|
Mga Ulat Koresponsal: Kumpanya pinarusahan, pulis inambus sa Agusan del Norte
Sinunog ng BHB ang mga heavy equipment na pagmamay-ari ng Concepcion Basic Builders, Inc. (CBBI) sa Barangay De Oro at Tagabaca, Butuan City, Agusan del Norte noong Marso 20. Parusa ito sa may-ari bunga ng mga kasalanan niya sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan. Kabilang sa mga sinunog na kagamitan ang isang payloader at isang buldoser sa De Oro, at tatlong backhoe, isang grader at dalawang pison sa Tagabaca. Ang CBBI ay pagmamay-ari ni Engr. Arturo Ong-o, kontratista sa paggawa ng mga kanal pang-irigasyon sa Butuan City para sa Cotabato-Agusan River Basin Development Project.
Ayon sa mga ulat koresponsal mula sa Hilaga-Silangang Mindanao, ikinatuwa ng masa ang pagpaparusa kay Ong-o dahil sapilitan niyang ipinatutupad ang paghuhukay ng kanal nang walang kaukulang kabayaran sa mga pinsalang idinulot nito sa mga sakahan ng mga magsasaka. Pilit din niyang pinalilikas ang mga magsasaka sa mga lupaing saklaw ng proyekto. Pinarusahan din ang kumpanya dahil sa hindi nito pagtalima sa patakaran ng rebolusyonaryong kilusan ukol sa pagbubuwis. Malaki ang naging papel ng masa sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon na nakatulong sa matagumpay na pagsasagawa ng aksyong pamarusa at ligtas na pag-atras ng BHB.
Kinabukasan ng pangyayari, dumating ang isang tim mula sa PNP Regional Mobile Group para tugisin ang BHB. Tatlong pulis ang nasugatan nang tambangan ng mga Pulang mandirigma ang dyip na sinasakyan nila habang binabagtas nito ang haywey sa may Barangay De Oro.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) Abril 2002 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|