Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pakikidigmang Gerilya:
Sumusulong sa Buong Kapuluan

Alinsunod sa panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas na pataasin ang antas ng armadong rebolusyon, inatasan nito ang Bagong Hukbong Bayan na palawakin at pasinsinin ang paglulunsad ng pakikidigmang gerilya batay sa patuloy na lumalawak at lumalalim na baseng masa.

Sa nakalipas na limang taon, umani ng maraming tagumpay ang rebolusyunaryong kilusan bunga ng pagpapatupad ng Partido sa Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. Itinakwil ang mga mali at mapaminsalang linya ng estratehikong kontra-opensiba, di-napapanahong regularisasyon at insureksyunismong lungsod na inilako ng mga rebisyunistang taksil. Muling pinagtibay ang estratehikong linya ng matagalang digmang bayan: kubkubin ang kalunsuran mula sa kanayunan. Naisagawa rin ang wastong pagdidisposisyon ng nakararaming mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa pagbawi ng mga nawalang baseng masa at sa ibayong pagpapalawak ng ating mga larangang gerilya.

Sa mensahe ni Tagapangulong Armando Liwanag sa okasyon ng ika-28 anibersaryo ng pagkakatatatag ng BHB na pinamagatang "Patindihin ang Pakikidigmang Gerilya Batay sa Kakakayahan", nilinaw niya na nang buuin ang Hukbo noong Marso 29, 1969,

"ang Bagong Hukbong Bayan ay nakapagsagawa ng gawaing masa at nakapaglunsad ng mga taktikal na opensiba sa maliit na saklaw ng ikalawang distrito ng Tarlac. Walang dahilan," aniya, "kung bakit hindi mapatitindi ang pakikidigmang gerilya batay sa kasalukuyang lahatang-panig na lakas ng rebolusyonaryong kilusan, na higit pa sa noong 1969 o 1992. Tulad ng nakaraan, ang mga pagsulong sa rebolusyon ay makakamit lamang sa pamamagitan ng mga taktikal na opensiba sa loob ng balangkas ng kasalukuyang yugto ng estratehikong depensiba".

Mainit na Pagtugon ng Hukbong Bayan

Mula nang ilabas ang panawagan ng Partido, mainit ang naging pagtugon ng mga magigiting na Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. Sa pamamagitan ng iba't ibang reyd, ambus, at operasyong isparo, napinsala ang pwersa ng kaaway, nakasamsam ng mga armas at napabulaanan ang paghahambog ng rehimeng US-Ramos na mahina at laos na ang BHB.

Sumusunod ang ilan sa mga tampok na taktikal na opensibang inilunsad ng BHB nitong 1997:

Marso 26- Ambus sa isang pangkat ng PNP sa Palauig, Zambales. Namatay si Senior Inspector Manuel Alop ( police chief ng Palauig na maraming kaso ng pandarahas sa mamamayan) at apat pang pulis. Nasamsam ang kanilang mga armas.

Hunyo 2- Ambus sa isang pangkat ng 74th IB PA sa Sityo Nataasan, Barangay Inabuan, San Francisco, Quezon. Lubhang nasugatan ang CO ng 74th IB na si Maj. Joel Ibanez at si 1Lt. Siscar na intelligence officer. Di-lubhang nasugatan si 1Lt. Atirado.

Hulyo 11- Isang sasakyan ng PNP ang tinambangan sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Villabota, Gumaca, Quezon. Isang pulis at isang ahenteng sibilyan ang namatay. Dalawang M16, isang M14, isang .38 at tatlong rifle grenade ang nasamsam.

Agosto 10- Sinalakay ang detatsment ng 1st District Mobile Force ng PNP sa Barangay San Jose, Antipolo, Rizal. Isa ang napatay at dalawa ang lubhang nasugatan sa panig ng kaaway. Nasamsam ang isang baby M60, dalawang M16, isang .45, isang .38, isang rifle grenade at sari-saring bala.

Oktubre 15- Reyd sa detatsment ng PNP/ CAFGU sa Barangay Inuyunan, Bula, Camarines Sur. Nasamsam ang isang M14, isang M16, isang RG , isang granada at mga bala. Walang nasawi sa panig ng kaaway dahil nagsitakbuhan ang mga ito.

Oktubre 20- Reyd sa istasyon ng PNP sa Rodriguez (dating Montalban), Rizal. Ito sana ay reyd na walang putok, ngunit tinangka ng isang pulis na putukan ang isang pangkat ng BHB kaya ito ay pinatay. Nadisarmahan din ang isang pangkat ng Philippine Army sa kalapit na Barangay San Isidro. Nakumpiska ang anim na M16, apat na disabog, 23 maliliit na armas (.38, .45, at 9mm), mahahalagang dokumento ng PNP at 3,000 bala ng M16. Nabihag sina Police Chief Inspector (PCI) Rene Francisco (Rodriguez Chief of Police) at M/ Sgt. Joaquin Melad ng 2nd IB PA. Sila ay pinalaya noong Disyembre 5.

Oktubre 21- Ambus sa isang pangkat ng 31st IB na sakay ng isang Kennedy-type jeep sa Binagbag, Agdangan, Quezon. Tatlo ang napatay at isa ang nasugatan sa kaaway. Nasamsam ang dalawang M16, isang M14, dalawang .45, at isang rifle grenade.

