Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kontra-rebolusyonaryong digma at pasismo sa kanayunan

 Read this article in English

Villa Bello, Jones, Isabela. Hulyo 1998. Dalawang kabataan at isang grupo ng mga magsasaka ang kinulata sa dibdib, pinalo sa ulo at pinagbuhat ng mga bangkay ng sundalo ng 21st IB na namatay sa pakikipagsagupaan sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Kinaumagahan, sinunog ng naturang tropa sa pamumuno ng isang Tinyente Bernardo ang mga bahay nina Satur Lorenzo, Pedring Lorenzo at Eddie Maltezo, pawang mga maralitang magsasaka sa Villa Bello. Ginawang baraks ng mga sundalo ang eskwelahan, barangay hall at ilang bahay doon. Nagpataw ang mga pasista ng curfew, pinalinisan sa mga residente ang mga kalsada, nagbantang mumultahan ng P60 ang mga di maglilinis, at sapilitang pinagtrabaho ang mga taumbaryo sa konstruksyon ng dagdag pang mga baraks.

Sa kabila ng lahat nang ito, o dahil nga rito, ang 21st IB na sangkot din sa ibang krimen tulad ng panghoholdap, pagnanakaw

at pagpapasimuno sa mga bisyo ay itinuring na �Best Battalion� ng AFP noong Disyembre 1998.

Isang halimbawa lamang ito ng napakalaganap at pinaiigting na pasistang karahasan at kontrarebolusyonaryong digma ng rehimeng US-Estrada sa buong bansa. Ang kontra-rebolusyonaryong digma na bumibiktima sa mamamayan sa kanayunan ay pinaiigting ng reaksyunaryong estado upang bigyang-daan ang mga patakarang pumapabor sa interes ng dayuhan at lokal na naghaharing-uri at ibayong nagpapahirap sa mayorya ng mamamayan.

Ang todo-todong militarisasyon at pasistang pandarahas ay tanda ng desperasyon ng rehimen na supilin ang lumalawak at tumitinding paglaban ng mamamayan lumalalang krisis pang-ekonomya at panlipunan.

Kontra-rebolusyonaryong pandarahas sa mamamayan

Sa pagkukumahog na suhetuhin ang rebolusyonaryong kilusan, sistematiko, brutal at walang patumanggang dinadahas ng pasistang estado ang mga di-armadong mamamayan. Patung-patong ang mga kaspambubugbog, iligal na pag-aresto, panghahalughog, panununog at iba pa.

Nitong unang linggo ng Pebrero, anim na tao ang minasaker ng isang commando team ng 19th IB PA sa pamumuno ni Cpl. Priscillo Recile at 1st Lt. Marlon Belarmino ng 801st Bde sa Kapakuan, Palapag, Northern Samar. Napaslang si Ermito Nuguit, ang kanyang asawa, ang tatlo nilang anak kasama ang 10-buwang sanggol, at ang bisita nilang si Raul Trapallo. Pinagtakpan ng militar ang responsibilidad nila sa masaker, na ayon sa kanila ay isang �engkwentro� sa pagitan nila at ng BHB. Nang batikusin sila ng mga grupong nagtataguyod sa karapatang-tao, pinalabas na lamang na pugante si Nuguit.

Sa Landing, Tagkawayan, Quezon, kahit may mga sibilyan ay walang-habas na pinaputukan noong Nobyembre 13, 1998 ng mga tropa ng 16th IB ng 2nd ID ang isang bahay na pinagpapahingahan ng mga Pulang mandirigma. Napaslang kasama ng apat na Pulang mandirigma ang mag-asawang may-ari ng bahay na sina Vicente at Elsa Capistrano, ang ama nilang si Loreto at si Gemmalyn Velasco, na apat na buwan nang nagdadalantao. Sama-samang itinapon ng militar sa iisang hukay ang mga bangkay at tinakot ang mga kamag-anak ng mga napaslang na huwag galawin iyon.

Pinakahuli lamang ito sa serye ng pamamaslang ng mga tropa ng AFP sa mga pinaghihinalaang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan. Mula Agosto hanggang Setyembre 1998, pitong sibilyan ang naiulat na pinaslang ng mga sundalong naglulunsad ng operasyong �kontrainsurhensya� sa iba�t ibang insidente sa mga lalawigan ng Quezon, Palawan, Agusan del Sur at Misamis Oriental.

