Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Panananlanta ng pasistang estado:
Walang habas na paglabag sa CARHRIHL

 Read this article in English

Patuloy ang walang habas na paglabag ng mga armadong pwersa ng reaksyunaryong estado sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) nitong nagdaang Nobyembre.

North Cotabato. Sinalbeyds ng mga elemento ng 39th IB sa ilalim ni Col. Arnold Quiapo ang Pulang mandirigmang si Renante "Ka Benjie" Ediza noong umaga ng Nobyembre 21 sa Barangay Kisante, Makilala. Si Ka Benjie, na kasapi ng Magtanggol Roque Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ay nasukol ng militar sa isang bahay kasama ang mga kapwa mandirigmang sina Josephus Ramada, Jeramie Dante at Alibaoi Musa. Sa kabila ng pagtataas na niya ng kanyang mga kamay upang sumurender, sinaksak siya ng mga sundalo at ilang beses na pinagbabaril sa ulo hanggang sa sumabog ang kanyang utak sa sahig. Ayon sa Merardo Arce Command ng BHB sa Southern Mindanao, nilabag ng militar ang Article 14 ng Geneva Conventions of 1949 at CARHRIHL dahil si Ka Benjie ay isang hors de combat o wala na sa katayuang lumaban. Kinumpirma ng autopsy sa bangkay ni Ka Benjie na siya ay sinaksak muna bago malapitang binaril.

Inireklamo rin nina Ramada, Dante at Musa na pinahirapan sila ng militar pagkatapos madakip. Tinanggihan ng militar ang hiling ng mga magulang ni Ramada na ipasuri muna siya sa isang doktor bago ipasa sa mga pulis.

Sa Albay. Pinatay noong gabi ng Nobyembre 10 si Joel Barrameda Baclao, regional coordinator sa Bicol ng Promotion of Church People's Response (PCPR) at coordinator din ng Andurog-Bicol, isang disaster relief program ng United Church of Christ in the Philippines. Si Baclao ay pinagbabaril sa labas ng kanyang bahay sa Daraga, Albay.

Isang linggo bago ang insidente, nakatanggap ng babala si Baclao na mag-ingat dahil kabilang daw siya sa order of battle o listahan ng mga nais patayin ng militar. Mas maaga pa rito, isang grupo ng mga sundalo ang pumunta sa bahay ni Baclao noong Setyembre 26 at nagtangkang halughugin ito, subalit napigilan sila ng byenan ni Baclao.

Sa Rizal. Dinukot noong madaling araw ng Nobyembre 9 ng 10 elemento ng Alpha Coy ng 80th IB sa pamumuno ni 1Lt. Mamintal Demapinto ang magtiyuhing sina Amador Estanislao, 42, at Rolando dela Cruz, 29, sa kanilang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan. Nagpanggap na mga Pulang mandirigma ang mga sundalong dumukot sa kanila. Natagpuan ang dalawang magsasaka na patay kinabukasan sa Sityo Lawa, Pinugay, Baras, Rizal na may tigdalawang tama ng bala sa ulo.

Ayon sa pahayag nitong Nobyembre 12 ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC) ng BHB sa Rizal, bukod sa pagpapanggap na mga gerilya, tinangka rin ng 80th IB na umiwas na mapagbintangan sa nangyaring pananalbeyds sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga bangkay nina Estanislao at dela Cruz sa Baras, Rizal, malapit sa kampo ng 59th IB at 419th Provincial Mobile Group. Nasa Rodriguez, Rizal ang kampo ng 80th IB.

Si Lieutenant Demapinto, na namuno sa pagdukot at pagsalbeyds ay dating elemento ng 204th Bde at sinanay ng berdugong si Gen. Jovito Palparan sa mabangis na panunupil sa karapatan ng mamamayan.

Ang 80th IB naman na kinabibilangan ni Demapinto ang responsable rin sa pamamaril sa apat na kabataang babae na edad 10 hanggang 14 anyos at kanilang drayber noong Abril 2004 sa San Rafael, Rodriguez, Rizal sa katawa-tawang paratang na mga kasapi sila ng Bagong Hukbong Bayan.

Sa Batangas. Sampu katao na pinaratangang mga gerilya ng BHB ang iligal na inaresto ng mga elemento ng 740th Strike Wing ng Philippine Air Force noong umaga ng Nobyembre 6 sa Barangay San Felipe, Cuenca, Batangas. Sina Danilo Mayo, Mary Ann Vibat, Ronnie Ferrer, Marichu Cataquiz, Paterno Atienza, Precy Balmes, Christopher Malabanan, Rufino Arante Tabares, Lijan Gunmay at Analiza Espiritu ay nagmula sa Abra de Ilog, Mindoro Occidental at lulan ng isang dyip nang harangin sila ng tatlong sasakyan sa Batangas.

