|
Pamilya, iligal na ikinulong
Ibinunyag ng Tanggol-Karapatan noong Hulyo 26 ang walang pakundangang paglabag ng mga pasistang tropa ng AFP sa karapatang-tao ng mga sibilyan, laluna ng mga bata, sa ngalan ng "gerang kontra-terorismo."
Tinukoy nito sa partikular ang iligal na pag-aresto at pagkulong sa isang pamilya ng mag-uuling sa mabundok na baryo ng Mabacao, Maragondon, Cavite. Hulyo 13 nang paulanan ng bala ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Air Force (PAF) at PNP ang kubong katabi ng bahay ni Isidro Bartolome, isang mag-uuling. Sa kubong ito nakahimpil ang 12 kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Tumagal nang isang oras ang labanan sa pagitan ng BHB at militar. Nang umatras ang BHB, hinuli at iligal na ikinulong ng mga tropa ng PAF ang mag-asawang Bartolome at Gemma, at ang mga anak nilang sina Rico, Gemmalyn at Jinggoy. Si Gemmalyn ay apat na taong gulang habang dalawang taong gulang naman si Jinggoy.
Sinampahan ng kasong rebelyon ang mag-amang Bartolome at Rico. Bagamat sugatan si Rico, hindi agad siya dinala sa ospital. Sa halip, dinala siya sa Villamor Air Base kung saan siya ikinulong kasama ang kanyang ama. Walang ibinibigay na tulong medikal kay Rico maliban sa naunang mga pain killer at antibiotics. Wala ring iskedyul kung ooperahan siya upang kunin ang bala sa kanyang katawan.
Sinampahan din ng gawa-gawang kasong rebelyon at ikinulong si Gemma kasama ang kanyang dalawang maliit na anak sa Air Force Base sa Nasugbu, Batangas. Halos isang buwan din silang ipiniit doon.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Agosto 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|