Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

3. Pagpapatuloy ng armadong rebolusyon para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya

 Read this article in English

Naging posible na maibagsak ng ligal na kilusang masa at ng malawak na nagkakaisang prente ang isang presidenteng tulad ni Marcos o Estrada, kasama ang buong naghaharing pangkatin dahil sa tiranya o korapsyon, o pareho. Ngunit imposibleng maibagsak ang buong naghaharing sistema ng malalaking kumprador at panginoong maylupa nang walang armadong rebolusyon.

Ang BHB ay maaaring magipon ng lakas at hakbang-hakbang na umunlad sa mahabang panahon upang palibutan ang mga lunsod hanggang hinog na ang mga kundisyon para sa pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika sa mga lunsod.

May sariling pwersang pandahas ang lokal na naghaharing sistema upang supilin ang mamamayan at mga pwersang rebolusyonaryo. Ngunit bukod sa sarili nitong mga aparato ng pamumwersa para sa pagsasakatuparan ng armadong kontra-rebolusyon, sinusuhayan ito ng US bilang imperyalistang amo, na nagsusuplay dito ng mga sandatang mapangwasak at nagsasagawa ng mga armadong panghihimasok at agresyon.

Kinakailangan, sa gayon, ang pagbubuo ng Bagong Hukbong Bayan at paglulunsad ng digmang bayan upang mawasak ang naghaharing sistema at makamtan ang pambansa at panlipunang pagpapalaya ng bayan. Batay sa kongkretong mga kundisyon sa Pilipinas, kung saan ang magsasaka ang siya pa ring mayoryang uri, maaaring isulong ng BHB ang estratehikong linya ng matagalang digmang bayan. Maaari itong mag-ipon ng lakas at hakbang-hakbang na umunlad sa mahabang panahon upang palibutan ang mga lunsod hanggang hinog na ang mga kundisyon para sa pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika sa mga lunsod.

Maisusulong natin ang simulain ng mamamayan para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya sa pamamagitan lamang ng pagsusulong ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pakikibaka. Kaalinsabay, kailangang isagawa ang ligal na pakikibaka bilang sekundaryong anyo ng pakikibaka upang kumplementuhan ang armadong pakikibaka. Ang mataas na bisa ng anyong ito ng pakikibaka ay ipinakita sa pagbabagsak kina Marcos at Estrada.

Ang pinakamahalaga sa lahat ng ligal na anyo ng pakikibaka ay ang kilusang masa. Araw-araw nitong hinaharap ang mahahalagang isyu at naghahapag ng mga dapat hingin. Sa ilang pagkakataon, maaari nitong pakilusin ang mamamayan hanggang sa isang antas upang pabagsakin ang isang naghaharing pangkatin. Sa hinaharap, maaari itong direktang makipagkumbina sa BHB sa isang estratehikong opensiba upang ibagsak ang sinumang presidente at ang buong naghaharing sistema.

Kung mananatiling di naparurusahan si Estrada, pagbabayaran ito ng rehimen ng mabigat na presyong pampulitika at haharapin nito ang seryosong mga bunga nito sa anyo ng malawakang galit ng mamamayan at pagkakawatakwatak ng naghaharing koalisyon.

Abala ngayon ang mga reaksyunaryo sa isang paligsahang elektoral. Nahahati sila sa naghaharing koalisyong nagngangalang People Power Coalition at sa koalisyong oposisyong pinangalanan ang sarili na Puwersa ng Masa. Tila nagkakaisa silang ang pagpabagsak kay Estrada ay mapaplantsa ng eleksyon. Ngunit, sa katunayan, lalong iigting ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga reaksyunaryo dahil sa kasalukuyang kundisyon ng papalalang krisis at sumusulong na rebolusyonaryong kilusang masa.

Iginigiit ng malawak na masa ng mamamayan ang pagpaparusa kay Estrada dahil sa kanyang mga krimen ng pandarambong at korapsyon. Ngunit may ilang paksyon sa bagong rehimen na gusto siyang palusutin sa pamamagitan ng padaskol na pag-uusig o ng pagpapahintulot na makalisan siya ng bansa. Kung mananatiling di siya naparurusahan, pagbabayaran ito ng rehimen ng mabigat na presyong pampulitika at haharapin nito ang seryosong mga bunga nito sa anyo ng malawakang galit ng mamamayan at pagkakawatak-watak ng naghaharing koalisyon.