Bago ideklarang �no man�s land� ang Lagonglong, Misamis Oriental noong Setyembre 1998, pinatay ng 31st Special Forces Coy, 4th ID PA si Richard Balangiao, isang magsasaka. Dalawang kasama pa niya ang inaresto, ikinulong at tinortyur. Anim na pamilya doon ang hinaras. Hinalughog din ng mga sundalo ang kanilang mga tahanan.

Patuloy din ang iba�t ibang paraan ng pang-aabuso sa mga sibilyan. Noong Disyembre 3, 1998, pwersahang pinasok at hinalughog ng mga tropa ng 12th IB sa pamumuno ni Tinyente Calibo ang isang tahanan sa Sitio Viejo, Sebaste, Antique. Dito�y nakatagpo raw ang mga tropa ng

ANG SUMASAHOL NA PASISMO AY LALO LAMANG MAGPAPABILIS SA PAGKAKAHIWALAY NG REAKSYUNARYONG REHIMENG US-ESTRADA AT LALONG MAGTUTULAK SA MAS MALAWAK PANG HANAY NG MAMAMAYAN NA TUMINDIG AT LUMABAN, LALONG MAGPURSIGE SA PAGPAPALAWAK NG MGA REBOLUSYONARYO AT PROGRESIBONG ORGANISASYON, AT LALONG MAGPAKAHUSAY SA PAGSUSULONG NG IBA�T IBANG ANYO NG ARMADO AT DI-ARMADONG PAGLABAN.
lasing na sundalo sa bahay at nag-utos ang mga itong magtipon para sa interogasyon ang kababaihang nasa �listahan�. Nagsitago at nagsialis ang naturang kababaihan sa takot na dahasin ng mga pasista.

Laganap ang pananakot, panghahalughog at panununog ng tahanan, marahas na pagpapalayas, pagnakaw ng mga ari-arian at pagwasak ng kabuhayan ng mga magsasaka. Noong Agosto 1998, pinalayas ng 37th IBPA ang 29 pamilya sa Batasan, Makilala, Hilagang Cotabato. Noong Setyembre 1998, pinagbabaril ng 31st IBPA ang bahay ni Rogelio Ortega sa Lopez, Quezon, at ninakawan pa siya ng kalahating sako ng bigas, sapatos, pitaka at sedula. Isang 40 taong-gulang na lumpong magsasaka naman ang inaresto nang hatinggabi ng mga sundalo at ininteroga hanggang alas-5 kinaumagahan sa Compostela Valley noong Oktubre 1998.

Sa Pulot, San Antonio, Kalayaan, Laguna noong Nobyembre 6, 1998, sinalakay ng tropa ng 9th Scout Ranger Company ang tahanan nina Priscilla at Jose Federico. Iligal silang inaresto at sinampahan ng kasong kriminal, kasama ang tatlo pang sibilyan at si Ka Jonas, istap ng Kawanihan sa Impormasyon ng Partido. Giniba pa matapos pagnakawan ng mga sundalo ang bahay at tindahan ng mag-asawang Federico. Ilang araw na itinago at pinagkaitan ng karapatang makipagkita sa kanyang mga kamag-anak at abugado si Ka Jonas.

Dumarami rin ang mga kaso ng pwersahang pagpapasuko sa mga taumbaryong inaakusahang mga kasapi ng BHB o tagasuporta nila. Sapilitan silang ginagawang giya sa mga operasyong militar at pinapasapi sa mga grupong paramilitar tulad ng CAFGU sa mga lalawigan ng Isabela, Rizal, Capiz, Agusan del Sur at iba pa. Pitong magsasaka ang pinalabas na mga surenderi ng 21st IBPA sa Minuri, Jones, Isabela noong Agosto. Dalawang Manobo ang pinagbabaril ng mga tropa ng 401st Brigade sa Prosperidad, Agusan del Sur noong Setyembre, matapos tumangging lumahok sa �Bagani Warriors�, isang grupong paramilitar.

Noong Nobyembre 12, 1998, inaresto at dalawang araw na ikinulong ng 6th at 9th Army Scout Rangers si Cresencio Cruz ng Bgy. Puray, Rodriguez, Rizal. Habang pinipilit ng mga sundalong sila�y samahan sa operasyon, kinulata siya nang ilang ulit hanggang sa nagdumi at tuluyang malumpo. May tatlo pa siyang kasamahang pinagmalupitan din ng naturang tropa.

