![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Naitaas mula P43-45 tungong P53-55 bawat kilo ang minimum na presyo ng tabakong Virginia sa Ilocos Region at Abra. Bunga ito ng matagumpay na kampanya ng mga magsasaka mula sa tatlong prubinsya ng Ilocos at sa Abra mula Enero hanggang Marso 2002. Ang kampanya ay pinamunuan ng Stop Tobacco Planters� Exploitation (STOP-EX), organisasyon ng mga magsasaka ng tabako sa Ilocos at Abra. Naglunsad ng mga koordinadong pagkilos ang mga pamprobinsyang tsapter ng STOP-EX na rumurok noong Marso 8 sa pag-ikot ng mga lider at kinatawan ng STOP-EX sa iba�t ibang trading center (TC) na pag-aari ng mga kumprador kapitalista at paghingi ng pakikipag-dayalogo sa mga namamahala sa mga ito. Bunga ng mga ito, napapayag ang mga TC na itaas nang P10 kada kilo ang presyo ng tabako at ipagpaliban ang pagbabayad sa mga taon nang di nababayarang utang dulot ng mga sakuna. Sa ilang kaso, napapayag din ang mga TC na bawasan nang kalahati ang interes sa mga pautang nila. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|