Sumibol ang isang progresibong partido tulad ng Bayan Muna upang lumahok sa elektoral na anyo ng pakikibaka sa pamamagitan ng pagtakbo sa halalang party-list para sa tatlo lamang na pwesto sa kongreso at pagsuporta sa mga progresibong kandidato sa iba pang pusisyon. Batay sa mataas na prestihiyong nakamit ng Bayan Muna sa kilusang masang nagpabagsak kay Estrada, maaasahang madaling mananalo ang mga kandidato nito. Ngunit napakarami ang paraan ng mga reaksyunaryo upang pawalang-saysay ang mga boto para rito. Kaakibat nito, hindi sila dapat maliitin.

Sinasabi kapwa ng mga kaibigan at kaaway na malalantad ang rebolusyonaryong baseng masa hanggang sa antas presinto sa pamamagitan ng mga boto para sa Bayan Muna. Bagamat isa itong progresibong partidong elektoral, ang Bayan Muna ay hindi siyang rebolusyonaryong partido ng proletaryado. May sarili itong paraan sa pagkuha ng boto at pakikipag-alyansa. Sa gayon, ang saklaw ng elektoral na baseng masa nito ay malayong lumalampas sa rebolusyonaryong baseng masa.

Sabihin mang may mahahalal na mga progresibong kandidato sa iba�t ibang pusisyon sa reaksyunaryong gubyerno sa malapit at malayong hinaharap, hindi sila pahihintulutan ng mga reaksyunaryo na palitan ng isang makatarungan at progresibo ang naririyang di makatarungang naghaharing sistema. Pinakamalaking magagawa ng mga progresibong upisyal ang paglalantad sa kabulukan ng naghaharing sistema at pagtataguyod sa mga hinihingi ng mamamayan.

Nakipagkasundo ang National Democratic Front of the Philippines sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas na muling ituloy ang mga usapang pangkapayapaan. Nagsisilbi ito bilang isa pang ligal na anyo ng pakikibaka kahimat direktang nakaugnay ito sa armadong pakikibaka. Batay sa pantay na katayuang pampulitika at ligal, hinaharap ng dalawang panel sa pakikipagnegosasyon ang isa�t isa sa lamesa ng negosasyon at sinisikap na pagtuunan ang mga ugat ng armadong tunggalian at makarating sa mga kasunduan.

Maaaring seryosong makipag-usap ang panel sa pakikipagnegosasyon ng NDFP upang sikaping magkamit ng mga pakinabang para sa mamamayan habang ito�y matatag sa paghawak sa mga rebolusyonaryong prinsipyo at pleksible sa patakaran, at lumalakas at sumusulong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Anu�t anuman, dapat na walang anumang klase ng ilusyon na ang usapang pangkapayapaan ay ang tangi o pangunahing paraan sa pagkakamit ng makatarungan at matagalang kapayapaan.

Hinahangad ng mga organisasyon para sa karapatang-tao, mga simbahan, at ng mamamayan sa kalahatan ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. Ngunit hinahadlangan o pinatatagal ng mga militarista sa bagong rehimen ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal at sa katunaya�y pinaiigting nila ang mapanupil na mga kampanyang militar sa buong bansa.

Sinisira nila ang klima para sa negosasyong pangkapayapaan sa pamamagitan ng patuloy na malawakang paglabag sa mga karapatang-tao sa pamamagitan ng pagpapatupad ng patakaran ng pagpatay, tortyur, pagnanakaw, panununog, pwersahang malawakang pagpapalikas, at pagdakip sa mga pinagsususpetsahang rebolusyonaryo at di kombatant bilang mga bilanggong pulitikal. Nagpapalaya sila ng ilang bilanggong pulitikal at pagkatapos ay dumarakip ng mas marami pa.

