![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Pebrero 17, 2:15 PM � Sa So. Tabak, Brgy. Carmen, Distrito ng Baguio, Lunsod ng Davao, inaresto ng Merardo Arce Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dalawang matataas na upisyal ng Philippine Army. Sa isang matagumpay na �entrapment operation�, nasakote ng mga Pulang mandirigma si Brig. Hen. Victor Obillo, Kapt. Eduardo Montealto, isang Korporal Lipaolipao at ang kanilang drayber na si Rogelio Mendoza. Si Obillo ay kumander ng 55th Engineering and Construction Brigade na nakabase sa Lunsod ng Davao. Si Montealto ang upisyal sa lohistika ng naturang brigada samantalang si Lipaolipao ang aide-de-camp ni Obillo. Matapos ang ilang oras, pinalaya si Lipaolipao
Ayon sa pahayag ng Merardo Arce Command, inaresto ang dalawang upisyal habang nagsasagawa sila ng mga kontra-rebolusyonaryong aktibidad sa loob ng mga teritoryo ng National Democratic Front of the Philippines Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas o NDFP). Samantala, noong Pebrero 21, inaresto ng BHB-Sorsogon si Chief Insp. Roberto Bernal, upisyal sa paniktik ng Philippine National Police (PNP) na nakabase sa pambansang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Lunsod ng Quezon. Bandang alas-11 ng umaga sa San Juan, Bacon, Sorsogon, dinakip ng mga Pulang mandirigma si Bernal habang nakikipagpulong ang huli sa isa niyang asset sa naturang baryo. Ayon pa sa pahayag ng BHB-Sorosogon, si Bernal ay inaresto sa isang taktikal na opensiba dahil �sa kanyang aktibong papel sa paglalatag ng intelligence network (lambat paniktik) laban sa rebolusyonaryong kilusan hindi lamang sa Sorsogon kundi sa buong Bikol�. Malimit pumunta si Bernal sa Sorsogon para kumustahin ang kalagayan ng kanyang binubuong network at para dalawin ang kanyang kalaguyo. Ang pag-aresto kina Obillo, Montealto at Bernal ay mga tagumpay na tanda ng pagsulong ng armadong pakikibaka na nakabatay sa papalawak at papalalim na baseng masa. Ito rin ay alinsunod sa panawagan ng Komite Sentral ng PKP na paigtingin ang mga taktikal na opensiba kabilang na ang pagbihag sa mga upisyal at kawal ng AFP at PNP, tuwing may pagkakataon. Itinuturing na bihag ng digma ang tatlong upisyal at tinatamasa nila ang mga kaakibat na karapatan batay sa mga patakaran ng BHB, ng demokratikong gubyernong bayan, ng Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa Karapatang-Tao at sa Internasyunal na Makataong Batas o CARHRIHL at mga internasyunal na batas katulad ng mga Kumbensyon ng Geneva at Protocol I. Ito ay nakabatay na rin sa pagkilala sa kanilang katayuan bilang mga kombatant ng reaksyunaryong hukbo. Nirerespeto ng mga custodian o mga yunit ng BHB na nangangalaga sa mga bihag ng digma ang mga karapatan at tinitiyak ang kalusugan at kaligtasan ng tatlong upisyal. Alinsunod sa kanilang katayuan bilang mga bihag ng digma, maaari silang litisin sa rebolusyonaryong hukumang bayan, at kung mapapatunayan, ay paparusahan bilang mga kriminal sa digma o war criminals, na may pagsasaalang-alang sa bigat ng kanilang mga sala. Sa kabilang banda, maari silang patawarin at palayain alinsunod sa umiiral na patakaran ng makatao at maluwag na pagtrato ng rebolusyonaryong kilusan sa mga bihag ng digma. Kaugnay nito, agad na ipinahayag ng NDFP ang kahandaan nitong makipagnegosasyon sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) para sa posibilidad ng kagyat na pagpapalaya sa mga bihag ng digma. Ang NDFP Negotiating Panel ang tanging awtorisadong organo ng rebolusyonaryong kilusan para makipagnegosasyon sa GRP hinggil sa mga bihag ng digma.
Samantala, sa isang hakbang na nagpapamalas ng iresponsibilidad, kapusukan at kamangmangan sa prosesong pangkapayapaan, pormal na sinuspinde ni Estrada ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP, kasabay ng iligal na pagkansela ng epektibidad ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Lalong nabibitag ang rehimeng Estrada sa sarili nitong pagsisinungaling at kawalang kakayahang sugpuin ang rebolusyonaryong kilusan. ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|