Sa ngalan ng mga patakarang makadayuhan at anti-mamamayan

Kung saan mayroong mga dambuhalang negosyo ang mga dayuhang kapitalista at lokal na burgesya kumprador at asendero, mayroon ding mga malawakang operasyon at abusong militar. Bahagi ito ng garapalang paggiit ng rehimeng Estrada sa mga patakarang tulad ng Mining Act at Land Lease Act na pampabuya sa pang-ekonomyang interes ng imperyalismo at mga lokal na reaksyunaryo, sa kabila ng � at sa tangkang pigilan ang � lumalawak na pagtutol dito ng mamamayan.

Sa Pampanga, Bulacan, Batangas, Cebu, Bohol at Compostela Valley, inaatake ng pulisya at mga pwersang militar ang buu-buong mga komunidad ng mga magsasaka upang bigyanglaya ang mga asendero at debeloper na mangamkam ng lupa. Upang sugpuin ang pagtutol sa pangangamkam ng lupa ng Dalahican Agro-marine Corporation at ng First Noveleta Realty and Development Corporation, ipinapatay si Roberto Kinney, isang lider magsasaka sa Noveleta, Cavite noong Disyembre 1998. Apat na lider-magsasakang tulad ni Kinney ang ipinapatay din sa Leyte, Bohol at Cebu, sa iba�t ibang insidente.

Sa Kayrilaw, Nasugbu, Batangas noong Disyembre 8, 1998, dinakip, iginapos at brutal na binugbog sina Danilo Caisip at Jayson Nieva nina Barangay Captain Jorge Gerpacio, Gregorio Dimapilis, Eric Gerpacio, Serafin Alegre, Domingo de Padua, Rudy Vidal at iba pang di nakikilalang salarin. Sina Caisip at Nieva ay kabilang sa mga magsasakang mahigpit na tumututol sa nagaganap na malawakang land use conversion ng mga sakahan sa Nasugbu upang tayuan ng mga pasilidad panturista. Matapos nito, ipinasa

sila sa 401st PNP Mobile Force ng Palico, Nasugbu na pinamumunuan ni Maj. Israel Ephraim. Hanggang ngayo�y hindi pa inililitaw sina Caisip at Nieva.

Nito ring Nobyembre 1998, dumanas ng mas matinding pambubuska at pananakit mula sa mga tropa ng 6th IB sa pamumuno nina 1Lt. Harold Argamoza at 2Lt. Federico Amboy ang mga residente ng Bgy. San Antonio sa Cuartero at Bgy. Ginbialan sa Maayon, Capiz. Isang residente ang sinabunutan habang iniinteroga at binantaang babarilin ang walong-taong gulang niyang anak. Mula pa noong Hulyo 1998, hindi na tinantanan ng mga sundalo ang pananakot sa mga residenteng tumututol sa eksplorasyon ng Mt. Isa Minera, isang Australyanong kumpanya sa pagmimina na nakabase sa Lemery, Iloilo.

Sa Bohol, inilunsad ang mga umano�y operasyong �counterinsurgency� upang supilin ang pagtutol ng mga organisasyong magsasaka sa Cebu-Inabanga Water Deal. Naghahari ang kapang-yarihang militar sa Tuburan, Cebu � tinagurian ding �counter-insurgency� ang operasyong sumupil sa paglaban ng mga magsasaka sa pangangamkam ng lupa sa ilalim ng makadayuhang programa ng Socialized Integrated Forestry Management Areas.

Patuloy na paglabag sa mga batas ng digma

Maging ang arbitraryong pagtangging ipatupad ang Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-Tao at sa Internasyunal na Makataong Batas o CARHRIHL at ang arogante at makaisang-panig na pagsuspindi ng rehimeng Estrada sa negosasyong pangkapayapaan ay patunay na sasagasaan nang walang pagdadalawang-isip ng rehimen ang anumang bagay na hahadlang sa tapat nitong paglilingkod sa mga amo, kumpadre, kamag-anak at kaibigan nitong naghaharinguri.

Katunayan, nagkandarapa ang reaksyunaryong estado na maibalik sa AFP mula sa PNP ang pangunahing responsibilidad sa �kontra-insurhensya� upang sugpuin ang paglakas ng armadong pakikibaka at mga protesta at pakikibakang masa. Ngayon, nakatutok sa militante at rebolusyonaryong mamamayan ang lalong pinapatinding pasismo at mga opensibang militar.