Matapos maituloy sa isang nyutral na lugar, tiyak na daraan sa maraming liko�t ikot ang usapang pangkapayapaan. Ito ay dahil laging sisikapin ng GRP na kamtin sa negosasyon ang di nila makamit sa larangan ng digmaan. Maya�t maya�y paparatangan ng GRP ang NDFP na ginagamit ang usapang pangkapayapaan para matamo ang estadong nakikidigma. Sa katunayan, ginagamit ng GRP ang usapang pangkapayapaan sa imbi at walang-saysay na pagtatangkang itulak ang NDFP sa pusisyon ng kapitulasyon at pagkikriminalisa sa sarili at tamuhin ang pasipikasyon ng rebolusyonaryong mamamayan at pwersa.

Walang saysay na tinatangka ng pinakasagadsaring mga reaksyunaryo na pababain ang ating katayuan sa pamamagitan ng pagtuturing sa atin bilang mga insurekto sa halip na mga pwersang nakikidigma alinsunod sa mga batas ng digma. Iginigiit nilang isa lamang tayong lokal na problemang pampulis at kailangang pumaloob tayo sa negosasyon para sa pagsurender sa isang lugar sa loob ng Pilipinas sa ilalim ng kontrol at paniniktik ng reaksyunaryong gubyerno, sa halip na sa usapang pangkapayapaan sa isang nyutral na lugar.

Kailangang sabihin natin sa sagadsaring mga reaksyunaryong ito na hindi nila maaaring idikta sa atin ang balangkas at mga kundisyon ng usapang pangkapayapaan. Nakapag-ipon ng lakas ang mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan sa pamamagitan ng pagbigwas ng mga pamatay na hambalos hindi lamang sa mga pwersang pulis kundi sa mga regular na pwersang armado ng reaksyunaryong gubyerno.

Kailangang panatilihin natin ang pagmamatyag sa kontra-rebolusyonaryong dalawahang taktika ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Binubuo ito ng pananalita tungkol sa kapayapaan at pagpapaigting ng mga kampanyang militar ng panunupil.

Nakamit natin ang estadong nakikidigma sa ilalim ng internasyunal na batas sa pamamagitan ng paglulunsad ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka, pagtatayo ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika, pag-oorganisa sa mamamayan at pagdedepensa sa ating sariling teritoryo. Sa pamamagitan nito, at pagkakamit ng mas malalaki pang tagumpay sa digmang bayan, matatamo natin ang mas malawak na internasyunal na pagkilala sa ating estadong nakikidigma at, sa kalaunan, ang pagkilala sa demokratikong gubyernong bayan.

Bukod sa usapang pangkapayapaan, may iba pang paraan para makamit ng demokratikong gubyernong bayan ang pagkilalang diplomatiko. Tuluy-tuloy na nagpapatupad ang NDFP ng gawaing proto-diplomatiko at diplomatiko at nagtatatag at nagpapaunlad ng pakikipagrelasyon sa ibang mga gubyerno batay sa mutwal na kapakinabangan at kooperasyon. Maaari itong makipagkasundo sa mga dayuhang gubyerno para sa proteksyon at pakinabang ng kanilang mamamayang nagnanais bumisita o mamalagi sa teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan.

Nabibigyang-patunay ng ating rebolusyonaryong gubyerno ang estadong nakikidigma nito tuwing ang hukbong bayan ay nakadarakip at nakahahawak ng mga bihag ng digma sa iba�t ibang haba ng panahon at naggagawad sa kanila ng makataong pagtrato alinsunod sa Geneva Conventions at Protocol I. Kung kayat, tumatalima tayo sa Declaration of Undertaking to Apply the Geneva Conventions of 1949 at Protocol I of 1977 ng NDFP.

Nakikipaglaban tayo sa larangan ng digma habang nasa lamesa ng pakikipag-usap ang ating mga negosyador. Kundi�y walang makikita ang kaaway na pangangailangan para sa usapang pangkapayapaan kung humina o magwakas na ang armadong pakikibaka. Ang mga tagumpay ng ating digmang bayan at ang desperadong sitwasyon ng kaaway ang nagtulak sa huli na makipagtalakayan tungkol sa mga ugat ng armadong tunggalian at makipagnegosasyon para sa posibleng mga saligang reporma.

