Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Tumitinding pasismo ng rehimeng US-Estrada

 Read this article in English

Sa pangkalahatan, gamit ng rehimeng USEstrada ang mga lipas nang estilo at taktika ng diktador na si Marcos sa paglulunsad ng digma laban sa mamamayan � ang walang habas na paggamit ng pasistang dahas at sindak upang lipulin ang anumang paglaban. Subalit sadyang mas desperado si Estrada dulot ng krisis panlipunan na di hamak na mas matalim kumpara sa panahon ng batas militar. Nagreresulta ito sa pagkitid ng rekurso para sa kanilang pasistang digma, mas malubhang paksyunalismo sa hanay ng mga reaksyunaryo at, higit sa lahat, sa mas malawak na pagkakaisa at mas matatag na paninindigan ng mamamayang lumalaban sa pang-aapi at pandarahas.

Laluna sa kanayunan, at kahit sa kalunsuran, patuloy ang pandarahas, pangwawasak at pandarambong ng mga reaksyunaryong militar at pulisya sa buhay at ari-arian ng masang anakpawis. Sa balangkas ng planong tinaguriang �Oplan Makabayan� (OpMak), isinasakatuparan ng reaksyunaryong estado ang panibagong pagnanais na gapiin ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan sa pamamagitan ng paglulunsad ng todo-gerang laban. Walang dudang dahil sa OpMak ay mananatiling pusakal na tagapaglabag ng mga karapatang-tao ang reaksyunaryong pulisya at militar.

Noong Mayo, minadali at arbitraryong winakasan ni Estrada ang usapang pangkapayapaan upang isaisantabi ang lahat ng hadlang sa paglulunsad nito ng todo-gera. Sa desperasyong supilin ang lumalawak na paglaban ng masang anakpawis, walang patumanggang niyuyurakan ng pasistang rehimen ang mga karapatang-tao ng mamamayan.

Ayon sa mga organisasyong nagtataguyod sa mga karapatang-tao, sapul nang maluklok sa poder hanggang nitong Disyembre, may 562 nang nakatalang kaso sa paglabag ng mga karapatang-tao ang rehimeng USEstrada. Sa Timog Katagalugan, 176 kaso na kaagad ang iniulat. Sa Kabikulan naman, 77 kaso ng iligal na pagpiit at arbitraryong pagdakip at siyam na kaso ng pagsalbeyds ang naitala sa unang 16 buwan ni Estrada. Hindi pa kabilang sa naturang talaan ang mga kaso ng paglabag sa Gitnang Luzon at Kanlurang Mindanao.

Hinihigitan nito ang unang-taong madugong rekord ng sinundang si Hen. Fidel V. Ramos. Mabilis pang dumarami ang bilang ng mga nakatalang kaso ng kalapastanganan ng kasalukuyang pasistang rehimen. Ang sumusunod ay mga paglabag na saklaw nitong huling kwarto lamang ng 1999:

Paghaharing militar sa kanayunan. Sa pagsusulong ng kontra-rebolusyon, walang habas ang militar sa sapilitang pagpapalikas, pagsalbeyds, pamamaril, pagdakip, pananakot at pagbabanta sa mga magsasaka, kababaihan, kabataan at mga katutubo. Patuloy din ang panghahalughog at panununog ng mga pwersang militar, pulisya at paramilitar sa ari-arian ng mga magbubukid. Batay sa kairalan, tunay ngang higit pang nakapangingibabaw ang awtoridad ng militar sa anumang sibilyang sangay ng reaksyunaryong gubyerno.

Nitong unang dalawang linggo ng Disyembre, 80 pamilyang Aeta ang nawalan ng tahanan, 10 katao ang nasaktan at dalawa ang nawawala bunga ng pagpapaigting ng OpMak sa mga hangganan ng Pampanga, Bataan at Zambales.

