Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanya sa rebolusyong agraryo sa Ilocos at Kordilyera, tagumpay

 Read this article in English

�Mas matamis ang tagumpay kung bunga ito ng pagkilos at pakikibaka natin. Kung tayo ay napapanday ng apoy ng pagharap at pagsagot sa problema, tumitigas na parang bakal ang ating pagkakaisa at kapasidad na lumaban.�

Mahigit 65,000 magsasaka sa rehiyong Ilocos at Kordilyera ang direktang nabenepisyuhan ng rebolusyong agraryo sa taong ito. Ayon sa Dangadang, rebolusyonaryong pahayagan sa Ilocos at Kordilyera, ang mga pakinabang gaya ng dagdag na sahod, paglaki ng produksyon, paglawak ng lupang masasaka at oportunidad para makapagtrabaho ay kongkretong tinatamasa ngayon ng nabenepisyuhang mga magsasaka. Kaakibat nito, umani rin sila ng dagdag na karanasan sa sama-samang pagkilos at pakikipaglaban, pag-unlad ng kaisipan at kaalaman at pagtaas ng mapanlabang diwa.

Nagtagumpay ang rebolusyonaryong organisasyon ng mga magsasaka sa ilang baryo sa Ilocos Sur noong Abril na ipagpaliban ang pagbayad ng tatlong taong utang, pawiin na ang interes na ipinatong sa interes sa mga nakaraang utang, at ibaba ang buwanang interes sa kasalukuyang utang mula 10% (o 120% kung taunan) tungong 5%.

Iba�t ibang porma ng pagkilos ang inilunsad kabilang na ang mga pulong barangay para himukin ang mga koboy (komersyante sa tabako) na bawasan ang interes. Nanggagaling sa mga trading center (TC) ang ipinapautang na kapital, ngunit ang mga koboy ang nagpapautang ng mga ito sa mga magsasaka sa anyo ng salapi o sangkap. Ang mga TC ay kumpanyang pag-aari ng mga burukrata kapitalista na bumibili ng tabako para sa mga imperyalistang kumpanyang gumagawa ng sigarilyo.

Sa tatlong magkakatabing baryo sa isang sonang gerilya sa Ilocos Sur, napataas nang P20-30 ang arawang sahod ng mga manggagawang bukid. Sa pamumuno ng grupong pang-organisa (GP) ng mga magsasaka, nahimok ang mga panggitnang magsasaka na sumuporta sa pakikibaka at nakumbinse ang mga mayamang magsasaka na itaas ang sahod. Dahil sa tagumpay nito, ilan pang kalapit na baryo ang nakapaglunsad ng kampanya sa pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid.

Bumaba mula apat na bettek (bungkos ng palay) tungong dalawang bettek ang interes sa bawat 10 bettek na inutang na palay kada anihan sa isang larangang gerilya sa Abra.

Nai-breyktru sa ilang baryo sa Abra at Kalinga ang kolektibong paggawa ng payaw o hagdan-hagdang palayan (rice terraces). Pinamunuan ito ng mga GP sa lugar. Ang mga bundok na tinayuan ng mga bagong payaw ay inilaan sa mga maralita at mababang-panggitnang magsasaka. Bago ito, ang paggawa ng payaw ay natigil sa matagal na panahon dahil sa pagkawala ng sama-samang pagkilos.

Nai-breyktru rin ang kolektibong paggawa ng komun na uma (kaingin) na pinamunuan ng GP ng kababaihan. Ito�y para sa produksyon ng dagdag na pagkain ng pamilya nila at ng BHB. Inumpisahan din nila ang pangangalap, pag-iimpok at pagpaparami ng mga butong itatanim. Sa ipinamalas ng kababaihan, naibwelo rin ang paggawa ng komun na uma at palaisdaan sa mga kalapit na baryo.

Sa Kalinga, ibinalik ng rebolusyonaryong mga organisasyon ng mga magsasaka ang paggamit ng sunflower at iba pang organikong pataba sa lupa kaysa bumili ng komersyal na abono. Lumaki ang ani nila ng palay.

Napagana rin ang mga kooperatibang natulog nang ilang panahon dahil nawasak ang mga organisasyong masa noong dekada 1990 dulot ng disoryentasyon. Ngayon, halimbawa, ang mga gamit sa pagsasaka ay ginagawa muli ng mga pandayang pinatatakbo ng mga kooperatiba sa ilang baryo sa Abra at Kalinga.

Muling sumigla ang alluyon, ubbo, innabuyog at iba�t ibang porma ng tulungan sa pagsasaka sa iba�t ibang sonang gerilya sa Kordilyera.

 


Previous articleBack to topNext article

Agosto 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Tumitindi ang pagpapakatuta ni Macapagal-Arroyo

Panghihimasok militar ng US
Pinulot sa basurahan
Vigilantismo sa Davao, dadalhin sa pambansang antas
Naghihingalong sistemang pangkalusugan sa bansa
Philhealth, instrumento para sa pagkakamal ng tubo
Pakikibaka sa Tala Leprosarium, nagpapatuloy
Pagpapasara sa 10 ospital:
Inaagrabyado ang masa sa Isabela

Programang GMA 50:
Bigong solusyon sa malalang suliraning pangkalusugan ng mamamayan

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanya sa rebolusyong agraryo sa Ilocos at Kordilyera, tagumpay
Mga Ulat Koresponsal:
Presyo ng tabako, naitaas

Malaking bigwas sa imperyalismong US:
Pandaraya ni Bush at ng malalaking negosyo sa US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.