Sa larangan ng digma, lalong malupit at di-makatao ang pagtrato ng pasistang AFP sa mga nabibihag nila sa digma. Dumarami ang kaso ng mga hors de combat na tinortyur, sinalbeyds, o naging desaparecido sa kamay ng mga tropa ng AFP at PNP.

Sa Dituray, Tigbao, Zamboanga del Sur nitong Enero 17, pinaslang nang walang kalaban-laban ng pinagsanib na pwersa ng CAFGU at 51st IBPA si Myra Algarme (Ka Noah), isang istap ng NDFP, habang naliligo sa ilog. Sugatan na nang madakip ng mga sundalo si Alejandro Alcareza (Ka Oca), isang Pulang mandirigma. Sa halip na lapatan ng paunang lunas, ininteroga siya at pinabayaang magdugo hanggang mamatay. Kinarga na parang mga baboy ang mga bangkay nina Ka Noah at Ka Oca at dinala sa bayan ng Tigbao. Napalibing ang kanilang mga labi dahil lamang sa pakiusap ng mga sibilyang awtoridad.

Noong Disyembre 7, 1998, si Domingo Baluncio (Ka Mel), isang Pulang mandirigma, ay pinagkaitan din ng atensyong medikal ng mga elemento ng 1st IBPA. Si Baluncio ay nasugatan sa binti sa isang labanan sa Bato, Camarines Sur. Sa kabila ng malinaw niyang katayuang hors de combat at pakiusap at alok ng mga residente na dalhin siya sa ospital, si Baluncio ay dinakip, isinakay sa trak at pinahirapan ng mga sundalo. Natagpuan na lamang siyang patay at maraming pasa sa katawan�isang kilometro mula sa lugar kung saan siya dinakip.

Hindi lamang mga sugatang Pulang mandirigma kundi maging ang mga pangkaraniwang mamamayan ay pinagkakaitan ng AFP ng serbisyo medikal. Noong Setyembre 1998, tinakot ng PNP Regional Mobile Group ng Bohol ang isang pangkat medikal at pinigilan silang magserbisyo sa Bgy. Ilaya, Inabanga dahil mga suporter lamang umano ng BHB ang gagamutin ng grupo. Gayundin, noong Oktubre 1998, binantaan ng mga elemento ng 29th IB at 36th IB ang mga residente ng Rosario, Agusan del Sur na sinumang lalahok sa Basic Christian Communities at magboboluntaryo bilang manggagawa sa kalusugan ay ituturing na tagasuporta ng BHB.

Palagi nang kakambal ng marahas na panunupil ng pasistang estado sa mamamayan ang psywar na aktibong nilalahukan ng mga oportunista at rebisyunistang taksil. Gayunpaman, ang psywar ay isang kupas nang maskara na tuluyang pinupunit ng walang-habas na kontra-rebolusyonaryong pandarahas ng reaksyunaryong rehimen.

Paulit-ulit, walang patumangga at papatindi ang mga paglabag ng reaksyunaryong estado sa karapatang-tao at mga internasyunal na makataong batas. Sa ibayong pagtindi ng krisis pang-ekonomya at pampulitika ng reaksyunaryong sistema, tiyak na lalong paiigtingin ng rehimeng Estrada ang paggamit ng kontra-rebolusyonaryong dahas laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan.

Ang sumasahol na pasismo ay lalo lamang magpapabilis sa pagkakahiwalay ng reaksyunaryong rehimeng US-Estrada at lalong magtutulak sa mas malawak pang hanay ng mamamayan na tumindig at lumaban, lalong magpursigi sa pagpapalawak ng mga rebolusyonaryo at progresibong organisasyon, at lalong magpakahusay sa pagsusulong ng iba�t ibang anyo ng armado at di-armadong paglaban.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Enero 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Patawan ng rebolusyonaryong kaparusahan si Imelda at mga kasapakat ng diktadurang Marcos

Kontra-rebolusyonaryong digma at pasismo sa kanayunan
Ang mga pasistang krimen ni Hen. Panfilo Lacson sa Cebu
Laban sa Warrentless Arrest ni Lacson
Heneral ng AFP, 2 pang upisyal
Inaresto ng BHB

Sino ang itinuturing na kombatant?
Rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao:
Sa landas ng matatag na pagsulong

Alyansa ng NDF at MILF
Pagkakaisa at pagtutulungan laban sa reaksyunaryong kaaway

Sa ngalan ng batas
Pangangamkam ng lupa sa Cagayan Valley

Mabuhay ang proletaryong internasyunalismo!
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.