Patraydor na pinagbabaril ng 69th IB ang mga residente ng Sityo Pusud Gabun, Barangay Nagbuklod, Floridablanca, Pampanga matapos mabigo ang mga sundalo sa isang engkwentro sa pagitan nila at ng BHB. Tinamaan sa binti si Indong Bulong, isang matandang Aeta. Makalipas ang ilang araw, tinambakan ng 50 pulis at 30 sundalo na binubuo ng 24th at 69th IB, Scout Rangers, Philippine Air Force, Special Action Force at Regional Mobile Group ang paligid ng Pusud Gabun. Binulabog ng mga ito ang paaralan nang gawing base ang eskwelahan ng Nabuklod. Dalawang tanod pa ng barangay ang nawala sapul nang piliting gawing giya ng mga naturang tropa.

Walang tigil din ang militarisasyon sa Tarlac, Bohol, Nueva Vizcaya at Mindanao. Sa Tarlac, patung-patong ang mga kaso ng panununog, pagnanakaw, pambubugbog, paglalasing, di pagbayad sa utang at pambabastos, pamamaril, pananakit at pananakot ng mga tropa ng 69th IB sa mamamayan. Tinatakot nila ang mga tao at binibigyangkatwiran ang pananatili sa lugar para sa �kapayapaa�t kaayusan� laban sa inimbentong kwento ng naglipanang mga pugante. Pinagbabawalan nilang magkaingin sa bundok ang taumbaryo upang hindi umano makapaghatid ng suporta at pagkain sa BHB. Inaakusahan ng 69th IB na mga kasapi ng BHB ang mamamayan, tinututukan at pinagbabantaan ng masaker, laluna yaong mga nangangatwiran.

Walang tigil naman ang mga pwersa ng �B� coy ng 54th IB sa pananakot at panghaharas sa mamamayan ng Quezon, Nueva Vizcaya. Sa kabila ng petisyon ng mga taga-Sityo Totong, Barangay Bonifacio, Quezon, idineklara ni Kapt. Donald Hongitan, kumander ng naturang tropang militar, na magpapatuloy ang mga operasyon.

Sa iba�t ibang bayan ng Bohol, nagpataw ng curfew upang walang hadlang na makapagpatrulya ang mga tropang militar. Sa takbo ng pagpapatrulya na nakatuon sa paghahanap ng mga yunit ng BHB, tuluy-tuloy ding nadadagdagan ang mamamayang binibiktima ng iligal na pag-aresto, pamamaril at pananakot ng mga pwersa ng PNP at AFP.

Sa Mindanao, tuluy-tuloy ang mababangis na operasyong militar. Nitong Nobyembre 10, sa Carmen, North Cotobato, 5,000 mamamayan ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa marahas na pagsalakay ng mga tropa ng AFP doon. Bukod rito, kamatayan at kapinsalaan ang bunga ng walang-rendang pambobomba, pamamaril at iba pang mararahas na hakbang ng AFP laban sa mamamayang Moro.

Pagtataguyod sa naghaharing uri, sa kapinsalaan ng mamamayan. Sa ibayong pagtataguyod sa interes ng mga panginoong maylupa, lokal na kumprador at mga dayuhang mamumuhunan, patuloy na iminamando ng rehimeng US-Estrada ang walangrendang pagsalakay ng reaksyunaryong hukbo sa hanay ng taumbayang naggigiit ng kanilang mga karapatan.

Nitong Disyembre 15, dalawang Manobo ang pinaslang at dalawa pa ang sinugatan ng mga armadong bantay ng Silangan Investors and Management, Inc. sa Quezon, Bukidnon. Sina Eddie Suello, 28 at Romeo Talisan, 50 na kapwa myembro ng Quezon Manobo Tribal Association (Quemtras) ay namatay nang dahasin ng mga armadong bantay ang mga katutubong naggiit ng kanilang karapatan sa mahigit 2,000 ektarya ng lupang ninuno. Nasugatan din ang dalawa pang myembro ng Quemtras.

