![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
"Pitong porsyentong paglago sa loob ng pitong taon simula sa kalagitnaan ng 2003." Ito ang pinakabagong islogan ng rehimeng Macapagal-Arroyo nang itaguyod nito ang sosyo-ekonomikong programang ibinobongga ni House Speaker Jose de Venecia noong 2001. Isiningit ni De Venecia ang numerong "4" sa pagitan ng "747" bilang palatandaan ng kanyang intensyong tumakbo sa eleksyon para sa pagkapresidente sa 2004 � kaya binansagang "Plan 747". Ngayo�y inangkin na ni Macapagal-Arroyo ang Plan 747 at umaasa siya nang malaki na ang mga bunga nito ay magiging malaking kapital niya para maiahon ang bagsak niyang popularidad. Liban sa magimik na pamagat, walang pinagkaiba sa kabuuang oryentasyon ang Plan 747 sa Philippines 2000 (Medium Term Philippine Development Plan) ng dating rehimeng Ramos na puspusan ding itinaguyod ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Kapwa itong nakatuon sa lubusang pagbubukas ng ekonomya ng Pilipinas alinsunod sa imperyalistang "globalisasyon." Tulad ng Philippines 2000, itinataguyod ng Plan 747 ang liberalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon at denasyunalisasyon ng pambansang ekonomya. Katulad ng inaasahan sa mahilig magpapansing si De Venecia, ang tanging laman ng Plan 747 ay ilang piling proyekto at programang pampasiklab na gagamitin para sa maksimum na pagpapabongga at pagpapabango sa mamamayan. Inililipat ng Plan 747 ang diin ng patakarang pangekonomya ng gubyerno mula sa "macroeconomics" (ang pangangasiwa sa ekonomya sa pamamagitan ng mga pangkalahatang patakaran) tungo sa "micro economics" (pagtutuon ng pansin sa mga partikular na proyekto). Sa halip na hayaan sa antas ng pangkalahatang oryentasyon ang pagtataguyod ng neoliberalismo, binibigyang-diin ng Plan 747 ang pagtataguyod at aktwal na pagtatayo ng mga partikular na susing proyekto. Kasabay nito, sinipa ni Macapagal-Arroyo ang pangkalahatang kalihim ng National Economic Development Authority na si Dante Canlas dahil sa kainutilan diumano nitong pawiin ang naging negatibong tunguhin sa ekonomya nitong nakaraang dalawang taon. Ipinalit niya si Romulo Neri, bata ni De Venecia at siyang aktwal na bumuo ng konsepto ng Plan 747. Nagpapasiklab lamang si De Venecia at Neri sa pangako nilang mabubura ng kanilang plano ang absolutong kahirapan sa loob ng 10 taon. Ang inaasahan nilang pagkakamit ng 7% taunang paglaki ng GNP mula 2003 ay napakalayo rin sa katotohanan. Maging ang ilang tampok na proyektong nasa listahan ng Plan 747 ay imposible o kaduda-dudang makamit, tulad halimbawa ng pagtatanim ng isang bilyong puno para sa komersyal na pagtotroso sa loob ng pito hanggang 12 taon. O di kaya ang pagtatayo ng 750,000 bagong pabahay sa loob lamang ng tatlong taon. Inaamin ni De Venecia na ang mga proyektong nakapaloob sa Plan 747 ay umaasa pa sa malakihang pangungutang mula sa Japan at Europe. Maging ang IMF ay nag-aalala, na sa laki ng kailangang gastusin sa pagpapatupad ng mga proyekto ng Plan 747, ay lalo lamang lalaki ang depisit at utang ng gubyerno at ng bansa. Makamit man ang ilang proyekto nito, ang mas tatampok pang resulta ay ang higit na pagkawasak ng mga pwersa sa produksyon ng bansa. Kabaligtaran ng sinasabi ni Neri na "palalakasin ng Plan 747 ang supply-side (o ang panig ng prodyuser � tulad ng tagasuplay ng mga produktong agrikultural, tagasuplay ng mga produktong industriyal, tagasuplay ng mga serbisyo)," ang itinataguyod nitong ibayong pagliliberalisa ng agrikultura, industriya at serbisyo ay magreresulta lamang sa mas maramihang pagpasok at pagmonopolisa ng mga dayuhang kumpanya sa mga sektor ng ekonomya na limitado sa mga Pilipino o dating hindi pa gaanong pinapasok ng mga dayuhan, laluna sa agrikultura at serbisyo, at pagbaha rito ng mga imported na produkto. Magdudulot ito ng higit na kahirapan at pagkalugi ng mga magsasaka at ng mga lokal na empresa sa industriya at serbisyo. Ang pangunahing nilalaman ng Plan 747 ay ang "modernisasyon ng agrikultura" sa pamamagitan ng mga tipong-plantasyon na pagtatanim ng high-value crops tulad ng kasoy, asparagus, paminta at ube, pangunahin na para sa eksport. Gagamit din ang mga ito ng maraming imported na sangkap, tulad ng certified seeds at kemikal na abono at pestisidyo. Papalitan ng pagtatanim ng high-value crops ang pagtatanim ng palay kaya isasagawa ang malawakang pagpapalit-gamit ng maraming maliliit na palayan tungo sa pagtatayo ng maraming plantasyong nakatuon-sa-eksport. Sa halip na paunlarin ang ekonomya, ipapako lamang ito ng Plan 747 sa ibayong pagsandig sa import at eksport at sa pagkaatrasado. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|