Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita

 Read this article in English

Usapang pangkapayapaan ng GRP at MILF, sinasabotahe ng US

Inulan ng batikos ang US nang lantaran itong manghimasok at tangkain nitong isabotahe ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamamagitan ng sunud-sunod na pahayag ng iba't ibang upisyal ng US laban sa MILF.

Nauna nang magbabala noong Marso 11 si Joseph Mussomeli, charge d'affaires ng US embassy, na maaari umanong magaya sa Afghanistan ang Mindanao dahil sa

nababalitang pagsasanay dito ng mga terorista. Ipinahayag ito ni Mussomeli isang linggo bago ang nakatakdang usapan ng GRP at MILF sa Malaysia. Nito namang Marso 29, sinabi ni US Assistant Secretary of State Christopher Hill na pinaplano nang ibilang ng US State Department ang MILF sa listahan ng mga terorista dahil sa pakikipag-ugnayan umano nito sa Jemaah Islamiyah. Ginatungan naman ito kinabukasan ni Adm. William Fallon, kumander ng US Pacific Command, na nagsabing mayroon nga raw ugnayan ang dalawang organisasyon.

Dahil sa gayong lantarang panghihimasok, nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa MILF na magbantay laban sa pagtatangka ng US na makialam at ipwersa ang pagbabasura ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP. Sa isang pahayag, tinawag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng PKP, na "political blackmail" ang pasaring ng US na ibibilang sa listahan nito ng mga terorista ang MILF. Ani Ka Roger, pagtatangka ito ng US na pilitin ang MILF na sumurender sa GRP at kung hindi'y babansagan itong terorista at maibabasura ang negosasyon.

Programa ng Cuba sa HIV/AIDS, pinuri ng UN at Harvard

Kahanga-hanga ang rekord ng Cuba sa sektor ng kalusugan. Nangunguna ito sa pananaliksik sa pagsugpo ng mga sakit at nangunguna rin sa pagbibigay ng mura kundi man libreng pagpapagamot. Ilan sa tampok na inabot na nito sa sektor ang pagsugpo ng polio (noong 1962 ang huling naitalang kaso, ayon sa World Health Organization); nakalikha sila ng gamot para sa kanser sa ulo at leeg; nakalikha ng mura at synthetic na bakuna sa meningitis B na sanhi ng pagkamatay ng maraming bata sa mundo; bakuna sa haemophilus influenza type B na nagdudulot ng meningitis; at marami pang impeksyon.

Mababa rin ang insidente ng TB at kolera. Bukod rito, nagpapadala ang Cuba ng mga propesyunal sa kalusugan gaya ng mga doktor at nars sa ibang alyadong bansa para magbigay ng libreng treyning at serbisyo. Ipinagbibili ng Cuba ang mga gamot sa ibang bansa nang murang-murang at mahigit nang 40 bansa ang nakikinabang sa mga ito, gaya ng Mexico, China, Iran at India. Ang pinakahuling breyktru nila sa medisina ang umani ulit ng papuri�ang pagkontrol sa paglaganap ng HIV/AIDS.

Sa isang internasyunal na kumperensya ng mga mananaliksik sa medisina hinggil sa HIV/AIDS na inisponsor ng Harvard University School of Medicine ng US; Caribbean Community Alliance Against HIV/AIDS (PANCAP); Cuban Pedro Kour� Institute of Tropical Medicine (IPK), at Rockefeller Foundation noong March 28-29, pinuri nila ang mga tagumpay ng Cuba sa pagkontrol sa paglaganap ng HIV/AIDS. Ang Cuba ang may pinakamamabang tantos ng pagkalat ng HIV/AIDS (0.05%) dahil sa mahusay nitong sistema ng kalusugan at sa atensyong ibinibigay nito sa mga sakit gaya ng HIV, sa kabila ng mataas na tantos ng paglaganap ng kaso ng sakit na ito sa Caribbean (2.3%). Dahil dito, ang UN System in Cuba na tumutulong sa pananaliksik tungkol sa HIV/AIDS ang tinatayang magiging sentro ng isang alyansa sa medisina upang pabilisin ang mga pagsisikap na masugpo ang sakit, batay na rin sa itinakdang Millennium Development Goals (MDG) ng UN.

Iginiit ng Cuba na hindi masusugpo ang mga mabilis kumalat na nakamamatay na sakit gaya ng HIV/AIDS kung hindi magkakaroon ng pampulitikang kapasyahan ang gubyerno na magbigay ng mahusay, maagap at mura kundi man libreng pagpapagamot. Nag-aambag ang mga institusyon sa US gaya ng MacArthur Foundation, Rockefeller Foundation, at Harvard University sa pondong pananaliksik ng Cuba.

 


Previous articleBack to top 

21 Abril 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Sahod, itaas!

Pambansang tigil-pasada, matagumpay na nailunsad
Dumarami ang kaaway ng rehimeng US-Arroyo
Pandarahas sa mga progresibong pwersa, nagpapatuloy
Daan-daang residente, namakwit sa Samar
Matatagumpay na opensiba ng BHB
6 na armas nasamsam, 6 na sundalo napatay sa ambus sa Samar

BHB sa Mindanao, umani ng ibayong tagumpay
Bello, tagapagtanggol ni Arroyo
Sino si Pedro Tejino?
Rehimeng US-Arroyo: Pinakamalaking bugaw sa Pilipinas
Mga batang ibinubugaw
Huwad na reporma sa lupa ng gubyerno, inutil
US, numero unong lumalabag sa karapatang-tao
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.