Panghihimasok militar ng US
PANGHIHIMASOK | | MILITAR NG | U S |
Kasunduan para sa walang taning na kooperasyong militar, inaprubahan
Inianunsyo nitong Hulyo 1 ni Macapagal-Arroyo na pinagtibay ng Mutual Defense Board (MDB) ang isang matagalang programa para sa "tulungang militar" ng Pilipinas at US. Nakasaad sa limang-taong programa ng MDB sa pagpupulong nito sa Hawaii noong Hunyo 25 ang pagtransporma ng kasalukuyang Balikatan 02-1 tungo sa isang "sustenidong programa ng kooperasyong panseguridad at kontra-terorismong pagsasanay at pagtutulungan".
Hindi lamang nito bibigyang-daan ang permanenteng presensya ng mga tropang Amerikano sa bansa sa anyo ng mahahaba at magkakasunod na "Balikatan". Ang operasyon ng mga "pagsasanay" na ito ay sasaklaw pa sa buong bansa. Kabilang dito ang inianunsyo ni Gen. Roy Cimatu, hepe ng AFP, na ang mga tropang kalahok sa Balikatan 02-1 na upisyal na magtatapos sa Hulyo 31, ay bubuuin sa mas maliliit na pangkat at ipapakat sa iba�t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Liban sa tropang lumalahok sa mga "Balikatan", pahihin tulutan din ng rehimen ang paglalabas-masok ng iba pang tropa at mga barkong Amerikano sa ngalan ng "kontra-terorismo".
Tumutugma ito sa nauna nang pahayag ni US Defense Sec. Donald Rumsfeld na magtatagal pa ang mga tropang Amerikano sa bansa lampas sa itinakdang mga limitasyon ng Balikatan 02-1.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Bush noong Hunyo 28 ang pagbibigay ng kagamitan at serbisyong militar na nagkakahalaga ng $10 milyon. Para diumano ito sa isang "di inaasahang pangyayari na nangangailangan ng kagyat na pagbibigay ng kontra-terorismong tulong-militar sa armadong hukbo ng Pilipinas".
Hindi matukoy ng mga upisyal-militar ng AFP kung ano itong "di inaasahang pangyayari". Bahagi ng MLSA ang ayudang ito.
Taong-midya, hinamak ng mga tropang Amerikano
Sinigawan at kinasahan ng armas ng mga tropang Amerikano ang dalawang kagawad ng midya noong Hunyo 17. Humiling ng panayam sina Jiggy Manicad at Jun Fronda, reporter at cameraman ng GMA-7, kaugnay ng katatapos na engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng US at Abu Sayyaf sa Isabela City. Hinarang sila ng mga sundalong Amerikanong nagbabantay sa kalsada sa himpilan ng 55th IB. Binunutan at kinasahan sila ng armas, itinaboy at buong-pagmamayabang na sinigawang "This is our area (Erya namin ito)!"
Sa halip na punahin, ipinagtanggol pa ni Maj. Gen. Ernesto Carolina, hepe ng Southern Command, ang gayong arogansya ng mga dayuhang tropa.
Tropang Amerikano, nakipagputukan
Nakipagpalitan ng putok ang ilang tropa ng US at AFP noong Hunyo 17 sa mga pinaghihinalaang pwersa ng Abu Sayyaf. Dalawang sundalo ng US Marines at isang sundalo ng AFP ang nasangkot sa naturang engkwentro.
Naganap ito nang paputukan ng isang grupo ng armadong kalalakihan ang isang pangkat ng US Navy Seabees (construction battalion) na gumagawa ng kalsada sa Maligue, Isabela. Ang US Navy Seabees ay kabilang sa 500 Amerikanong sundalo na nasa Basilan. Gumagawa sila ng mga imprastruktura upang tulungan ang AFP na mapabilis ang paggalaw sa magubat na isla at magpakitang-tao sa mga residente ng Basilan.
|