![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
ni Jose Maria Sison Ang tanging upisyal na dokumento na nag-oobliga sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas na magbigay-indemnipikasyon sa mga biktima ng mga paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Marcos ay ang Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas, partikular ang Artikulo 5, Ikatlong Bahagi nito. Kung tatalikuran ng GRP ang mga obligasyon nito sa ilalim ng nasabing probisyon, tiyak na lubusan at tuluyan nang babagsak ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at PDPP. Napakasama at napakaiskandaloso na habang natutubos na ng mga Marcos at pinakamalalaking kroni nila ang nakaw na yaman mula sa pagkasekwester, pilit na ibinabangga ng rehimeng Estrada ang Amerikanong abugadong buwitre (na si Robert Swift*) laban sa SELDA upang malusutan ang malinaw na obligasyon ng GRP sa ilalim ng Kasunduan. Ang paglabag ng GRP sa Kasunduan ay dagdag na nagbibigay-katwiran sa digmang bayang inilulunsad ng mga rebolusyonaryong pwersa. Makatatamo ang mamamayan at mga biktima ng mga paglabag sa karapatang-tao ng pinakamalaking kasiyahan sa mapagparusang katarungang makakamit mula sa digmang bayan. __________________________ ![]()
|
| ||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|