Malawakang pagkilos para sa karapatang-tao, idinaos
Bukod sa mga pagkilos na isinagawa sa Kamaynilaan, libu-libong mamamayan ang lumahok sa iba�t ibang mga aksyong masa na inilunsad sa maraming lungsod at prubinsya noong Disyembre 10 bilang paggunita sa ika-51 anibersaryo ng Unibersal na Deklarasyon ng mga Karapatang-tao.
Sa Davao, kinundena ng 5,000 mamamayan ang sunud-sunod na pagpatay, iligal na pagaresto, pagdukot at paglulunsad ng matinding militarisasyon ng reaksyunaryong militar sa kanayunan, sa direksyon ng pasistang rehimeng US-Estrada.
Mahigit 3,000 ang nagtipon upang tutulan ang laganap na paglabag ng estado sa mga karapatang-tao ng mamamayan sa lunsod ng General Santos.
Nagdaos ng martsa-rali sa dinemolis na palengke ng San Francisco, Agusan del Sur ang humigit-kumulang 2,000 mamamayan.
Sa Iloilo, 2,000 katao ang naggiit sa pagpapalaya kay Ruben Saluta na iligal na dinakip at matagal na itinago ng Military Intelligence Group ng Iloilo.
Tinuligsa ng 500 mamamayan sa lunsod ng Naga ang malalang rekord ng rehimeng Estrada sa paglabag sa mga karapatang-tao.
Sinalubong ng 400 aktibista�t kabataan ang pagbisita ng hepe ng pulisya na si Dep. Dir. Hen. Panfilo Lacson upang singilin siya sa kanyang mga pang-aabuso laban sa mamamayan ng Cebu noong huling bahagi ng dekada �80.
Dalawandaang manggagawa naman ng National Power Corporation ang lumahok sa rali sa Iligan at Cagayan de Oro upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa napipintong pagsasapribado ng naturang kumpanya.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|