![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Istasyon ng pulisya sa Ilocos Sur, sinalakay HINDI bababa sa pitong M16 ang nasamsam ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nang salakayin nila ang himpilan ng pulisya sa Santa Lucia, Ilocos Sur bago maghatinggabi nitong Setyembre 15. Nakipagpalitan ng putok ang walong elemento ng pulis na nasa istasyon. Ngunit makaraan ang dalawampung minuto, napilitan silang sumuko sa BHB. Dalawa sa kanila ang patay, lima ang sugatan at isa ang tumakbo. Pagkatapos mapasok ang armori ng pulisya, sinunog ng BHB ang himpilan at ang nakaparadang sasakyan ng pulis.
Samantala, noong Setyembre 6 ng gabi ay sinalakay ng BHB ang munisipyo ng Esperanza, Masbate. Isang kompyuter ang nakumpiska. Mga sundalo tinambangan sa Isabela Tatlong elemento mula sa nag-ooperasyong mga tropa ng Alpha Coy ng 45th IB ang namatay at marami pang iba ang nasugatan nang tambangan sila ng pwersa ng BHB-Venerando Villacillo Command nitong Setyembre 7 sa Palacian, San Agustin, Isabela. Ito ang pagtutuwid ni Ka Delio Baladon, tagapagpahayag ng Benito Tesorio Front, sa kasinungalingang iniulat sa masmidya ni Gen. Samuel Bagasin, kumander ng 5th ID, na walang pinsalang natamo ang AFP at hindi raw ambus ang naganap kundi engkwentro. Ani Baladon, nakita mismo ng mga sibilyan sa lugar na binubuhat ng mga sundalo ang tatlong patay at maraming sugatang sundalo. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|