|
|
Umabot sa isang milyong mamamayan ng Cuba ang nag-demonstrasyon noong Mayo 14 sa Havana, kabisera ng bansa, upang ibunyag at tutulan ang panibagong mga hakbangin ng gubyerno ng US na gipitin ang Cuba at ang gubyerno ni Pres. Fidel Castro. Sa harap ng ibayong panggigipit at banta ng pagsalakay ng US sa bansa, itinaas ng gubyernong bayan ang kahandaang militar ng 11.2 milyong Cubano. Itinulak kamakailan ni Pres. George W. Bush ang pagpapahigpit sa apat na dekada nang embargo ng US laban sa Cuba. Naglaan din ang rehimeng Bush ng inisyal na $59 milyon para sa iba�t ibang aktibidad at operasyon para atakehin ang Cuba. Pinakamalaking bahagi nito ($36 milyon) ang inilaan para pondohan ang mga kontra-rebolusyonaryong grupo sa loob ng Cuba. Ang $18 milyon ay inilaan naman para sa regular na pagpapalipad ng isang eroplanong militar na magbobrodkas sa himpapawid ng Cuba ng propaganda laban sa gubyerno ni Castro. Hinigpitan ang restriksyon sa pagpapadala ng pera ng mga Cubanong nakatira sa US tungo sa kanilang mga kamag-anak sa isla. Ang mga padalang ito na umaabot sa $1.2 bilyon kada taon ay may malaking naitutulong sa kabuhayan sa Cuba. Nilimita na rin sa minsan bawat tatlong taon ang dati�y pinahihintulutang taunang pagbisita nila sa mga pamilya nila sa Cuba. Maging ang mga tutol sa pamumuno ni Castro ay mariing bumabatikos sa mga pinakahuling kontra-demokratiko at kontra-rebolusyonaryong hakbang na ito ng US.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|