Anumang serye ng maliliit na tagumpay sa ating higit na 100 larangang gerilya ay naghahalaga ng isang malaking pambansang tagumpay.

Sa muling pagsisimula ng negosasyon ng NDFP at GRP, muling binubuhay ang nakaraang mga kasunduan. Pinakamahalaga sa lahat ng kasunduang ito ang: The Hague Joint Declaration, ang joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), ang Formation, Sequence and Operationalization of the Reciprocal Working Committees, at ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Ang CARHRIHL ang unang substantibong kasunduan alinsunod sa apat-na-puntong adyenda ng usapang pangkapayapaan. Sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, bubuksan ang negosasyon hinggil sa mga repormang panlipunan at pang-ekonomya. Ihaharap natin ang mga pang-ekonomya, panlipunan at pangkulturang karapatan at mga hinihingi ng mamamayan.

Kailangang unawain ng lahat ng Pulang kumander at mandirigma ang prinsipyadong pusisyon ng NDFP sa usapang pangkapayapaan at kailangang sugpuin ang pagkalat ng anumang maling ilusyong makatitibag sa rebolusyonaryong kamulatan at mapanlabang diwa. Kailangang ipagpatuloy nila ang rebolusyonaryong gawain sa hanay ng masa at ipatupad ang mga tungkuling mapanlaban.

Kailangang panatilihin natin ang pagmamatyag sa kontrarebolusyonaryong dalawahang taktika ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Binubuo ito ng pananalita tungkol sa kapayapaan at pagpapaigting ng mga kampanyang militar ng panunupil. Huwag nating kalimutan na wala pang isang buwang nakaluklok ito sa poder, nanawagan ang bagong papet na presidente sa militar at pulisya na lupigin o tapyasan ang mga rebolusyonaryong pwersa.

Ang mga upisyal militar at pulis na nagtulak at nagsagawa ng mga pambansang kampanya ng panunupil sa ilalim ng mga papet na rehimeng Marcos (Oplan Mamamayan), Aquino (Lambat Bitag), Ramos (Lambat Bitag) at Estrada (Oplan Makabayan) ay nagpapatuloy pa rin sa mabangis na pananalakay sa mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa.

Kailangan natin salungatin ang mga pambansa at lokalisadong kampanyang mapanupil ng kaaway, ang paggamit ng kaaway ng mga pakunwaring "civic action", mga malakihan, midyum at maliitang operasyon at ang bagong mga gadyet tulad ng night vision goggles, minatyur na kagamitang pangkomunikasyon at global positioning system. Hindi dapat simpleng harapin lamang ang mga ito kundi kailangan nating kunin ang inisyatiba sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa mahihinang bahagi ng kaaway.

Sa pamamaraang umaasa-sa-sarili, mapauunlad natin ang ating armadong lakas at maiaangat natin ang antas ng ating mga taktikang militar at teknika sa pamamagitan ng pag-agaw ng mga sandata at iba pang instrumento mula sa kamay ng mga pwersa ng kaaway. Nakakuha na ng mga kagamitang high-tech ang ilan nating mga yunit-kumando at espesyal na yunit upang ang mga operasyon ay magawang mas episyente nang higit sa nakaraan. Kailangang mahigpit na sundin ang mga alituntuning panseguridad hinggil sa paggamit ng mga kompyuter, cellphones at iba pang kagamitang maaaring masubaybayan.

Maglunsad tayo, sa pangunahin, ng iba�t ibang laking saligang taktikal na opensiba para sa pagpapaunlad ng ating armadong lakas. Kailangang ilunsad lamang yaong mga labang tiyak na maipagwawagi sa pamamagitan ng pag-iipon ng superyor na pwersa at paggamit ng elemento ng sorpresa laban sa relatibong mahihinang bahagi ng mga pwersa ng kaaway.

