|
Ikatlong round ng usapang pangkapayapaan, nakakadismaya-JMS
"Nakakadismaya!" Ito ang pahayag ni Jose Maria Sison, senior political adviser ng NDFP negotiating panel, kaugnay ng ikatlong round ng pormal na usapan na idinaos sa Oslo, Norway noong Hunyo 22-25. Nagkasundo ang dalawang panig sa ilang mahahalagang bagay ngunit hinadlangan ng GRP peace panel ang pagsasanib ng mga ito sa iisang dokumento. Batay sa kondukta ng kanilang panel at sa mga sinasabi at kilos ng mga upisyal ng gubyerno sa labas ng usapan, pumasok lamang ang GRP sa ikatlong round ng pakikipag-usap para magpakitang-tao bago ang inagurasyon ni Arroyo bilang presidente at likhain ang ilusyong interesado pa ang rehimeng Arroyo sa usapang pangkapayapaan.
Masyadong nagmamalaki ang rehimeng Arroyo at ipinamumukhang hindi nito kailangan ang pakikipag-usap sa rebolusyonaryong kilusan, ani Sison. Nagbabala siya na kung hindi seseryosohin ng GRP ang mga napagkaisahan sa ikatlong round, maaaring lumala ang relasyon ng dalawang panig.
Ayon sa GRP, sarado na ito sa paggawa ng anumang hakbang kaugnay ng pag-aalis sa PKP, BHB at kay Sison sa listahan ng US ng mga "terorista". Sasampu pa rin lamang ang bilanggong pulitikal na pinalaya ng GRP sa 32 na ipinangako nitong palayain mula sa 300 kabuuang bilang ng mga detenidong pulitikal. Wala ring nangyari sa ipinangakong pag-aayos ng bayad-pinsala sa mga biktima ng diktadurang Marcos.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Hulyo 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|