![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Pahayag ni Gregorio Ka Roger Rosal Si Joseph Ejercito Estrada at ang kanyang mga kasapakat sa pandarambong, pagnanakaw at iba pang operasyong kriminal ay mga lehitimong target ng mga espesyal na operasyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang gayong mga operasyon ay ekspresyon ng malalim na poot ng mamamayang Pilipino sa kamuhi-muhing rehimen at ambag sa kanilang pakikibaka upang ibagsak ang bulok sa kaibuturang gubyernong Estrada. Gayundin, alinsunod sa pahayag ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral noong Oktubre, maaaring ilunsad ng BHB sa loob at labas ng mga sonang gerilya ang sumusunod na mga aksyon laban sa mga nakalahad na target:
Maaaring maglunsad rin ng mga espesyal na operasyon laban sa Presidential Security Group at iba pang mga pusakal na yunit ng AFP laluna yaong mga may utang na dugo sa mamamayan at nagbibigay-proteksyon sa mga raket ni Estrada at mga kasapakat niya. Ipinaaalala rin na nananatiling may-bisa ang kautusan ng Komite Sentral ng Partido para sa pagbubuo ng mga espesyal na yunit ng BHB upang arestuhin ang mga kamag-anak ng yumaong si Marcos, laluna sina Imelda at Ferdinand, Jr., pati na ang mga pangunahing alipures ng pasistang diktador. Nagkakaroon ng bagong bigat at kakagyatan ang kautusang ito matapos na kinandili ni Estrada ang mga Marcos at ipagsanggalang sila sa mamamayang sumisigaw ng katarungan para sa mga kalapastanganang idinulot ng batas militar. Maaaring tukuyin ng mga yunit ng BHB ang iba pang mga target batay sa kaalaman na matitipon nila hinggil sa interes at iba pang operasyon ni Estrada at ng kanyang mga kasapakat sa mga sonang kinikilusan ng mga rebolusyonaryong armadong pwersa. Hinihikayat ng Partido ang mamamayan at iba pang pwersa na ipaabot sa mga yunit ng BHB ang mga makabuluhang impormasyon na makatutulong sa ikatatagumpay ng mga operasyon ng BHB. Ang paglulunsad ng ganitong mga espesyal na operasyon ay alinsunod sa prinsipyo ng matagalang digmang bayan. Isinasagawa ito kaakibat ng tuluy-tuloy at lahatang-panig na pagpapaigting ng armadong pakikibaka, pagpapalakas ng mga pakikibakang antipyudal, at pagpapalawak at pagpapatatag ng rebolusyonaryong baseng masa sa kanayunan. Naninindigan ang Partido na ang diin ng paglaban upang ibagsak si Estrada ay nasa pagkilos ng milyun-milyong mamamayan sa mga di armado, mapayapa ngunit militanteng protesta sa lansangan. Gayunpaman, kinakailangang ilunsad ng BHB ang mga espesyal na operasyon laban sa gubyernong Estrada upang lalo pang pahinain ang reaksyunaryong rehimen at bigyang-inspirasyon at tapang ang mamamayan na ibayo pang magkaisa at lumaban. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|