Anumang serye ng maliliit na tagumpay sa ating higit na 100 larangang gerilya ay naghahalaga ng isang malaking pambansang tagumpay. Kaya nating mag-ipon ng hindi bababa sa 1,200 riple bawat buwan o 14,400 bawat taon kung sa karaniwa�y matagumpay na makaagaw ang kumand sa bawat larangang gerilya ng kahit sampung riple mula sa kaaway bawat buwan. Higit pa, kumulatibo ang tantos sa pagpapalaki natin ng arsenal dahil nagsisimula tayo sa nadagdagan nang bilang ng sandata sa anumang takdang panahon.

Maaaring maging pleksible ang BHB sa paggamit ng iba�t ibang laki ng yunit, tulad ng mga tim, iskwad, platun, kalahating kumpanya o kumpanya, sa paglulunsad ng mga taktikal na opensiba, tulad ng mga pananambang, reyd o mga operasyong pang-aaresto. Laging may mahihinang bahagi ang kaaway, na maaari nating matukoy o likhain sa pamamagitan ng pag-akit sa kanila na magkamali.

Bulnerable ang mga nakapirme o makilos na maliliit na yunit ng reaksyunaryong armadong pwersa, pulis, CAFGU, mga palabang pribadong ahensyang panseguridad at mga kriminal na gang. Kahit pa humaharap tayo sa matitigas na target, tulad ng malalaking kampo militar o mga matatag-na-nakatrenserang detatsment, maaari pa ring epektibong mabira ang mga ito sa pamamagitan ng paghihintay ng maliit na bahagi ng pwersa ng kaaway na lumabas ng kampo at paglipol dito nang may distansya mula sa kampo. Nakapaglulunsad rin tayo ng mga pagharas sa kampo, gamit ang mga sandata at taktikang hindi bumabatak sa ating mga rekurso.

Magagamit laban sa mga napakahahalagang instalasyong militar ang isnayping, mga aparatong bumubuga ng gasolina, mga sariling-gawang bazooka, rocket propelled grenades, land mines at iba pang murang-gawang pasabog. Maaaring isagawa ang mga operasyon sa gabi upang puyatin nang puyatin ang kaaway. Maaaring mang-agaw tayo ng mga night vision goggles at iba pang high-tech na gadyet, kabilang ang mga tracker para sa pagtukoy ng mga nito, upang maibaling ang paggamit ng mga gadyet na ito laban sa kanila.

Maaaring mabawasan ang kakayahan ng mga pwersa ng kaaway na magsagawa ng forward deployment laban sa atin o magpadala ng mga tim ng Scout Ranger o kumando laban sa atin sa pamamagitan ng pag-aagaw ng inisyatiba laban sa kanilang mahihinang bahagi at pag-aakit sa kanila na magkamali. May mga limitasyon ang opensibang kapasidad ng kaaway laban sa atin. Dahil ito sa pagkabangkarote ng reaksyunaryong gubyerno, sobrang pagkakabatak at pagiging limitado ng lakas-tauhan relatibo sa ating baseng masa, walang-tigil na pagdadalawang-isip sa pagitan ng pagkokonsentra at pagdidispers, lumalaking paksyunalismo sa hanay ng mga upisyal militar at pulis, at palagiang pangangailangang mapangalagaan ang mga sentrong urban ng kapangyarihan.

Kailangang maipagwagi natin ang higit kaysa kailanmang malalaking tagumpay sa pagpapa lawak at pagkokonsolida ng baseng masa at lahat ng rebolusyonaryong pwersa. Ang mamamayan ang ating di mauubusang balon ng lakas.

Sa mga lunsod, pinagbabangayan ng mga pwersang militar at pulis ng reaksyunaryong gubyerno ang mga kuneksyon sa mga pulitiko at sa mga sindikatong kriminal. Nakadakma na sila sa leeg ng isa�t isa. Lalong makukumplika ang kanilang sitwasyon oras na buhayin nating muli ang mga armadong yunit ng partisanong lunsod. Gayunpaman, kailangang kalkuladong maigi ang dalas ng kinakailangang paglulunsad ng mga aksyong pamarusa upang mahayaang mauna ang mga internal na babagan ng mga paksyong militar at pulis at maiwasang makapinsala ang mga ito sa pagunlad ng ligal na demokratikong kilusang masa.

