![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
NAGPAHAYAG ng pakikidalamhati ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagpanaw noong Hulyo 13 ni Salamat Hashim, tagapangulo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa isang pahayag, nagpugay si Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng PKP, kay Chairman Hashim sa kanyang "buong-buhay at walang pag-iimbot" na paglilingkod sa mamamayang Moro at sa kanyang "militansya at rebolus-yonaryong pamumuno." Sa ilalim n kanyang pamumuno, muling sumulong ang armadong pakikibaka ng mamamayang Moro at matagumpay nitong nabigo ang mga pagtatangka ng reaksyunaryong gubyerno na durugin ang MILF sa paraang militar o magamit ang usapang pangkapayapaan para pasukuin ito. Bukas si Hashim sa pagbubuo ng pambansang rebolusyonaryong nagkakaisang prente ng NDFP at MILF. Naging pormal ang alyansa ng dalawang rebolusyonaryong organisasyon noong 1999 subalit dalawang dekada na itong umiiral. Kasabay nito, binati ng PKP ang paghalili ni Al Haj Murad sa yumaong lider. "Itinuturing din namin siyang kaibigan at alyado," ani Ka Roger. "Tiwala kami na ipagpapatuloy ni Chairman Murad ang maningning na gawain ni Chairman Salamat" at "magpapatuloy ang mahusay na relasyon at pagtutulungan ng PKP-BHB-NDFP at MILF-BIAF," dagdag ni Ka Roger. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|