![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Labingwalong malalakas na armas ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nang tambangan nito ang isang platun ng Charlie Company ng 56th IB noong Nobyembre 30 sa Pasong Bangkal, San Ildefonso, Bulacan. Ayon sa ulat ng BHB-Eastern Bulacan Command, nasamsam ng mga Pulang mandirigma ang isang M60, isang M203, tatlong M14 at 13 M16 matapos nilang gapiin ang mga sundalong nagsasagawa ng operasyon laban sa BHB. Nasamsam din ang GPS receiver, Motorola radio, mga pak at baril na dala-dala ng yunit at ilang mahahalagang dokumento.
Aabot sa 14 na sundalo ang namatay sa pananambang, kabilang si 1Lt. Ben Puyao na namuno sa inambus na yunit. Samantala, anim na sugatang sundalo ang sumurender sa BHB. Maayos silang tinrato ng mga Pulang mandirigma. Samantala, nag-alay ng buhay si Kasamang Anacleto Butuan Jr., isang Pulang mandirigmang mula sa Calumpit, Bulacan. Dalawa ring gerilya ng BHB ang nagtamo ng di malubhang sugat. Operasyong militar, hindi pagsaklolo ang pakay ng 56th IBKasabay nito, mariing pinabulaanan ng BHB-Eastern Bulacan ang paratang ng AFP at ng rehimeng Arroyo na ang yunit ng 56th IB ay nagsasagawa ng "rescue operation" nang tambangan ito ng BHB. Sa hangaring makuha ang simpatya ng mamamayan, pinalalabas ng mga tagapagsalita ng AFP at Malakanyang na ang mga tinambangang sundalo ay tumutulong sa pagsagip sa mga biktima ng sunud-sunod na bagyo nitong huling bahagi ng Nobyembre. Walang kahihiyang inuulit-ulit ng rehimen at ng AFP ang kasinungalingang ito upang palabasing walang malasakit ang BHB at hindi ito tumatalima sa mga alituntunin ng digma na mahigpit na nagbabawal sa pag-atake sa mga yunit na nagsasagawa ng humanitarian missions. Hindi kailanman bahagi ng relief operations ng AFP ang naturang yunit. Sa panahong tinambangan ito, nagsasagawa ito ng operasyon sa balangkas ng Oplan Thunder, isang kampanyang militar ng 56th IB laban sa BHB sa Bulacan. Pinatunayan ito ng mga dokumento na naglalaman ng mga detalye ng operasyon, mga mapa, kodang ginagamit ng mga yunit na sangkot sa operasyon at iba pang materyal na nasamsam ng BHB mula kay Lieutenant Puyao. Saklaw ng naturang kampanya ang mga bayan ng Pandi, Angat, Norzagaray at Dona Remedios Trinidad. Isang linggo bago ang pananambang, umatras patungong San Ildefonso ang mga kasama upang iwasan ang unang bwelo ng Oplan Thunder. Lingid sa kanilang kaalaman, nakapwesto na roon ang isang seksyon ng Charlie Company ng 56th IB at naghahandang mag-operasyon patungo sa Dona Remedios Trinidad. Koordinado itong kumikilos kasabay ng Alpha (na nasa Talagyo, San Ildefonso) at Bravo Company (sa Akle, San Ildefonso) at isa pang seksyon ng Charlie Coy ng 56th IBPA na nasa Maronquillo, San Rafael, Bulacan. Target nilang makarating sa loob ng tatlong araw sa pinaghihinalaan nilang pinagkakampuhan ng BHB sa Kamatsing, Dona Remedios Trinidad. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|