Kailangang maglunsad tayo ng piling-piling mga espesyal na taktikal na opensiba ng mga armadong partisanong lunsod at mga espesyal na yunit komando upang parusahan ang pinakamasasahol na mandarambong at mapaglabag sa karapatang-tao, at may-utang-na-dugong mga traydor. Kung maaaresto natin ang mga kaaway na ito ng mamamayan, kailangan natin itong isagawa upang sila�y maimbestigahan, mausig at malitis. Ngunit kung ang mga ito�y armado at mapanganib, kailangang handa tayong makipaglaban at gumamit ng kinakailangang pwersa.

Kailangang sunggaban natin ang lahat ng pagkakataon para palakasin ang Bagong Hukbong Bayan at isulong ang digmang bayan. Kailangan natin ng ibayong pagsisikap upang higit na mapalakas ang Partido, hukbong bayan, mga pormasyon ng nagkakaisang prente, mga organo ng kapangyarihang pampulitika at mga organisasyong masa. Kailangang maipagwagi natin ang higit kaysa kailanmang malalaking tagumpay sa pagpapalawak at pagkokonsolida ng baseng masa at lahat ng rebolusyonaryong pwersa. Ang mamamayan ang ating di mauubusang balon ng lakas.

Mapararami natin ang bilang at dalas ng ating mga taktikal na opensibang gerilya at maitataas ang antas ng ating rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa pamamagitan lamang ng tuluy-tuloy na pagpapalawak at pagpapalalim ng ating baseng masa. Kailangan natin ang baseng masa para sa pagtataguyod ng ating mga taktikal na opensiba, pagtatakip ng ating pag-atras matapos ang bawat taktikal na opensiba, pag-aakit ang mga pwersa ng kaaway na pumasok nang malalim sa kanilang paglilibingang kanayunan at pagpapanatili sa kanila na parang bulag at bingi.

Kailangang tuluy-tuloy na buuin ang ating baseng masa upang mapigilan ang pag-iral ng lantay-militar na sitwasyon sa pagitan ng ating maliliit na armadong yunit at ng mas malalaking pwersa ng kaaway. Tulad sa nakaraan, bago pa ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto, malalagay tayo sa mahirap at patalong pusisyon kung pahihintulutan nating manaig ang kaisipang lantay-militar. Kailangan nating panatilihin ang mahusay na balanse ng paglulunsad ng mga gerilyang taktikal na opensiba at pagpapatupad ng rebolusyonaryong gawaing masa.

Kailangang tuluy-tuloy na naitatatag ang mga lokal na organo ng kapangyarihang pampulitika sa papalawak na mga erya sa ating bansa. Gayundin, ang mga organisasyong masa ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, kababaihan, kabataan, aktibistang pangkultura at bata na nagsisilbing base nitong mga organo ng demokratikong kapangyarihang pampulitika. Kailangang buuin ang mga komite para sa pag-oorganisa sa masa, edukasyon, reporma sa lupa, produksyon, depensa, kalusugan, kultura at pagsasaayos ng mga alitan upang direktang matulungan ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika.

Sa gawaing konsolidasyon, absolutong kailangan ang pagbubuo ng mga organisasyong masa at pagbubuo ng working committees upang mabigyangpagkakataon ang masa na lutasin ang kanilang mga suliranin, angkinin ang kapangyarihan at nagkakatulungang iangat ang sarili. Sa gayon, ang BHB ay mayroong lumalawak na balon ng mga Pulang mandirigma, makapangyarihang lambat ng impormasyon, at mga rekurso para sa digmang bayan. Mula sa hanay ng pinakaabanteng mga aktibista, kailangang magrekrut ng mga kasapi ng Partido at maagap na itayo ang mga lokal na sangay ng Partido.

 


Previous articleBack to topNext article

29 Marso 2001
Edisyong Pilipino


Sagpangin ang bawat pagkakataon, isulong ang digmang bayan

1. Ang tagumpay ng mamamayan laban sa rehimeng Estrada

2. Nagpapatuloy na kabulukan ng naghaharing sistema
3. Pagpapatuloy ng armadong rebolusyon para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya
4. Napakahusay na kundisyon para sa pagsusulong ng digmang bayan
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.