|
Usapang pangkapayapaan ng NDF at GRP, muling bubuksan
Makaraan ang mahigit dalawang taong suspensyon ng rehimeng Arroyo, muling bubuksan sa susunod na buwan ang pormal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front (NDF) at ng Government of the Republic of the Philippines (GRP). Ito ang napagkasunduan ng magkabilang panel ng negosasyon sa impormal na pulong na idinaos sa Oslo, Norway noong Oktubre 9 at 10, ayon sa NDF negotiating panel.
Ibabatay ang usapang pangkapayapaan sa The Hague Joint Declaration at siyam na iba pang bilateral na kasunduan, sa Utrecht Joint Statement noong Marso 9, 2003 at sa Oslo Communique noong Abril 30, 2001.
Tinuran ng NDF na balakid sa usapang pangkapayapaan ang patuloy na pagkakahanay ng US at European Union sa PKP, BHB at kay Jose Ma. Sison bilang mga terorista. Ayon sa NDF, ito ay panghihimasok sa panloob na usapin ng bansa at dapat kundenahin ng GRP.
|
|
21 Oktubre 2003 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|