Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ipinagdiriwang ng ang pagpaparusa kay Colonel Aguinaldo

 Read this article in English

Ilang minuto lamang matapos parusahan ng isang tim ng Fortunato Camus Command ng BHB si Col. Rodolfo Aguinaldo, malayo agad ang inabot ng balita tungkol dito. Para sa laksang biktima ng kahayupan ni Aguinaldo, wala nang ibang balitang mas nakasisiya kaysa sa pagkapataw ng parusang kamatayan sa kinamumuhiang salot na pasista.

Si Aguinaldo ay dating koronel ng PC at naging pulitikong tinaguriang "buwitre ng Cagayan". Pero mas nakilala siya sa buong bansa sa mahaba at madugong kontra-rebolusyonaryo at anti-mamamayang rekord niya bilang nangungunang lumalabag sa karapatang-tao, tumotoryur at berdugo ng mga bilanggong pulitikal at iba pang rebolusyonaryo at masa.

Siya ang pinakalarawan ng kinamumuhiang kaaway, sukdulang anti-mamamayan at kontra-rebolusyonaryo, anti-komunista at militarista. Kaalinsabay, maamo siyang ahente ng mga imperyalista, malaking panginoong maylupa at kumprador.

Pinagbayaran niya ang marami niyang utang na dugo sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan noong gabi ng Hunyo 12, 2001, sa mismo niyang "balwarte" sa Tuguegarao City. Ang pagparusa sa kanya ay malaon nang kinapanabikan ng mamamayan.

Ang buong buhay ni Colonel Aguinaldo ay inilaan sa pagtatanggol ng naghaharing bulok na sistema. At ginawa niya ito sa pinakabulok, pinakamasama at pinakakasuklam-suklam na mga paraan. Sa matagal na panahon, naghasik si Aguinaldo ng pasistang lagim at nagpakawala ng maruruming taktikang psywar laban sa mamamayan ng Cagayan, Apayao at iba pang lugar. Siya ang pinaka larawan ng kinamumuhiang kaaway, sukdulang anti-mamamayan at kontra-rebolusyonaryo, anti-komunista at militarista. Para sa mamamayang dumanas ng kahayupan ni Aguinaldo, isa siyang demonyong nagkatawang-tao.

Sa kabilang panig, si Aguinaldo ay isang bayani para sa mga imperyalista, malaking panginoong maylupa at kumprador. Bilang pagtatanggol sa kanya, isinumbat minsan ng isang upisyal ng CIA na "Maaari kayong matulog nang ligtas at mahimbing dahil sa mga taong tulad ni Rodolfo Aguinaldo".

Tulad ng inaasahan, ikinagalit at ikinatakot ng mga naghaharing uri sa bansa at ng kanilang imperyalistang amo ang kamatayan ng kanilang pinagkakatiwalaang berdugo na si Aguinaldo. Ang buhay at halimbawa ng mga demonyong mala-Hitler tulad ni Aguinaldo ay sadyang nais nilang parangalan at palaganapin. Bagay itong mahalaga sa kanila sa harap ng lumalaking banta sa kanilang paghahari bunga ng mabilis na sumusulong na rebolusyonaryong kilusan.

Mula ngayon, di na sila kailanman makatutulog nang mahimbing.

 


 Back to topNext article

04 Hulyo 2001
Edisyong Pilipino


Ipinagdiriwang ng ang pagpaparusa kay Colonel Aguinaldo
Madugong rekord laban sa masa sa Cagayan at Apayao
Pasistang naging pulitikong warlord
Operasyong pagparusa kay Aguinaldo:
Walang muog ang mga reaksyunaryo na di mabubuwag ng rebolusyon

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.