|
|
Ilang mahahalagang impormasyon Ang mga bata. Apatnapu�t limang porsyento (45%) o halos 33 milyon sa mamamayang Pilipino ay mga bata, edad 17 pababa. Kalakhan o 13.85% nito ay may edad 0-4 na taon. Kalusugan. Sa bawat 1,000 sanggol na ipinapanganak, halos 43 ang agad na namamatay dulot ng sakit, malnutrisyon, kawalan ng serbisyong medikal at iba pa. Mahigit 28% ng mga batang may edad lima pababa ang dumaranas ng malalang malnutrisyon. Tatlumpung porsyento (30%) na may edad limang taon pababa ang naitalang bansot ang pangangatawan. Apatnapu�t siyam na porsyento (49%) ng lahat ng mga sanggol at 26% ng mga batang may edad isa hanggang anim na taon ang may anemya dulot ng kakulangan ng iron. Kawalan ng edukasyon. Animnapung porsyento (60%) ng mga batang pumapasok sa elementarya ay humihinto pagdating sa ikalawang baitang dulot ng mataas na gastusin sa mga kaugnay na pangangailangan katulad ng pabaon, mga libro, samu�t saring bayarin sa eskwelahan, pamasahe at iba pa. Lalong lumiliit ang kanilang tsansang makapasok sa hayskul o kolehiyo dulot ng napakataas na matrikula at gastusin sa pag-aaral. Mahigit sangkatlo ng 42,000 barangay sa buong bansa ay may mga paaralang elementaryang hindi kumpleto ang anim na baitang. Gayundin, kulang na kulang ang mga guro. Pitumpung bayan lamang ang may mga paaralang hayskul. Higit na kaunti ang mga paaralang pangkolehiyo. Pagbabanat ng buto. Maagang pumapasok sa hukbong paggawa ang mga batang Pilipino. Sa edad lima o anim, karaniwang pinagtatrabaho na ang isang bata upang tumulong sa kanyang pamilya (tingnan ang kaugnay na artikulo). Mas masahol pa, mayroong mga batang isinusuong sa prostitusyon at sekswal na inaabuso. Lima hanggang 5.7 milyon ng lahat ng mga bata ay nagtatrabaho, kabilang ang 25,000 batang katulong. Tinatayang umaabot sa 1.5 milyong bata ang naglalako sa mga lansangan ng mga sentrong lunsod sa Pilipinas. Dito, mayroong 60,000- 100,000 batang nagiging biktima ng prostitusyon at kinakasangkapan ng mga kriminal na sindikato.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|