Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita

 Read this article in English

14 NA ARMAS NASAMSAM SA AMBUS SA MASBATE

Labing-apat na armas na iba't ibang kalibre ang nasamsam samantalang apat na pulis ang napaslang sa isang ambus na inilunsad ng mga gerilya ng Bagong Hukbong Bayan. Dalawang pulis at dalawang elemento ng Citizens' Armed Forces Geographical Unit din ang nasugatan sa naturang ambus. Ang pananambang ay isinigawa laban sa isang siyam-kataong tim ng Philippine National Police noong umaga ng Agosto 2 sa Sityo Batog, Barangay Balite sa Aroroy, Masbate. Nasamsam mula sa ambus ang anim na M16, dalawang garan, dalawang .45 na pistola at apat na .38 rebolber.

PAGSALBEYDS SA TIMOG MINDANAO KINUNDENA

Kinundena ng National Democratic Front, mga grupong simbahan, mga kagawad ng midya at iba pa ang isa na namang garapal na paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines.

Mariing kinundena ang pagsalbeyds sa isang kadre ng Partido, isang gerilya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at dalawang upisyal ng isang minahan sa Compostela Valley. Ayon sa isang fact-finding mission na isinagawa ng simbahan, sina Godofredo Guimbaolibot (Ka Paking), Rolando Jubahib (Ka JR), Edwin Asion at Mariano Diamante ay dinukot noong Agosto 2 ng hapon sa Barangay Ngan, Compostela ng mga elemento ng 60th IB na pinamunuan ni Tin. Rolando Cateel. Sakay ang apat sa isang Nissan pickup nang sila'y arestuhin. Sa kabila ng malinaw na katayuan nina Ka Paking at Ka JR bilang hors d'combat, at sa kabila rin ng pagbabawal ng CARHRIHL na gawing target sa armadong labanan ang mga sibilyang tulad nina Asion at Diamante, ang apat ay tinortyur at pinagpapatay kinagabihan sa isang liblib na bahagi ng Davao-Agusan highway sa Barangay Tuburan, Mawab habang dinadala diumano ng mga sundalo sa himpilan ng 701st Brigade.

Si Ka Paking ay kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas sa rehiyon ng Timog Mindanao samantalang si Ka JR ay isang medik ng BHB. Si Asion naman ay inhinyero at operations manager ng Bullex Mining at si Diamante ay supply officer ng naturang minahan.

Hindi tinanggap ng midya ang di-kapanipaniwalang pahayag ng militar na tinangkang agawin ni Ka Paking ang armalayt ng isang sundalo kung kayat ang apat na bihag ay pinagbabaril. Iginiit ng mga testigo na nakatali sa kanyang likuran ang mga kamay ni Ka Paking mula nang ito'y arestuhin kaya't hindi ito makapanlalaban.

Sa kaugnay na balita, nagpaabot ng pakikiramay at pakikiisa ang Workers' Party of Belgium sa mga kasama at pamilya ni Ka Paking. Pinuri ng partido si Ka Paking bilang isang "lider rebolusyonaryo na maunawain at mapagkalinga, mapaggabay at nakapagpapasigla". Anito, "nakatitiyak kami na malaki ang naiambag ng naging buhay, pakikibaka at pagkamartir ni Ka Paking sa pagpapalakas ng rebolusyon hanggang sa tagumpay."

BINATIKOS: ISTRAPING, BLOKEO NG PAGKAIN SA NEGROS ORIENTAL

Binatikos ni Frank Fernandez, dating tagapagsalita ng National Democratic Front, ang paglabag ng mga elemento ng Philippine Army at Citizens' Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa karapatang-tao ng mga sibilyan sa Negros Oriental. Sa isang pahayag sa midya, kinundena ni Fernandez ang pamamaril at pananakit ng mga sundalo at CAFGU sa mga sibilyan sa Barangay Trinidad, Guihulngan, Negros Oriental pagkatapos ng isang labanan nitong Agosto 15 na ikinamatay ng anim na tropa ng militar. Isa ring Pulang mandirigma ang namatay sa engkwentro.

Ayon kay Fernandez, pinagbabaril ng mga sundalo ang bahay ni Patricia Quirante, naninirahan sa naturang barangay. Nasugatan sa istraping ang limang taong gulang na anak ni Quirante. Isa pang sibilyan, si George Villanueva, ang binugbog ng mga tropa. Bunga ng mga pananakot ng Philippine Army, ani Fernandez, marami nang taumbaryo ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan. Mariin ding binatikos ng mga progresibong organisasyon sa Negros Oriental ang ipinataw na blokeo sa pagkain ng 33rd IB sa mga baryo ng Hinumayan, Amomoyon at Cabulay sa Guihulngan pagkatapos ng naturang labanan.


PAGWAWASTO: Sa isyung Mayo-Hunyo 1999, ibinalita ng AB na isang sundalo ng 3rd Special Forces Battalion ng Philippine Army ang napatay at tatlo ang nasugatan sa ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Barangay Mainit, Bontoc, Mountain Province noong Hunyo 21. Ayon sa pinakahuling mga ulat mula sa Leonardo Pacsi Command, ang yunit ng BHB na kumikilos sa naturang prubinsya, limang sundalo ang patay at tatlo ang sugatan sa pananambang. Ayon pa rin sa ulat, ang ambus ay pagpaparusa sa mga sundalong idineploy upang depensahan ang mga dayuhang minahan sa Mountain Province.

 


Previous articleBack to top 

00 Hulyo 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Puspusang ilantad, labanan at ihiwalay ang reaksyunaryo, papet at pasistang rehimeng US-Estrada

Agosto 20: Natitipong unos laban sa naghaharing pangkating Estrada
Tatalim ang alitan ng mga reaksyunaryo hinggil sa pagbabago ng konstitusyon
Oplan Makabayan:
Pasistang pakana ng rehimeng US-Estrada

Tugon ng Timog Katagalugan sa Oplan Makabayan:
Taktikal na opensiba, kilusang masa

Ang malupit na hagupit ng liberalisasyon at deregulasyon sa sektor ng pangisda
Ang 'corporative scheme' ni Danding:
Ibayong pahirap sa mga magsasaka

Usaping "coco levy":
Lutong Danding pa rin

Pag-iral ng mga kartel:
Monopolyo sa industriya ng asukal at iba pang pangunahing tanim

Ika-1 ng Oktubre 1999:
Ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng tagumpay ng Rebolusyong Tsino!

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.