Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga pambobomba sa Davao

 Read this article in English

Pakana ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo ang mga pambobomba sa Davao upang bigyang-daan ang ibayong paghaharing militar at imperyalistang interbensyon

Iisa ang nagpakana ng pambobomba nitong Abril 3 at noong Marso 4 sa Davao City: ang rehimeng US-Macapagal-Arroyo.

Nitong Abril 3, isang bomba ang pinasabog sa pier ng Sasa sa Davao City na ikinamatay ng 16 katao. Ilang oras pagkatapos nito, apat na moske roon ang pinasabog at pinagbabaril at sumabog ang iba pang bomba sa ibang bahagi ng Mindanao. Mahigit 20 naman ang namatay sa pambobomba sa paliparan ng Davao City noong Marso 4.

Iisa rin ang layunin ng ganitong paghahasik ng terorismo at pamiminsala sa mamamayan: ang likhain ang kundisyon para sa pagpapatindi ng represyon at imperyalistang interbensyon sa Pilipinas. Nais palabasin ng rehimen na ang mga pagpapasabog na ito ay kagagawan ng mga Moro--at sa partikular--ng Moro Islamic Liberation Front, kasabwat umano ang Abu Sayyaf, al Qaida at Jemaah Islamiah. Naglubid rin ang rehimen ng istorya na kasabwat din ang Bagong Hukbong Bayan sa pagbobomba noong Marso 4 at mga kasunod nito. Layunin din ng rehimen bigyang-katwiran ang pagkakategorisang "terorista" ang MILF at BHB at isabotahe ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at mga rebolusyonaryong pwersa.

Para lalong patingkarin ang habi ng nilubid na istorya na mga Moro ang nasa likod ng mga ito, ang mga aktwal na nagpakana ng mga krimeng ito ay nagbibintang sa kung sinusinong Moro. Kagyat pagkatapos ng pambobomba noong Marso 4, nagpalitaw ang rehimen ng halatang-halatang pekeng sulat ni Hamsiraji Sali ng Abu Sayyaf para palabasing ang MILF at BHB ay kinasabwat ng Abu Sayyaf sa mga pambobomba. Pinagbintangan din na "suicide bomber" ang isang natamaan ng bomba at namatay na inosenteng Moro kahit na sumusundo lamang siya sa darating na kamag-anak. Walang kaabug-abog na nanghuli pa ang rehimen ng siyam na sibilyang Moro na umano'y mga pwersa ng MILF. Idinagdag na lamang sa senaryo nitong Abril 3 ang pambobomba at pamamaril sa mga moske para palabasing may mga di Moro na gumaganti lamang sa pambobomba ng mga Moro. Mahigit 50 na ang inarestong mga Morong sibilyan at mayroon pang limang dinukot at nawawala.

Ang mga teroristang karahasan at pakanang ito ay pagpapatuloy lamang ng planong binuo ng Pentagon at CIA at iniatas ni US Defense Sec. Donald Rumsfeld kay Defense Sec. Angelo Reyes nang bumisita ang huli sa US ilang araw bago ang pambobomba sa paliparan ng Davao. Ang paglilikha ng ganitong mga pakana ay tulak ng desperadong paghahanap ng mga katwiran upang malampasan ang malakas na protesta at maikutan ang pagbabawal sa sariling konstitusyon ng gubyerno sa paglahok ng mga tropang Amerikano sa kombat sa Pilipinas. Nais ng US na ituon ang kanilang mga pwersa sa BHB at MILF/BIAF.

Makapal ang mukha ni Gloria Macapagal-Arroyo na ginamit ang naturang trahedya para sa pansariling pagpapabango. Ipokritang ibibigay pa diumano niya ang P1 milyong pondong nakalaan sa engrandeng selebrasyon ng kanyang kaarawan bilang pabuya sa paghahabol sa mga salarin.

Isang araw pagkatapos ng pambobomba, idineklara ni Arroyo ang pag-iral ng "state of lawless violence" (kalagayan ng karahasang walang sinasantong batas) sa hindi lamang sa Davao kundi sa buong Rehiyon 11 at 12. Nais ng rehimen na isangkalan ang pangyayari para maisabatas na ang matagal nang itinutulak ng US at ng Malakanyang na mga pasistang panukalang batas tulad ng Anti- Terrorism Bill at National ID System.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Abril 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Mga mananakop sa Iraq, layas!

Madugong pananalakay at pananakop sa Iraq
Mga patriyotikong grupo, tuluy-tuloy na nagprotesta
Mga pambobomba sa Davao
Ulat Koresponsal:
Nandito na naman ba si Michael Meiring?

Ulat Koresponsal:
Presyo ng saging, napataas

Ulat Koresponsal:
Isang tagumpay sa propaganda at edukasyon

Ulat Koresponsal:
Cassava Plantation Project:
Higit pang pahirap at pagsasamantala sa mga magsasaka

Matatagumpay na opensiba ng BHB
Pasada sa mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.