Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mula sa Komite Sentral
AB, dalawang beses bawat buwan

 Read this article in English

Simula ngayong Marso, ilalabas ng Komite Sentral ang pahayagang Ang Bayan (AB) nang dalawang beses kada buwan.

Ang desisyong ito ay nakabatay sa pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng AB bilang regular na pampulitikang pahayagang pangmasa at pangunahing daluyan ng propaganda ng Partido.

Kaugnay nito, humahalaw tayo ng inspirasyon mula sa alaala ni Kasamang Antonio Zumel, komunistang peryodista, at dating punong patnugot ng AB.

Sa nakaraang mga taon, ginamit ng Partido ang AB upang matalas na ilantad at labanan ang sunud-sunod na anti-mamamayan at maka-imperyalistang papet na rehimen at ang kabuuan ng baon-sa-krisis na naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal. Kaugnay ng mga ito, naging instrumento ang AB sa paglilinaw ng mga tungkulin sa pagpapalakas ng Partido at rebolusyonaryong kilusan at pagsusulong ng kilusang masa, nagkakaisang prente at armadong pakikibaka.

Kailangang-kailangan ang madalas at napapanahong paglabas ng AB upang maagap na mailinaw ng Partido ang mga pagsusuri, paninindigan, patakaran at panawagan nito sa harap ng mabilis na nagbabagong mga usaping pambansa at pandaigdig at lalong bumibilis na kumpas ng rebolusyonaryong kilusan.

Gayundin, napakahalaga ng AB sa maagap at tuluy-tuloy na paglilinaw sa mga kasapi, rebolusyonaryong pwersa at mamamayan ng mga prinsipyo at paninindigan ng Partido at rebolusyonaryong kilusan tungkol sa napapanahong mga isyu upang mas mabisang maisulong ang mga rebolusyonaryong gawain sa iba�t ibang larangan at saklaw laluna sa harap ng walang tigil na paninira ng imperyalismong US at mga lokal na reaksyunaryo.

Kailangan ding magsilbi itong mabilis na daluyan ng mga organisasyon at kasapi ng Partido at rebolusyonaryong pwersa sa buong bansa para sa palitan ng mga balita, impormasyon, panawagan, karanasan at mga aral sa pagsusulong ng rebolusyonaryong kilusan sa kabuuan at sa kani-kanilang saklaw.

Patuloy at puspusang nilulutas ng Partido mula sa Komite Sentral hanggang sa mga batayang yunit ang ilang usapin sa paglalabas ng AB Ang mga pagsisikap sa lahat ng antas ay salamin ng pagpapahalaga sa AB bilang importanteng instrumento sa tuluy-tuloy na pagpapatalas ng Partido sa pulitika. Mahalaga rin ito sa pagpapanday ng pagkakaisa ng buong Partido sa ideolohiya, pulitika at organisasyon at sa pamumuno nito sa rebolusyonaryong pwersa at mamamayan para sa pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka.

Kaakibat ng pagdalas ng paglalabas ng AB at mga kaugnay na tungkulin, kinakailangang mapagpasyang harapin at patuloy na lutasin ang sumusunod na mga usapin:

1. Ibayong pagsasaayos, pagpapabilis at pagpapalawak ng sistema ng tuwiran at di-tuwirang pag-uulat o koresponsal upang maagap na mailathala sa AB ang kalagayan, usapin at pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa lahat ng larangan ng gawain at sa lahat ng panig ng bansa. Sinisikap nating higit na makatugon ang AB sa pinakasariwang mga pangyayari at usapin at nang mahusay itong makatulong sa paggabay sa pangkasalukuyan nating mga taktika at praktika. Kailangang matukoy ang mga korespondent sa iba�t ibang saklaw ng pagkilos, kabilang ang mga punong korespondent mula sa mga namumunong organo. Sila ang responsable sa pagtitiyak na ang mga balita at impormasyon mula sa kanilang saklaw na dapat maipaabot sa patnugutan ng AB ay kaagad natitipon at maagap at maayos na naipararating.

2. Ibayong pagpapalaki ng sirkulasyon ng AB upang tiyaking may kopya hindi lamang ang bawat isang kasapi ng Partido, kundi maging ang mga mandirigma ng hukbong bayan, mga lider at aktibista ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa. Obligasyon ng mga namumunong komite ng Partido na organisahin ang reproduksyon ng pahayagan sa kanilang saklaw at palakasin ang makinarya dito upang matugunan ang pangangailangan ng lumalawak na baseng masa.

3. Ibayong pagpapabilis at pagpapahusay ng sistema ng distribusyon. Masusing pag-aralan at tasahin ang pagtitiyak na ang mga kopya ng AB ay kaagad at maayos na makararating sa mga mambabasa nito. Masasayang ang lahat ng pagod at gastos sa pagpapaunlad ng iba�t ibang aspeto ng pahayagan kung sa dakong huli ay matatambak ito sa mga imbakan at bagsakan nang hanggang linggo at buwan sa halip na agad makaabot sa mga mambabasa. Dapat pursigidong lutasin ang mga bara at problema sa distribusyon at tuluy-tuloy na paunlarin ang sistema ng pagpapakilos at koordinasyon ng iba�t ibang bahagi ng kilusan para rito. Ang mga pag-unlad rito ay pakikinabangan hindi lamang sa gawaing propaganda kundi maging sa iba pang gawain at pakikibaka.

4. Higit na pagkakamit

ng batayang pagkakaisa sa mga alituntunin sa pagsasalin sa iba�t ibang edisyon. Mahalagang higit na mapasigla ang mga palitan at tulungan hinggil sa mga inilalabas na salin ng AB upang matiyak ang tuluy-tuloy na mapauunlad ang gawaing pagsasalin.

Kaugnay ng mga ito, nais nating diinan na ang AB ay isang malawakang kolektibong pagsisikap ng Partido at rebolusyonaryong kilusang masa �- mula sa pagpapadala ng mga ulat/koresponsal at artikulo, paglalathala, pagpaparami, pamamahagi at paggamit nito sa propaganda at edukasyon ng mga pwersa at mamamayan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Marso 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Agresyong US, BIGUIN

Mula sa Komite Sentral
AB, dalawang beses bawat buwan
Usapang pangkapayapaan, ibinasura na ng GRP
Gerilyang digma laban sa AFP, inilunsad ng MILF
Ilang tampok na tagumpay sa paglalahathala ng AB
Lumalaking sagka
Pandaigdigang pagtutol sa gera
100,000, nagrali sa Luneta
Galamay ng US
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Sunud-sunod na mga opensiba, inilunsad ngayong Pebrero

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.