Oktubre 26- Reyd sa detatsment ng PA sa Barangay Lawan-lawan, Las Nieves, Agusan del Norte. Isang sundalo at isang CAFGU ang namatay at nasamsam ang lahat ng mga armas ng detatsment.

Oktubre 28- Pagpaparusa kay PCI Teodorico Ibarrola ng Sariaya PNP. Si Ibarrola ay isang Intelligence Officer ng PNP-Quezon na responsable sa pagbubuo ng CAFGU at paglalatag ng Barrio Intelligence Network na mga baryong kanyang sinasaklawan. Sangkot din siya sa sindikato ng iligal na droga at jueteng. Nasamsam mula kay Ibarrola ang isang MKIV (isang tipo ng .45) at isang .38.

Nobyembre 8- Ambus sa elite force ng 3rd Mobile Group-PNP sa Barangay Morente, Bongabong, Mindoro Oriental. Napatay ang tatlong kaaway at nabihag si SPO3 Martillano Magtagad (isang pulis na maraming utang na dugo sa mamamayan). Nasamsam ang dalawang M203, pitong M16, isang .45, night vision goggles at maraming bala.

Nobyembre 23- Ambus sa isang pangkat ng PNP sa Sitio San Jose, Legazpi City, Albay. Apat ang namatay at apat ang lubhang nasugatan sa panig ng kaaway, kabilang na ang hepe ng pulisya sa Legazpi na si Col. Robinson Ortega.

Disyembre 8- Pagpaparusa kay SP04 Edgardo Escara sa Bagumbayan, Mauban, Quezon. Si Escara ay deputy police chief ng Mauban. Siya ay pinarusahan sa kanyang pagiging protektor ng mga nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Disyembre 21- Pagdisarma sa mga CAFGU ng Paquibato, lungsod ng Davao. Nasamsam ang 15 M14 at pitong karbin.

Ibayong Pagtindi ng Pakikidigmang Gerilya

Kaiba sa nakaraang panahon ng adbenturismong militar, ang mga taktikal na opensibang inilulunsad sa kasalukuyan ay direktang nakakawing at naglilingkod sa rebolusyong agraryo at pagbubuo ng baseng masa. Ito ay bunga ng pagtalima ng Hukbo sa absolutong pamumuno ng Partido. Hindi na kalakaran ang �pakikipagbakbakan� sa kaaway nang walang pagsasaalang-alang sa mga pampulitikang pangangailangan at kalagayan. Napatunayan na sa mapait na karanasan ng Hukbong Bayan na ang ganitong �pakikipagbakbakan� ay lubhang mapinsala sa baseng masa. Taliwas ito sa prinsipyo ng paglulunsad ng pakikidigmang gerilya batay sa patuloy na lumalawak at lumalalim na baseng masa. Kung wala ang pagtangkilik at suporta ng masa, mawawalan din ang Hukbo ng kakayahang maglunsad ng mga taktikal na opensiba.

Sa kasalukuyang yugto ng estratehikong depensiba, sinasalakay lamang ng Hukbong Bayan ang mga nahihiwalay at mahihinang pwersa ng kaaway. Ito ay dahil sa katotohanan na, sa kabila ng malaking pagsulong ng Hukbong Bayan mula 1969 (na nagsimulang may 60 katao at 35 armas sa Tarlac at ngayo�y laganap na sa buong kapuluan), mahina at maliit pa rin ito kung ikumkumpara sa reaksyunaryong Armadong Pwersa ng Pilipinas.

Unti-unting nag-iipon ng armadong lakas ang rebolusyunaryong kilusan. Hakbang-hakbang na pinatatatag ang rebolusyunaryong kapangyarihang pampulitika ng mamamayan sa kanayunan hanggang sa sapat na ang lakas nitong ibagsak ang reaksyunaryong estado sa buong bansa. Totoo na ang pagsulong ng armadong rebolusyon ay di pantay sa iba�t ibang rehiyon at larangang gerilya dahil sa iba�t ibang obhetibong kalagayan at suhetibong salik. Kung kaya ang pagpapatindi ng pakikidigmang gerilya ay laging nakabatay sa kakayahan ng mga rebolusyonaryong pwersa at ang partikular na kongkretong kalagayan.

Sa patuloy na pagtalima ng mga rebolusyunaryong pwersa sa wastong linya ng matagalang digmang bayan, tiyak na lalong titindi ang pakikidigmang gerilya sa hinaharap.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Hulyo 1997
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Sumulong sa Ika-30 Anibersaryo!

Bumubugso Pasulong ang Rebolusyon!
New Mining Act of 1995:
Kontra-Mamamayan, Salot sa Kalikasan

Oplan Unlad Bayan:
Bigo sa Hilagang Mindanao

Renegadong Taksil sa Kanlurang Mindanao:
Pupulutin sa Kangkungan ng Kasaysayan

Balita
Pakikidigmang Gerilya:
Sumusulong sa Buong Kapuluan
Komunike ng Ikatlong Panrehiyong Kumperensya ng Timog Katagalugan:
Kamtin ang Dramatikong Pagsulong!

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.