Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kabataan at estudyante laban sa ROTC: Pagkakaisa laban sa dagdag-pasanin, bulok at maanomalyang programa

 Read this article in English

Bumwelo sa panunungkulan ni Macapagal-Arroyo ang mga pagtutol at sumiklab nitong Hulyo ang mga protesta ng mga estudyante laban sa Reserve Officers Training Corps (ROTC). Ipinanawagan nilang ibasura ang bulok, maanomalya, dagdag-pasanin at pasistang programang ito.

Ang ROTC ay apat na semestre o dalawang taong lingguhang sapilitang "pagsasanay-militar" ng kalalakihang estudyante sa kolehiyo. Nakapaloob ito sa kurikulum ng kanilang mga kurso at rekisito ito sa kanilang pagtatapos.

Taong 1922 nang umpisahang ipatupad ng US ang ROTC bilang opsyonal na pagsasanay-militar sa University of the Philippines. Noong 1939, sa pamamagitan ng isang executive order, ginawang sapilitan ni Manuel L. Quezon ang pagsasanay na ito para sa lahat ng kalalakihan.

Mula�t mula, hindi para sa interes ng sambayanang Pilipino ang layunin ng ROTC.. Nakapaloob ito sa pinakaunang batas na ipinasa ng gubyernong Commonwealth sa bansa, ang Commonwealth Act No. 1 (National Defense Act). Binuo ito ng US bilang paghahanda sa banta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hangad ng US na gamiting pambala sa kanyon ang mga kabataang Pilipino sa napipinto noong inter-imperyalistang gera.

Pasistang makinarya, batbat ng korapsyon

Sarisaring reklamo ang inirerehistro ng mga estudyante at kanilang mga magulang laban sa ROTC.

Talamak ang korapsyon sa loob nito. Ginagawa itong palabigasan ng maraming mga kumandante at mga upisyal militar. Kadalasan, ang uniporme at iba pang kagamitan sa ROTC ay ibinebenta nang mas mahal kaysa dapat na halaga nito. May mga kaso ring sapilitang pinabibilhan ng meryenda ang mga kadete sa panahon ng mga pagsasanay .

May mga upisyal ding nagkakamal ng malaking halaga sa pagpapabayad sa mga gustong lumusot sa kurso o sa mga hindi kayang magsanay, katulad ng mga may kapansanan. May mga kaso na para ipwera na sa pagsasanay ang mga may kapansanan, sinisingil sila ng hanggang ilang libong piso.

Lalong kinukuba ng mga gastusin sa ROTC ang mga magulang ng mga mag-aaral na kumukuha nito. Sa harap ng pataas nang pataas na halaga ng mga bayarin sa eskwela, dagdag pang pasanin ang pinalobong mga gastusin sa ROTC.

Ang pagpapanatili sa ROTC ay nagmimilitarisa sa mga eskwelahan. Nagbubunsod ito ng pasistang kultura. Noong Marso 16 ng taong kasalukuyan, dinukot ng mga upisyal ng ROTC si Mark Welson Chua, 19 anyos na estudyante ng University of Sto. Tomas (UST). Natagpuan ang bangkay niyang lumulutang sa Ilog Pasig. Si Chua, isa ring upisyal ng ROTC, ay nagsiwalat ng mga anomalya nito. Ipinapakita ng brutal na pagpatay sa kanya kung gaano katindi ang pasismo at sindikato sa ROTC.

Sa pamamagitan ng batas, ginawang ekstensyon ng pasistang makinarya ng reaksyunaryong militar ang kalalakihang sapilitang pinagsanay sa ROTC. Ginagamit ng reaksyunaryong sandatahan ang reserbang kwerpong ito sa paniniktik sa mga progresibong organisasyon ng mga estudyante sa mga paaralan.

Sa harap ng malawakang protesta ng mga kadete ng ROTC at ng iba pang sumusuporta sa kanila, nagmamatigas ang AFP na panatilihin ang bulok at maanomalyang programang ito. Iginigiit nitong kailangan ang ROTC upang sanayin daw ang kabataan sa pagtatanggol sa bansa. Kailangan lamang umanong magkaroon ng mga reporma sa kurso. Sa katunayan, ihinahanap na lamang nila ng katwiran ang pagpapatuloy nito.

Nagpapakalat din ng anti-komunistang panirang propaganda ang AFP laban sa mga organisasyon ng mga estudyante na mariing tumututol sa ROTC. Ang kupas nang taktikang ito ng reaksyunaryong sandatahan ay isinasagawa upang takutin ang iba pang mag-aaral at kanilang mga magulang laban sa mga protesta. May mga kaso rin ng pananakit at harasment sa mga kadeteng lumalahok sa mga pagkilos.

