Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Pagpusisyon ng mga magsasaka sa Hilagang-Kanlurang Leyte
Pagkakaisa at kapasyahang lumaban

 Read this article in English

Sa kasalukuyan, mahigit 2,000 ektaryang lupain sa hilagang-kanlurang Leyte ang okupado at pinupusisyunan ng mahigit 1,000 pamilya. Matatagpuan ito sa mahigit 30 malalaking barangay sa Ormoc City at sa mga bayan ng Kananga, San Isidro, Leyte, Albuera, Villaba at iba pa.

Sa pagpusisyon, inookupa at binubungkal ng mga magsasaka ang mga tiwangwang na tubuhan, na karamiha'y inabandona ng mga panginoong maylupa o naremata ng mga bangko matapos malugi bunsod ng pagbagsak ng industriya ng asukal noong dekada 1980.

Kasabay ng sustenidong pag-kilos upang pusisyunan ang lupa, naipagtagumpay din ng masang magsasaka roon ang pakikibaka upang ibaba ang upa sa lupa at itaas ang sahod ng mga manggagawang bukid sa mga maisan, niyugan at tubuhan. Ang mga pakikibakang ito, na kinatatangian ng mahigpit na ugnayan ng mga magsasaka sa iba't ibang barangay, ay mainit na sinusuportahan ng mga manggagawa at mga panggitnang pwersa.

PAG-OKUPA SA ABANDONADONG LUPA. Ang mga lupain sa hilagang-kanlurang Leyte ay monopolisado ng iilang malaking panginoong maylupa. Naririto ang pinakamalalaking tubuhan, at ilan sa pinakamalalawak na niyugan at pastuhan sa Silangang Kabisayaan.

Dekada 1980 pa lamang ay may ilan nang ispontanyong pag-okupa sa mga tiwangwang na lupain. Sa simula'y kalat-kalat ang mga pagsisikap ng iba't ibang pamilya at grupo. Noong 1995, tinipon at kinoordina ito ng Samahan han Gudti nga Parag-uma-Sinirangang Bisayas (SAGUPA-SB o Samahan ng Maliliit na Magsasaka-Silangang Kabisayaan). Lumaganap ang mga pagkilos sa magkakatabing mga barangay at bayan, sa mga tabing haywey at baybay-dagat, pati na sa labas ng mga tubuhan.

PAGBABALIK NG MGA PANGINOONG MAYLUPA. Bagamat abandonado na ang karamihan ng lupang ino- kupa, hindi naging madali ang pakikibaka ng mga mag-sasaka. Sa kabila ng ilang panahon nang paglinang ng mga pamilyang magsasaka sa mga lupain, tinangka ng ilang panginoong maylupa at ng mga bangko na agawin muli ang mga lupain at ipagbili sa iba pang panginoong maylupa at negosyante.

Isa sa mga nagkainteres na mangamkam ng lupa para sa pagpapalawak ng kanyang rantso si Melchor Larrazabal. Ang pamilyang Larrazabal ay isang makapangyarihang angkan ng mga panginoong maylupang ilang dekada nang naghahari sa Leyte.

Noong 1996, napwersa ng mga magsasaka sa ilang lugar ang Department of Agrarian Reform na magdesisyong mamahagi ng lupa. Subalit hindi ito naipatupad dahil sa maniobra ng mga panginoong maylupa kung saan kabilang si Lito Osme�a.

Ang pamilyang Osme�a ay isa sa mga makapangyarihang angkan sa Cebu. Sa panahong ito, mayroon nang 100 ektaryang lupain si Lito Osme�a na balak niyang gawing paliparan. Interesado rin siyang gumawa ng golf course at mga iligal na bahay-aliwan para sa mga pedophile (mga taong may sekswal na pagnanasa sa mga bata) sa bayan ng San Isidro.

Pinasimunuan nina Osme�a at Larrazabal ang pandarahas at pagsasampa ng mga gawa-gawang kasong kriminal laban sa SAGUPA-SB at mga indibidwal na magsasakang umokupa sa mga lupa.

