Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Ang brutal na gera ng rehimeng US-Arroyo

Walang awat ang pananalasa ng brutal na gerang inilulunsad ng Armed Forces of the Philippines laban sa mga sibilyan, ligal na demokratikong grupo at institusyong binabansagan nitong tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at mga prente ng kilusang komunista.

Ang sumusunod ang pinakahuling mga paglabag sa karapatang-tao:

Walong aktibista dinukot sa Quezon. Dinukot ng militar nitong Mayo 3 ang walong kasapi ng Kadamay-Southern Tagalog sa bayan ng Calauag. Kinilala ang mga dinukot na sina Leng Jucutan, pangkalahatang kalihim ng Kadamay-ST; Wilbert Capistrano; Pulo Capistrano; Virgilio Noel, konsehal ng barangay; Elmer Ongaria, tserman ng Sangguniang Kabataan; Tess Esguerra; at Sherlita Locario.

Ayon sa Karapatan-Quezon, naghahanda nang matulog ang mga biktima nang pasukin ng mga militar sa ilalim ng Southern Luzon Command (Solcom) ang kanilang tinutuluyang bahay sa Barangay Quinalin Ilaya. Hinalughog ang buong bahay at ninakawan ito ng pera.

Nasa naturang komunidad si Jucutan, kasama ang mga kasapi ng Kadamay-ST, upang isadokumento ang pinakahuling insidente ng iligal na demolisyon ng mga komunidad sa kahabaan ng riles.

Tulad ng inaasahan, agad na itinanggi ng Solcom ang pagdukot sa walong aktibista. Kinabukasan, pinalabas pa nitong mga kasapi umano ng BHB ang apat sa hinuli.

Napag-alaman na lamang ng mga organisasyon para sa pagtatanggol ng karapatang-tao na iligal na ikinulong sa isang kampo militar sa Gumaca ang mga nawawalang aktibista. Sinampahan ng gawa-gawang kasong rebelyon sina Jucutan, Esguerra at Locario.

44 na magsasaka hinuli sa Bulacan. Dinampot at iligal na ikinulong ng militar nitong Mayo 5 ang 44 na residente ng San Miguel, Bulacan. Dinala sila sa kampo ng 702nd Brigade Command sa Bongabon, Nueva Ecija.

Pangalawa ito sa serye ng iligal na pang-aaresto ng First Scout Ranger Regiment (FSRR) makaraang maganap ang mga sagupaan sa pagitan ng kanilang mga pwersa at isang platun ng Pulang mandirigma ng BHB sa magkakaibang baryo ng San Miguel. Bigo ang militar na lipulin ang mga Pulang mandirigma kaya ibinaling nito ang pasistang pananalakay sa walang kalaban-labang mga sibilyan.


Noong Abril 24, 12 magsasaka ang iligal na inaresto ng mga Scout Rangers. Dalawang araw na ikinulong ang mga magsasaka sa Camp Tecson sa San Miguel.

Kabilang sa mga dinampot si Ernie Santos, isang 32 taong gulang na magsasaka. Magpahanggang ngayon, tumatanggi ang militar na ilabas si Santos. Natatakot namang magsalita si Florante Santiago na kasabay na dinampot ng militar. Iginapos at piniringan ang mga mata ni Santiago bago kinaladkad sa kanilang sasakyan. Kitang-kita ang mga marka ng tortyur na dinanas ni Santiago sa kamay ng militar.

Mariing kinundena ng mga residente ng San Miguel, kasama ng kanilang meyor at iba pang lokal na upisyal, lokal na pamunuan ng simbahan at iba pang demokratikong sektor ang walang pakundangang paglabag ng FSRR sa karapatang-tao ng mga biktima. Kinundena rin nila ang tumitinding militarisasyon sa kanilang lugar.

Lider ng Anakpawis, pinaslang sa Bicol. Binaril at napatay noong gabi ng Abril 25 sa Pamplona, Camarines Sur si Delio "Ka Yoyoy" Apolinar, municipal coordinator ng Anakpawis sa naturang bayan at dating tagapangulo ng Bicol Coconut Planters Association, Inc. (BCPAI), kaanib ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Itinuturong salarin ang mga ahente ng militar na ilang araw na nagmanman sa bahay ng biktima.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Mayo 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Palawakin ang antipasistang pagkakaisa

National ID, Anti-terrorism Bill mga pakana ng US
Pananalanta ng Pasistang Estado:
Ang brutal na gera ng rehimeng US-Arroyo
Pananalanta ng Pasistang Estado:
Mistulang batas militar sa Samar

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Aktibistang pangkapayapaan, iligal na ikinulong

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
Philippine Army, binigwasan ng BHB sa Quezon

Araw ng Paggawa:
Pagdiriwang, masigla't matagumpay; mensahe ni Arroyo, binatikos

Mga Pinay, naglunsad ng martsa-rali sa New York
Mga detalye ng korapsyon ng rehimen
Arroyo-Cojuangco, patuloy ang sabwatan sa coco levy
Sa ibayong dagat:
Patuloy ang pagsulong ng rebolusyonaryong pakikibaka sa Nepal

Sa ibayong dagat:
Makasaysayang kumperensya sa Bandung, ginunita

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.