Sama-samang pagkilos

Nagpahayag ang mga estudyante na tuluy-tuloy nilang isusulong ang nasimulang laban hanggang sa tuluyang maibasura ang ROTC.

Pormal nilang binuo ang kanilang pagkakaisa sa isang alyansa, ang Abolish! (Network for the Abolition of ROTC). Binubuo ito ng mga organisasyong Anakbayan, League of Filipino Students, Student Christian Movement of the Philippines, National Union of Students of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines at mga konseho at publikasyon ng mga estudyante. Inilunsad ng Abolish! nitong Hulyo 9 ang kampanya para mangalap ng isang milyong lagda laban sa ROTC na iniharap nila kay Gloria Macapagal-Arroyo sa State of the Nation Address (SONA) nito sa pagbubukas ng Kongreso nitong Hulyo 23.

Nagsagawa ang mga kadete at mga tagasuporta nila ng sunud-sunod na walkout, mga barikada at mga piket sa iba�t ibang panig ng bansa.

Nitong Hulyo 1, libong estudyante sa Metro Manila ang nag-walkout sa treyning at nagmartsa sa Mendiola. Daan-daang kadete ng UST ang nagboykot sa treyning sa gitna ng mahigpit na seguridad. Nagsunog sila ng isang pares ng uniporme ng ROTC bilang simbolo ng kanilang protesta.

Nitong Hulyo 8, umabot sa 400 kadete ang nag-walkout sa Ateneo de Davao. Sa UP College Baguio naman, 130 kadete ang nag-walkout nitong Hulyo 14. Nagmartsa sila sa Session Road at hinikayat ang mga kadete ng iba pang eskwelahan sa lunsod na sumama sa protesta.

Nitong Hulyo 15, libo-libong estudyante sa Metro Manila ang muling lumahok sa magkakasabay na kilos-protesta. Umabot sa 7,000 estudyante ang nagbarikada sa University of the East-Caloocan, Adamson University, Arellano University at Technological University of the Philippines. Sa Far Eastern University, 500 kadete ang nagpiket. Sa Tacloban City naman, kasama ang mga mag-aaral ng UP-Tacloban at Leyte State University, 200 kadete ang nag-walkout sa kanilang pagsasanay sa Leyte Institute of Technology.

Umabot sa 300 ang nag-walkout sa UP Los Ba�os nitong Hulyo 21. Sa bisperas ng SONA ni Macapagal-Arroyo, daan-daang mag-aaral ang muling lumahok sa mga boykot. Sa halip na pag-alis lamang sa kanilang mga training field, sama-sama silang naglinis ng mga kalsada ng Espa�a, Bonifacio Circle sa Caloocan at Commonwealth Avenue ng Quezon City upang ipakita na may ibang makabuluhang bagay kaysa ROTC. Sa Mindanao naman, lumahok sa walkout ang mga estudyante ng University of Mindanao, Ateneo de Davao University, University of Southeastern Philippines, Holy Cross of Davao College at San Pedro College.

Isang napakagandang bagay ang pagkakaisa ng mga estudyate sa buong kapuluan laban sa dagdag-pahirap na ROTC. Kailangang ituluy-tuloy ng mga estudyante ang paglaban dito upang mabawasan ang mga pahirap ng estado sa kanila at kanilang mga magulang. Kasabay ito ng laban sa iba pang mga pahirap tulad ng walang-tigil na pagtaas ng matrikula at ibang bayarin na repleksyon lamang ng mas malawak na pagpapahirap ng bulok na sistemang kinakalinga ng bawat rehimen.

 


Previous articleBack to topNext article

Hulyo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Igiit ang laban para sa P125 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa!
Mga milyunaryo sa gubyerno: Lantarang pandarambong sa kaban ng bayan
Ang halalan para sa party list at ang wastong papel ng mga progresibo sa loob ng reaksyunaryong parlamento
Mga katotohanan sa likod ng "pagmamalasakit" ni "Ate Glo" sa maralitang lunsod
Paggamit sa bansa bilang base militar, patuloy na iginigiit ng US
Patunay ng direktang pakikialam
Igiit ang pagpaparusa kina Estrada, mga Marcos at iba pang may mabibigat na kasalanan sa bayan!
Patuloy na lumalala ang sistema ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo
Kabataan at estudyante laban sa ROTC: Pagkakaisa laban sa dagdag-pasanin, bulok at maanomalyang programa
Mga balita ng pakikibaka
Pulong ng Group of 8 binatikos ng malalaking protesta
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.