![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
1) "Modernisasyon ng agrikultura" sa pamamagitan ng pagtatanim ng high-value crops tulad ng kasoy, asparagus, paminta at ube para sa eksport at pagbabawas sa kabuuang lupaing nakalaan para sa pagtatanim ng palay. 2) Pagtatanim ng isang bilyong commercial fast-growing trees na maaaring trosohin ng mga dambuhalang kumpanya sa loob lamang ng limang taon. 3) Pagtatayo ng 750,000 pabahay sa loob ng tatlong taon upang magbapango sa maralitang-lunsod at makalikha ng libu-libong panandaliang trabaho (transient employment) sa bagsak na sektor ng konstruksyon. 4) Pagtatakda ng open skies policy o ang pag-alis ng mga sagka upang malaya nang makalipad sa himpapawid (airspace) ng bansa ang dayuhang airlines. 5) Pagpapatampok ng mga bongga at makatawag-pansin na mga proyekto sa mga export processing zone sa Luzon sa pag-asang makaaakit ito ng dayuhang pondo at ayuda. 6) Pagpapahintulot sa mga lokal na gubyerno na pumasok sa mga kontratang build-operate-transfer (BOT) sa mga pribadong kumpanya sa antas-prubinsya nang sa gayon ay higit na lumawak ang makikinabang na mga dayuhang kumpanya at tiwaling upisyal sa gubyerno. 7) Pagpapadala ng 25,000 estudyante sa mga paaralan sa US, Europe at Japan para matuto ng syensya at teknolohiya sa pag-asang maibabahagi nila ang mga ito sa bansa gayong wala naman silang mapapasukang industriya pagbalik nila � kung babalik pa sila. 8) Pagbabalanse ng pambansang badyet simula 2003 gayong umabot na sa P223 bilyon ang depisit sa taong ito, at mismong mga bayarang ekonomista ng rehimen ang nagsasabi na hindi liliit o mapapawi ang depisit sa susunod na tatlong taon. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|