Nitong Disyembre 14, sa Malaybalay, Bukidnon, 13 nagpuprotesta ang nasaktan nang tinangkang buwagin ng mga pwersa ng PNP Regional Mobile Group ng naturang bayan ang barikada laban sa pagtotroso. Lulan ang apat na trak, pinagbabaril at pinagbabatuta ng mga pulis ang mga nagbabarikada upang padaanin ang 22 trak pantroso ng Timber Industries of the Philippines, Inc.

Nitong Disyembre 1, sa Digos, Davao del Sur, pinaulanan ng bala ng mga pulisya ang tahanan ng pamilyang Gonzales upang palayasin ang mga ito sa pinagyayaman nilang bukid. Kinabukasan, upang sapilitan nang palayasin ang naturang pamilya ay hinaras ng mga pulis ang isang babaeng myembro ng pamilya, kinatay at sinugatan ang pitong baka at siyam na iba pang hayup ng mga ito.

Hindi pa rin nilulubayan ng mga armadong bantay ang mga magsasaka sa mga malalaking lupain ng mga asendero sa Bulacan, Pampanga, Batangas, Zamboanga del Norte, Negros Occidental, at sa dumarami pang mga prubinsya sa buong bansa kung saan nakaamba ang pagpapalit-gamit ng mga lupaing agrikultural para sa mga dambuhalang negosyo.

Ibayong pagtugis sa rebolusyonaryong pwersa; lansakang pagbasura sa pandaigdigang makataong batas. Mayroon man o walang usapang pangkapayapaan, hindi kailanman itinago ng pasistang rehimen na gagawin nito ang lahat, masugpo lamang ang rebolusyonaryong kilusan.

Laganap ang pagdukot sa mga kadre at aktibista.Isa sa pinakahuling kaso ang matagal na pagtago ng mga pwersa ng Military Intelligence Group (MIG) kay Ruben Saluta ng BHB-Panay. Dinukot siya at ang kanyang kasama noong Nobyembre 23, subalit halos isang buwang hinanap ng mga kamag-anak. Nitong Disyembre 22, isang umano�y grupong vigilante ang umakong dumukot sa kanya. Kinabukasan, ipinamalita ng PNPPanay na nasa mga kamay na nila si Saluta. Malinaw na pakana lamang ng MIG ang umano�y pag-ako ng �grupong vigilante� upang maghugas-kamay sa iligal na pagbimbin kay Saluta.

Nawawala pa rin si Bernard Alvarez, pinaghihinalaan ng mga militar na upisyal ng BHB sa Bohol. Nadakip siya ng militar nang masugatan sa isang engkwentro sa pagitan ng 8th Reconnaissance Group at BHB sa Barangay Rosariohan, Batuan noong Agosto 15.

Hindi pa rin nabibigyang-katarungan ang buongpataksil na pagmasaker ng mga pwersa ng 60th IB kina Godofredo �Ka Paking� Guimbaolibot, isang magiting na kadre ng Partido, Rolando Jubahib, isang mandirigma, at sa dalawang upisyal ng Bullex Mining na sina Mariano Diamante at Edwin Asion sa Compostela Valley noong Agosto 2. Ang apat ay dinakip sa tsekpoynt ng mga tropang pinamumunuan ni Lt. Rolando Cateel, pinababa sa sasakyan, dinala sa malayo at doon tinortyur at sinalbeyds.

Ang pagdakip at iligal na pagpiit ng mga tropang militar kay Leonardo Pitao o Ka Parago nitong Nobyembre ay isa pang palatandaan ng walang habas na pagwawalanghiya ng rehimeng Estrada sa mga nabibihag o nadadakip na hors d� combat. Pawang kabaligtaran ito ng mahusay na pagturing at pagtrato ng rebolusyonaryong kilusan sa mga bihag ng digma (tingnan ang kaugnay na artikulo).

