mga sindikatong kriminal.� �Tama lamang na magpokus sa pananagutan ni Estrada at ng kanyang naghaharing pangkatin at sa pangangailangang ibagsak sila. Pero hindi natin kinakaligtaan na ang buong naghaharing sistema ay lalupang naging mapagsamantala at mapang-api dahil sa patakaran sa �malayang pamilihan� na idinidikta ng mga imperyalistang kumpanya, bangko at multilateral na ahensyang tulad ng IMF, World Bank at WTO. Pinabilis at pinalala ng mga ito ang pagpiga ng tubo ng mga imperyalista, ang pyudal at malapyudal na akumulasyon ng lupa at burukratikong katiwalian. Ito ay mabilis na nagresulta sa matinding paglaban ng taumbayan at sa pagkakahiwalay ng rehimeng Estrada.� �Ang krisis sa ekonomya ang pinagmumulan ng kasalukuyang krisis sa pulitika. Lalung tumindi ang alitan sa pagitan ng mga reaksyunaryo dahil ang kaban ng yaman na mapaghahatian ay labis na lumiit at sinosolo pa ng naghaharing pangkating Estrada. Ang pangunahing nabibiyayaan ng burukratang kapitalismo ay si Estrada mismo, si Eduardo Cojuangco, ilang negosyanteng Pilipino-Tsino at ang sarisaring pamilya ni Estrada.� �Ang malawak na nagkakaisang prente ay binubuo ng Kaliwa, Gitna at Kanan na anti-Estrada. Ito ay isang buhaghag na alyansang binibigkis ng iisang layunin na patalsikin si Estrada. Naging mas madali para sa Kaliwa at Gitna na makipagkaisa sa mga pwersa ng Kanan, na malinaw na reaksyunaryo pero anti-Estrada, kaysa sa ilang maliliit na grupong umaastang Kaliwa pero nagtatangkang ilihis ang konsentradong bira kay Estrada at sabotahiin ang malawak na nagkakaisang prente.� �Ang rehimeng US-Estrada ay kapwa tiwali at mapanupil. Ginagamit nito ang militar, pulisya, mga pwersang paramilitar at pribadong armadong pangkat para ipatupad ang anti-manggagawang patakaran, pagkaitan ang masang magsasaka at pambansang minorya ng kanilang lupa at dahasin ang mga aksyong protesta ng masa. Pinatitindi nito ang mga kampanyang militar ng pagsupil laban sa rebolusyonaryong baseng masa at pwersa ng Partido Komunista ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).� �Ang pagtitipon ng malawak na nagkakaisang prente ng mga pwersa laban sa pinakamakitid na target� ang kasalukuyang naghaharing pangkatin�ay hindi nangangahulugan ng pagbabago ng programa ng bagong demokratikong rebolusyon at ng estratehikong linya ng matagalang digmang bayan. Ito�y nangangahulugan lamang ng pagpapabilis ng kumpas ng mga protestang masa at rebolusyonaryong paglaban na magagamit ng mga rebolusyonaryong pwersa para lalo itong lumakas at umabante.� �Ang rebolusyonaryong pwersa ay may malinaw na pag-unawa sa kagyat at pangmatagalang layunin ng kilusang masa. Walang kalituhan sa kanilang hanay kung anong moda ng pagkilos ang nararapat sa kalunsuran at sa kanayunan. Ang mga �Kaliwa� at ang Kanang oportunistang nasa mataas na pusisyon at naghasik ng kaguluhan sa loob ng Partido noong mga taong 1980 ay matagal nang lumayas at pumanig sa kaaway.� �Mula ngayon hanggang sa pagbagsak ni Estrada, kung siya nga ay kagyat na babagsak, ay walang sapat na panahon para radikal na mabago ang timbangan ng lakas sa pagitan ng armadong kontra-rebolusyon at armadong rebolusyon o magbuo at magpalakas ng isang konsehong tagapamahala na tunay na maglilingkod sa pambansa at demokratikong interes ng mamamayan.� �Dahil sa lubha ng krisis ng naghaharing sistema, ang bagong rehimen ay mapipilitang sumunod pang lalo sa mga dikta ng mga imperyalista at kasabay nito ay sikaping iwasan ang galit ng mamamayan sa pamamagitan ng ilang pabalat-bungang hakbang at mapanlinlang na taktika, na kung hindi niya gagawin ay magpapabilis sa kanyang pagkakahiwalay..� �Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay nakahanda sa ideolohiya, pulitika at organisasyon na harapin ang bagong naghaharing pangkatin sa pagtangan nito ng papel bilang kaaway ng mamamayan. Ang lakas na naipon ng mga rebolusyonaryong pwersa sa proseso ng paglaban sa buong naghaharing sistema at pagpapabagsak sa rehimeng US-Estrada ay magagamit laban sa bagong naghaharing rehimen. Ang krisis ng naglalahong naghaharing sistema ay hindi malulutas kundi lalo pang lalala. Patuloy nitong papaburan ang pagsusulong ng bagong demokratikong rebolusyon.�#
|
| |||||||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|