KARAHASAN LABAN SA MGA MAGSASAKA. Noong Agosto 1999, isang barangay captain na lider ng SAGUPA-SB ang ipinapatay ni Melchor Larrazabal. Sa bayan naman ng Kananga, pinatay ng mga pulis at CAFGU ang lider-magsasakang si Reynaldo "Teting" Villota sa utos ni Loloy Labra, isang despotikong panginoong maylupa.

Subalit sa kabila ng patuloy na harasment, kahit sa mismong burol, buong-tapang na pinarangalan ng mga magsasaka ang mga pinaslang. Libu-libong magsasaka ang sumama nang imartsa ang mga kabaong ng dalawang pinaslang patungong sementeryo. Dala-dala ang mga pulang bandila at mga plakard at istrimer, ipinahayag nilang ipagpapatuloy ang pakikibakang pinagbuwisan ng buhay ng dalawa.

Hanggang sa kasalukuyan, sama-samang hinaharap ng mga magsasaka ang mga kaso at banta sa kanila. Patuloy silang naglulunsad ng mga piket, demonstrasyon, camp-out at iba pang anyo ng kilos-protesta. Kapag may lider-magsasakang hinuhuli at ikinukulong, dinadagsa nila ang kulungan upang magbigay ng suportang moral. May mga pangyayaring dahil sa pagkilos ng mga magsasaka, nagpasya ang husgado na pansamantalang palayain ang mga ibinilanggo. May kaso ring napipilitan ang husgado na babaan ang pyansa.

Dahil makapangyarihan sa gubyerno ang kanilang mga kalaban, talo ang mga magsasaka sa maraming kaso. Subalit hindi pa rin nila iniwan ang lupa. Bagkus ay tumibay pang lalo ang kanilang paninindigan. Isang halimbawa ang kaso sa isang pastuhan kung saan mula sa 150 katao, umabot sa 300 pamilya ang lumahok sa pagpusisyon at nagtutulung-tulong sa pagtatanim sa kabila ng pananakot. Dahil maya't maya ay may pinapupuntang goons ang mga panginoong maylupa para bunutin ang mga pananim, nagpasya ang mga magsasakang magrelyebo sa pagbabantay sa kanilang mga sakahan.

Mabisang sandata ng mga magsasaka sa hilagang-kanlurang Leyte ang mahigpit na pagtutulungan sa pagsusustine ng mga laban at pagpapalakas ng kanilang hanay. Patuloy nilang pinatataas ang kanilang kamulatan at diwang mapanlaban sa kabila ng tangka ng mga panginoong maylupa na sagkaan ang kanilang pagsulong. Dahil sa kanilang pagkakaisa at kapasyahang lumaban, tiyak na tuluy-tuloy silang aani ng mga tagumpay.

 


Previous articleBack to topNext article

Oktubre 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Pataasin ang antas ng lumalawak na patriyotikong nagkakaisang prente

Ang tinig ng patriyotismo ni Guingona
Pagpapatalsik sa mga base militar, ginunita
TAMPOK NA BALITA:
Matatagumpay na taktikal na opensiba

Patuloy na nang-uupat ng gera si Bush laban sa Iraq
Bush: Hitler, banta sa kapayapaan
US: Banta sa seguridad at kasarinlan ng mga bansa
Pagtutol sa gera laban sa Iraq, lumalawak
Iskandalosong korapsyon ng mag-asawang Arroyo
Sabwatang Mike Arroyo - NAD
Mga Ulat Koresponsal:
Pagpusisyon ng mga magsasaka sa Hilagang-Kanlurang Leyte
Pagkakaisa at kapasyahang lumaban
Kapitulasyon at kriminalidad ng RPM-RPA-ABB
Ipagtanggol si Ka Joema!
PKP, nakiisa sa paggunita sa Set.11
Balita
PABATID
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.