Paglabag sa mga karapatang-tao sa kalunsuran. Nagpapatuloy ang laganap na paggamit ng pasistang dahas ng estado laban sa mga manggagawa, maralitang lunsod, estudyante, petiburgesya ng kalunsuran at mga pwersa ng ligal na demokratikong kilusan.

Nitong Disyembre 4, sinaktan at sapilitang pinalayas ang 40 katao kabilang ang siyam na empleyado ng Mondragon Leisure and Resorts Corp. sa Clark Special Economic Zone. Isinagawa ito sa utos ng mga pinuno ng pulisya sa Lunsod ng Angeles at Gitnang Luzon.

Nito ring unang linggo ng Disyembre na tinaguriang �Linggo ng mga Maralitang Lunsod�, may 700 pamilya ang nawalan ng tahanan sa Madrigal Estate, San Juan, Metro Manila. Ang Madrigal Estate na dating erya ng relokasyon para sa mga biktima ng demolisyon ng rehimeng Marcos ay balak gawing commercial center ni Jinggoy Estrada, anak ni Joseph Estrada at kasalukuyang alkalde ng San Juan.

Nitong Nobyembre 24, marahas na dinemolis ng mga sundalo at pulis ang may 105 tahanan sa Barangay Sto. Tomas, Lunsod ng Baguio, sa utos ni Alkalde Domogan.

Sa impormal na pagpupulong ng mga pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Philippine International Convention Center nito ring Nobyembre 24, may 10 katao ang nasaktan nang kanyunin ng tubig at bugbugin ng mga pwersa ng Southern Police District (SPD) ang mahigit sa 200 demonstrador.

Nauna rito, upang umano�y �linisin� ang Roxas Boulevard para sa naturang pulong ng ASEAN, marahas na pinalayas ang mga maralitang lunsod sa Dabudabu, Pasay noong Nobyembre 19. Dalawa ang nasawi, apat na bata ang nawalan ng malay at isang tatlong-buwang sanggol ang nasugatan nang gamitan ng demolition team ng tirgas ang mga residente. Bukod sa SPD ng Maynila, sangkot din sa marahas na pagpapalayas sa maralitang lunsod ang Special Weapons and Tactics Team at mga kinatawan ng Presidential Commission for the Urban Poor, National Housing Authority at Urban Poor�s Affairs Office ng Pasay.

Sa pagpapatupad ng ipinagmamalaking programa sa pabahay ni Estrada, tinatayang may isang milyong maralitang lunsod pa ang palalayasin sa kanilang mga tirahan.

Nito ring Nobyembre 19, nasaktan at nasugatan ang 10 estudyanteng sumusuporta sa welga ng mga manggagawa sa Shoemart (SM) North Edsa nang tangkaing buwagin ng may 200 gwardya ang piketlayn. Apat na araw bago nito, limang manggagawa ang nasugatan sa pandarahas ng mga gwardya ng SM sa piketlayn. Ipinaglalaban ng mga manggagawa ng SM ang P115 karagdagang arawang sahod.

Samantala, maging ang petiburgesya at iba pang mga sektor sa kalunsuran ay hindi ligtas sa panliligalig at paninikil ng pasistang rehimeng Estrada. Tiyak na tutugisin, sa hayag man o patagong paraan, ang sinumang magpapahayag ng puna o pagtutol sa reaksyunaryong sistema. Hindi iilang estudyante, empleyado, o masugid na tagapagtaguyod ng mga demokratikong karapatan, banggitin pa ang mga kagawad ng midya, ang inuusig ng pasistang estado.

Pinaiigting din ng reaksyunaryong pasistang rehimen ang pag-usig sa mga pwersa ng ligal na demokratikong kilusan. Isang halimbawa ang iligal na pag-aresto at pagpiit sa mga kilalang lider nito, gaya ng ginawa kay Vicente Ladlad noong Hulyo.

