|
Magkakambal na pasista
Nagmamalinis ang imperyalismong US sa sarili nitong nakahihindik na rekord ng paglabag sa karapatang-tao at naghuhugas ng kamay sa ginagampanan nitong papel sa pagpopondo at pagsasanay sa reaksyunaryong hukbo sa Pilipinas sa pinakahuling mga pahayag nito kaugnay sa kalagayan ng karapatang-tao sa bansa.
Sa ulat ng US State Department na pinamagatang "Country Reports on Human Rights Practices" na inilabas nitong Pebrero 28, tinukoy ng US na responsable sa arbitraryo, iligal at ilang kaso ng ekstrahudisyal na mga pagpatay, pagdukot, tortyur at detensyon ang mga pwersa ng AFP at PNP. Pinakakaraniwang biktima ng mga ito ay mga sibilyan at mga rebolusyonaryong pwersa na binansagan nitong mga "rebelde." Kabilang sa pinakatampok na kaso ang walang pakundangang pamamaslang ng militar at pulis sa mga nakawelgang manggagawang bukid sa Hacienda Luisita noong Nobyembre.
Walang ibang dapat sisihin sa ganitong rekord ng AFP kundi ang imperyalismong US. Mula't sapul, ang gubyerno at armadong lakas ng US ang siyang nagsanay, nag-indoktrina at sumuporta sa AFP at PNP. Sinasalamin nito ang sagad-sagarang pasistang oryentasyon ng militar ng US na makikita sa mga arbitraryong detensyon at tortyur ng mga binansagan nitong terorista sa mga kampo nito sa Guantanamo, Iraq at Afghanistan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Marso 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|