Ayon sa mga saksi, pinagbubugbog, pinagsisipa at binraso ang mga biktima at sapilitang inilipat sa mga humarang na sasakyan. Dahil sa maagap na pagkakabunyag ng insidente, napilitan ang AFP na aminin nitong Nobyembre 9 na hawak nga nila ang mga arestado.

Siyam sa mga arestado, na tinaguriang "Mindoro 9," ang isinangkot ng militar sa mga pag-atake ng BHB sa AFP noong 2002 at 2003. Taliwas sa sinabi ng AFP, walang mandamyento de aresto ang Mindoro Regional Trial Court laban sa sinuman sa mga biktima. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinahihintulutang umugnay sa kanilang mga pamilya at mga abugado ang 10 arestado.

Sa Davao del Norte. Tatlong Ata-Manobo ang napatay at siyam ang nasugatan nang paulanan ng bala ng mga elemento ng paramilitar na grupong Alamara ang kanilang mga bahay bandang ala-una ng madaling araw noong Nobyembre 4 sa Sityo Kapatagan, Barangay Gupitan, Kapalong.

Ang mga nasawing biktima ay sina Dao Mamborao, Letty Mamborao at Rosaly Sumpo samantalang ang mga sugatan ay sina Linda Sambag, Dikay Tiwog, Colas Mamatao, Ging-ging Mamboto, Juanito Tiwog, An-an Mamatao, Igay Mamatao at dalawang di pinangalanang bata na edad isa at dalawang taon.

Ayon sa mga saksi, ang masaker ay kagagawan ng anim na elemento ng Alamara na pinamumunuan ni Romy Aragil, isang sundalo ng 72nd IB.

Sa Kalinga. Walang awang tinortyur at pinatay ng mga elemento ng 21st IB si Bagtang "Ka Awi" Bulawit, 27, noong Nobyembre 2. Si Bulawit, isang Pulang mandirigma sa ilalim ng Lejo Cawilan Command ng BHB sa Kalinga at Apayao, ay di armado nang arestuhin ng isang yunit ng 21st IB sa pamumuno ni 1Lt. Arvin Encinas sa Sityo Kilayon, Barangay Balantoy, Balbalan bandang alas-11 ng umaga. Isinailalim siya sa interogasyon ni Encinas at ni 2Lt. Benito Ramos, punong upisyal ng Charlie Coy ng 21st IB. Nang walang mapigang impormasyon kay Bulawit, tinortyur siya at tuluyang pinatay bandang 1:30 ng hapon. Dalawa pang upisyal, sina 2Lt. Manuel Dumpao at 2Lt. Aurelio Kigis ng 49th Separate Rifle Coy ang sangkot din sa pagtortyur at pagpatay kay Bulawit.

Natagpuang nakasabit sa isang punong kahoy ang kanyang bangkay sa pagitan ng Sityo Kilayon at Sityo Ligayan, na may 13 tama ng bala at may mga palatandaan ng tortyur.

Ayon sa pahayag ni Ka Tipon Gil-ayab, tagapagsalita ng Lejo Cawilan Command, responsable rin ang 21st at 77th IB sa iba pang paglabag sa karapatang-tao sa Kalinga. Noong Agosto 25, apat na sibilyan ang nasugatan nang mag-istraping ang mga elemento ng 21st IB sa bayan ng Balantoy. Noon namang Disyembre 2003, pinatay ng mga elemento ng 77th IB sa bayan ng Pinukpuk si Victor Balais, isang mangangaso na pinagkamalang gerilya ng BHB. Bago ito, walang awang ipinailalim sa interogasyon at hindi man lamang ipinagamot ang sugatang mandirigma na si Leonard Angid noong Marso 2003.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Disyembre 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Desperasyon ng rehimeng Arroyo, nagpapalala sa terorismo ng estado

Panananlanta ng pasistang estado:
Walang habas na paglabag sa CARHRIHL
Panananlanta ng pasistang estado:
Karumal-dumal na masaker sa Hacienda Luisita

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
18 armas, nasamsan ng BHB sa Bulacan

Luha ng buwaya
Edukasyong Pilipino:
Nananatiling komersyalisado at nakatuon sa dayuhang interes

Mga tagumpay ng sosyalistang rebolusyon at konstruksyon sa China ng 1949-1976:
Sagot sa krisis pang-ekonomya:
Rebolusyon at sosyalistang konstruksyon

Kaugnayan ng mga kontrarebolusyonaryong grupo sa mga Trotskyista at Sosyal-Demokrata
Tigil-pasada
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.