Nitong Nobyembre 22, muling dinukot ng MIG-Iloilo si Roberto Cabales, aktibong organisador ng pambansademokratikong kilusan. Siya at ang kanyang kasama ay pinagbantaang papatayin kung hindi aaming myembro ng BHB. Pinalaya siya kinabukasan matapos ang serye ng interogasyon. Si Cabales ay unang dinukot noong Hunyo at matagal ding binimbin ng MIG kahit walang mga asuntong nakasampa laban sa kanya.

Nananatiling nakapiit ang 139 na detenidong pulitikal, at malinaw na pasiklab lamang ang pagpapalaya ni Estrada sa sasampung mga detenido nitong Disyembre. Patuloy namang nadaragdagan ang bilang ng mga detenidong pulitikal na pilit sinasampahan ng mga kasong kriminal. Patuloy pa ring pinagkakaitan ng indemnipikasyon ang mga biktima ng diktadurang Marcos samantalang lubos nang pinanumbalik ni Estrada ang mga Marcos sa kapangyarihan.

Bunga ang lahat ng ito ng patakarang kamay na bakal ng pasistang rehimeng US-Estrada. Ibinasura nito ang Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas (CARHRIHL) na pinirmahan ng GRP at Pambansang Demokratikong Prente (NDFP) noong 1998 bago pa man nito tuluyang wakasan ang negosasyong pangkapayapaan noong Mayo.

Asahang mahihigitan pa ng rehimeng US-Estrada ang mga sinundan nitong administrasyon sa dami ng mga kaso sa paglabag sa mga karapatang-tao. Mga pusakal na pasista � sina Brig. Hen. Angelo Reyes at Dir. Hen.Panfilo Lacson � ang iniluklok ni Estrada sa mga punong pusisyon ng AFP at PNP. Kailangang magbantay sa, at labanan ang, pagtatangkang isakatuparan ang patakarang warrantless arrest at national identification system at iba pang panunupil sa karapatang-tao na ipinapanukala ni Lacson, gayundin ang ipinagpipilitan pa ring pagbabago ng reaksyunaryong konstitusyon, na pawang naglalayong walang-hadlang na sagasaan ang mga karapatan ng mamamayan.

Samantala, tiyak na ang papadagdag na kaso ng paglabag sa kanilang mga karapatan ay lalo lamang pupukaw sa mamamayang harapin nang buong-tapang ang pasistang dahas at buong pagpupursigeng isulong ang rebolusyonaryong pakikibaka.

 


Previous articleBack to topNext article

12 Nobyembre 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Samantalahin ang krisis sa paghahari ng reaksyunaryong rehimeng Estrada

Editoryal:
Batiin ang ika-21 siglo at ang bagong milenyo nang may kapasyahang paigtingin ang rebolusyon

Hinggil sa mga batayan at espesyal na taktikal na opensiba
Ang unos ng paglaban sa globalisasyon
Ang lumalawak na imperyo ni Lucio Tan
Sa pag-upo ni Lacson bilang hepe ng PNP:
Paghasa sa pasistang pangil ng rehimeng US-Estrada

Tumitinding pasismo ng rehimeng US-Estrada
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Tungkol sa diumano�y malawakang pagrerekrut ng BHB ng mga mandirigmang bata

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ilang mahahalagang impormasyon

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Memorandum hinggil sa minimum na rekisitong edad para sa mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Pag-oorganisa ng mga bata sa kanayunan

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Ang miserableng kalagayan ng mga manggagawang bata sa Pilipinas

Ang karapatan ng mga batang Pilipino
Kontra-rebolusyonaryong karahasan laban sa mga bata sa kanayunan

Hinggil sa usapin ng nasyunalidad at karapatan sa pagpapasya sa sarili
Malawakang pagkilos para sa karapatang-tao, idinaos
Ang moro-morong negosasyon sa pagitan ng rehimeng US-Estrada at pangkating Tabara-dela Cruz
Di makataong pagtrato kay Ka Parago, kinundena
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.